70

2.5K 72 0
                                    


JEMA’S POV

Nagising ako ng maaga.

Mahimbing namang natutulog sa kabilang kama si Chiara. Nakalimutan ko na rin pala silang hintayin.

Mabuti naman walang nagyari sakanila.

Nag toothbrush na ako at nagpalit.

May 2 hours pa ako bago kami magkita ni Ricci.

Nag work out naman ako sa gym ng hotel at nag breakfast.

Matapos ay naligo at gumayak.

Iniwan ko na rin si Chiara sa room. Nagpaalam na lang ako na may bibilin lang.

Himala rin na hindi ako pinigilan nito at hinayaan lang akong mag-isa.

Weird.

Nasa lobby naman na si Ricci nang Makita ko ito.

Naka maong short ito, floral na polo, at naka shades.

Sure akong kahit sinong babae ma i-inlove dito. Iba rin talaga ang dating nya

Pero hindi ako.

Kumaway ito nang Makita ako.

“Good mornig”- sabi nito.

Ngumiti ako rito at binati rin sya.

“Mukhang terno tayo ng damit uh”- Ricci.

Napatingin naman ako sa dress ko.

Naka floral din pala ako ng dress.

Parehas pa kami ng kulay.

Shit.

“Magpapalit lang ako saglit”- sabi ko rito

Pero pinigilan naman ako nito.

“Okey lang yan, wala namang nakakakilala sa atin e”- sabi nito.

Tama nga naman sya. Tutal wala namang malisya.

“Tara na”- aya ko nalang dito. Masama na kapag may nakakita sa amin.

Naglibot kami around Bangkok. Nag libot sa Grand Palace, at kumain ng kung ano-ano.
Para kaming bata na nakawala sa mga kulungan.

Matapos ay nagpunta kami sa Floating Market.
Hindi ko naman first time dito. Madalas kasi Thailand ang pinupuntahan namin tuwing may training ng volleyball.

“Mamili muna tayo”- sabi ni Ricci.

Kasalukuyan kaming namimili ni Ricci nang bigla ako nitong hatakin.

Nagtago kami sa isang tindahan. Hawak hawak pa rin nito ang kamay ko.

Nang Makita nyang nakatingin ako sa kamay namin ay bigla nya itong binitawan.

“Uhm ano. Yung mga team mates mo Nakita ko”- sabi nito.

Shit.

Tinuro ni Ricci kung nasaan sila.

Magkakasama nga ang mga ito. Pero hindi ko Nakita si Chiara at Ponce. Malamang magkasama silang maglilibot nun.

“Jema, I think we really need to hide”-may itinuro pa itong isang grupo.

“Sabi mo ayaw maglibot ng mga team mates mo?”- Tanong ko rito.

“Sorry, Hindi ko naman alam na magbabago pala ang isip nila”- Ricci.

Napa face palm nalang ako dahil dito.

“Hindi tayo pwedeng Makita ng mga yan. Baka ma-isyu pa tayo”- ako

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon