27

5.3K 139 16
                                    

JEMA'S POV

Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng cellphone ko.

Nakapikit kong kinapa ito.

Minulat ko ang mata ko.

and then tinignan ko ang katabi ko.

Nakayakap ito sa akin at mahimbing na natutulog.

Tinignan ko ang cellphone ko.

Tumatawag si Chiarra.

Sinagot ko ito.

"JUSKO NAMAN JEMA! KAGABI PA KAMI TAWAG NANG TAWAG SAYO!  NASAAN KA BA?! "

halos mailayo ko sa tenga ko ang cellphone ko sa lakas ng boses ng kaibigan ko.

"bes, kalma. safe ako. Pasensya na hindi ko kayo na update"- sabi ko nalang.

"GUSTO KO LANG DIN IPAALAM SAYO NA MAY LARO TAYO NGAYON. PAPUNTA NA KAMI SA VENUE"

Bigla akong napa isip.

SHIT.

saturday ngayon.

Biglang nagising ang katabi ko at tinignan ako nito.

Sinenyasan ko sya ng wag muna syang maingay.

yumakap ito at sumiksik pabalik sa katawan ko.

"Shit! saglit Dea-. "- Hindi ko tinuloy ang sasabihin ko dahil may kausap nga pala ako.

Ang kulit mo DEANNA!

Ngumiti naman si Deanna.

Inirapan ko ito tsaka tumalikod sa akin.

"Ano bang ginagawa mo? Sinong kasama mo?! "- Chiarra.

Daig pa ito ang nanay ko uh.

"bes, paki dala yung jersey ko tsaka mga gamit ko and yung tumbler ko na blue basta alam mo na yun. sunod agad ako" sabi ko rito.

"HAY JEMMMA!  pakisabi sa kasama mo ihatid ka na agad"- sabi nito.

"Oo na. sige na"-  sabi ko.

"MAG KWEKWENTO KA MAMAYA! "- sabi nito bago ibaba ang tawag.

Tinignan ko ang oras.

11:00 am na!

2:00 pm ang start ng game.

PATAY NA NAMAN AKO NITO

"Deanna, Deanna"- alog ko sa katawan nito.

"What?"- sabi nito.

"May game ako"- sabi ko rito.

Humarap ito sa akin.

"Hindi ba nila kayang ipanalo yun? "- sabi nito. 

Hay naku Deanna.

"Baliw. mapapagalitan ako ng management at nila coach, tsaka last game na namin 'to sa elims"- sabi ko rito.

Tumayo na ito.

Ganun din ako.

"Pahiram ulit ng gamit. hehe."- sabi ko rito.

"Ibabalik ko sana yung gamit mo kaso naalala ko hindi ko pa nakukuha yung laundry ko"- sabi nito na abalang nagkakalkal ng gamit.

"Uh. kahit ano nalang jan. Kailangan ko na talagang gumayak"- sabi ko.

Bigla naman itong may inilabas na damit.

"Sorry. ito nalang ang meron ako."- sabi nito sabay abot ng damit at short nito.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon