38

5K 171 44
                                    

JEMA'S POV

Nakita kong tumalikod si Deanna sa amin ni Jason.

Kinuha ko ang mga pictures na iniwan nya.

Nagulat ako bigla sa mga litrato na hawak ko.

Sino namang gago ang susundan ako, kukuhanan ng pictures at ipapadala kay Deanna?

Itinabi ko nalang ang mga pictures sa bag ko.

Akmang papasok na ako ng sasakyan nang nagsalita si Jason.

"Wait,  Jema. Okey ka lang mag drive? "- tanong nito.

"Yes"- sabi ko.

Pumasok na ako ng sasakyan.

Kinatok nito ang bintana ng sasakyan ko. Binaba ko naman iyon.

"You sure? "- tanong ulit nito.

Naiinis na ako.

"Tigilan mo muna ako please. Ayoko ng kausap"- sabi ko.

Nabigla naman ito sa sinabi ko.

"Sorry. Hope you understand. Bye"- sabi ko at pinaandar na ang sasakyan.

Dinala ako ng sarili ko sa gym ng school namin.

Nag palit ako ng pang training.

Nanguha ako ng bola at pumalo ako nang pumalo.

"HINDI NA AKO PWEDENG MATALO SA SUSUNOD!"- sigaw ko habang pumapalo.

Paulit ulit lang. Nang mapagod ako napaluhod ako sa sahig.

Tumulo ang mga luha ko.

Deanna, ang sakit lang kasi sa part ko. Lahat nalang ng gusto kong tao nakikita kong may ibang hinahalikan,

nakikita kong masaya rin pala sa iba,

nakikita kong kaya akong ipag palit.

totoo, I need to trust her. Pero ang hirap hirap. Paulit ulit nalang ba akong makakasaksi ng ganun?

Pero deep inside nakaramdam ako ng guilt.

Naalala ko yung mga pictures.

Sino bang walang hiyang naninira sa amin?

Nag punta ako saglit sa cr. Naghilamos para mahimasmasan ulit. After nun ay bumalik ako sa pag palo sa bola.

Paulit ulit lang. Ibinuhos ko ang sama ng loob ko sa pagkatalo, ibinuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

DEANNA'S POV

"Oh tubig"- inabutan ako ni Ate Ly ng isang basong tubig.

Nasa condo nya ako ngayon. Tinawagan ko agad sya kanina dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta at maglalabas ng sakit na nararamdaman.

Inabot ko iyon at ininom. Umupo naman sa harap ko si Ate Ly.

"Na check mo na ba ang cctv ng condo mo kung sino ang nagpapadala ng mga pictures na yun? "- tanong nya.

"Yes ate, pero sadly yung mga araw na may nagpadala sa akin nun ay mga burado ang footage. Mukhang planado"- sabi ko.

"Mag iingat ka sa condo mo palagi. Kung sino mang baliw na gumagawa nyan, mahuhuli din natin"- sabi ni Ate Ly.

"Yes ate. Nakapag report na rin naman na ako sa security ng condo"- sagot ko.

Huminga ako ng malalalim at yumuko. Hindi ko na nga masyadong inaalala yung mga pictures e. Si Jema nalang.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon