Prologue
Sashi Bartolome POV
Today, I just turn to be a lady. Hindi ko alam kung tama ba ang english ko since ginogle ko pa ito. Yes! It's my birthday, the happiest moment of my life. I'm finally 16 year old, sweet sixteen.
Well just in my research, 16 is the awkward stage in life when things are confusing and frustrating. 16 is so young, even though at the time, it felt so old. 16 is when you still have braces and shop at Abercrombie & Fitch (Wala akong maintindihan dito). 16 is when you don't listen to your mom's advice, because what does she know? 16 is when you think it's the end of the world because the boy you have a crush on prefers texting your best friend instead of you- (Pero wait! My crush is not the type of person na ite-text ang bestfriend ko. Because well he's not a human, he's an angel, a genius and my future husband?)
Hindi ko na natuloy pa ang ini-imagine ko dahil sa biglaang pagsubo ni Papa ng pagkain sa bibig ko.
"Nakangiti at naka nga-nga ka na naman, ano na naman ba ang nasa isip mo?" Anang niya.
Irita ko si Papa sinimangutan at kinunutan ng noo.
"Pa naman! Birthday ko ngayon. Ngayon na nga lang ako mag-i-imagine--" hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.
"Tigilan mo ako Sashi, umaga at gabi mo napapanaginipan 'yan!" Bigla siyang nagpakawala ng malalim na paghinga at may unti-unting inabot sa akin.
Kaagad na may namuong ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ito at niyakap siya habang hinahalikan.
"I love you Pa."
"I love you too, sige na at buksan mo na." Excited niyang sambit sa akin. Masigla kong binuksan ang regalo niya at halos maluha-luha ako ng makita kong bracelet ito.
Nakangiti ang aking mga mata habang nagpapasalamat kay Papa.
"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong niya.
"Opo Pa, sobra..."
Tuluyan na akong lumabas ng bahay namin habang may malawak na ngiti sa labi, hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko.
Araw ko ito at kailangan may magandang nangyari sa araw na ito.
Kinuha ko ang Love letter na pinagpuyatan kong isulat kagabi. Ngayon kailangan ko lang ng perfect timing sa lahat.
Nai-imagine ko palang ang mangyayari mamaya ay halos hindi na ako mapalagay sa kaba. Walking distance lang ang school namin sa bahay kaya hindi rin ako hirap sa transportation.
Sa gate palang, nakuha na kaagad ni Ken ang atensyon ko ng may nakita akong napakalaking banner na nakasabit roon at sinasabing...
"Happy 16th Birthday to my only love. Sashi, I love you."
Gosh! Wish ko na lang na sana hindi niya ako makita. Iniharang ko kaagad ang bag ko sa aking mukha at palihim na nagtago kung nasaan siya. Nang may biglang humigit ng braso ko at paglingo'y nakita ko kaagad si Tin, ang bestfriend ko dito sa school.
"Pst, huwag ka maingay! Kahiya-hiya talaga 'yang si Ken pagdating sayo." Reklamo niya.
Pareho na kaming nakatakip ng bag sa aming mukha at sinasabayan ang mga estudyanteng nagsisipasukan.
"Hayaan mo na lang.." tugon ko.
"So ano? Nakagawa ka na ba ng LL mo?" excited na tanong niya.
"LL?" naguguluhang tanong ko.
Dismayado siyang umirap. "Love Letter!."
"Ah." Natatawang bigkas ko. "Ou naman! Encyclopaedia pa nga ang kinuhanan ko ng mga words na gusto kong i-translate sa english." Nakangiting sabi ko.

BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...