Eighty Four

424 23 2
                                        

Eighty Four

Weeks passed again and everything was normal. Medyo hindi na rin kami gaanong nakakapag-usap ni Stephen dahil lagi na siyang late kung umuwi. Hindi na nagtutugma ang schedule naming dalawa. Gigising ako sa umaga ng mahimbing pa siyang natutulog. I kissed his lips for good morning kiss everyday bago bumaba ng kusina. Saturday at sa wakas na-survive ko ang isang linggo na wala akong kapalpakan sa trabaho.

Masigla kong binati si Mom na naghahanda ng agahan namin.

"Gising ka na pala! Aalis ka ngayon?" tanong niya sa akin.

"Uhmmm, baka hindi, Mom. Dito lang ako sa bahay."



"Sige, mabuti na lang at wala kayong pasok tuwing sabado." tipid akong ngumiti at tinulungan siya sa paghahanda. Nauna na kaming kumain dahil sigurado akong tanghali na naman ang gising ng aking asawa.

Tahimik akong nanood sa sala katabi si Mom ng mapansin ko na siyang bumababa ng hagdan. Tama nga ako, tanghali na nga siya nagising.

Inaantok pa siyang pumasok sa kusina at kumuha ng maiinom. Sumunod ako at pinaghanda siya ng agahan.

"Kumain ka na?" tanong niya ng umupo sa upuan. Tumango ako at pinagmasdan na siyang sumusubo ng pagkain.

"May pasok ka?" tanong ko.

"Nope but I need to go to the hospital, 2 hours from now." Walang emosyon niyang sagot. Napasimangot ako.

"Kailan pala natin magagawa ang date na promise mo?" maktol ko.

"Date na?" clueless niyang tanong. Tingnan mo ang lalaking 'to, hindi na agad matandaan.

"Di ba may usapan tayo na kapag nakapasa ako sa pinagtatrabahuhan ko ngayon, magdi-date tayo?"

Halatang naalala na niya ang sinabi ko dahil tumango na siya.

"Maybe some other day, huwag na muna ngayon. By the way, you also need to go with me," aniya. Napaisip ako.

"Why? Anong meron?"


"Hindi mo na ba naalala na ngayon na ang operation ni Coleen, she wants us to be with her." Agad nanlaki ang mata ko. Oo nga pala! Nakalimutan ko na ang batang 'yon. Sinabi niya nga pala sa akin na kailangan naroon ako sa day ng operation niya.

"Ngayon ba 'yon?"

"Yeah. Saturday, around 2:00 pm." Tumango ako at hinayaan na lang siyang kumain ng mapayapa.

Sinalinan ko siya ng tubig at nakangiting pinagmasdan. "Anong oras ka nga pala nakauwi kagabi?" tanong ako habang nakasimangot. "Sinubukan kong hintayin ka pero 'di na rin kinaya ng mata ko. Paano naman kasi ang dami agad pinagawa sa akin sa office, sorry." Kinunutan niya ako ng noo at pinitik ng mahina ang aking nguso.

"Its okay, mas okay rin sa akin ang magpahinga ka sa tuwing late na ako umuuwi. Pareho rin naman tayong pagod," saad niya.


Walang mapaglagyan ang ngiti ko at malambing na kumapit sa kamay niya.

"Sash, I'm still eating," natatawang usal niya ngunit hindi ako nagpatinag. I smile at him widely habang napapangiti na rin siya sa inasal ko.

Sapilitan niya akong inilayo sa kanya upang tuluyan na niyang matapos ang pagkain. Habang nililigpit ko ang pinagkainan niya ay kinalabit niya ako.

"After the operation, kay Papa tayo mag-hapunan."

"Tumawag sayo si Papa?" tumango siya at lumabas na ng kusina.

Naabutan ko siyang nakikipag-kwentuhan kay Stanley kaya hinayaan ko na muna silang mag-usap since hindi na rin naman sila gaanong nagkikita dahil laging gabi na ang uwi ni Stephen galing sa trabaho.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon