Ninety Two
Dinala niya ako sa pinaka-eleganteng restaurant na alam niya. Hindi mawala ang ngiti ko habang pumapasok kami sa loob. Iginaya rin kami ng waiter sa upuan. I honestly don't have any idea kung ano ang masarap dito. Tiningnan ko si Stephen at kalmado lang siya habang namimili ng kakainin. After niyang makapili, tumingin siya sa akin.
Napalunok ako at unti-unting lumapit at bumulong. "Hindi ko alam kung anong masarap dito, ikaw na ang bahala." Napailing siya at binuklat ulit ang menu na hawak. Matapos niyang sabihin ang order namin sa waiter ay humalukipkip na siya sa harap ko.
"Akala ko ba well prepared ka sa date na ito. Then why did you let me choose your food?"
Napangiti na lang ako sa harap niya at nagmasid sa paligid. Napaka-elegante ng restaurant at konti lang ang tao, kalmado rin ang paligid.
Nagtama ang tingin namin ni Stephen. "Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" kuryusong tanong ko.
Nagkibit balikat siya na wari'y sinasabing 'Ayokong sagutin ang tanong mo.' Psh!
Unti-unting nagdatingan sa table ang order. Kuminang ang mga mata ko ng makita kung gaano kaganda ang mga serving nila.
Magsisimula na sana akong sumubo ng pareho kami natigilan dahil may tumawag ng pangalan niya.
"Stephen? Is that you?" Mula sa harap ko ay nakita ko ang pag-porma ng ngiti ni Stephen sa babaeng tumawag sa kanya na nasa aking likuran ko. Nilingon ko 'yon at biglang nanliit sa aking sarili.
She looks so elegant, fitted ang suot niyang dress na may coat. Ang haba ng heels. She's a total package! And I admit kung lalaki ako, isa ako sa mapapatingin at mapapa-wow sa oras na dumaan siya sa harap ko.
Kung ako tatanungin, I don't usually prefer that kind of clothes. Mas gusto ko ang less revealing na damit at simple lang.
Tumayo si Stephen sa harap ko at napalunok ng makita ko silang magbeso sa harap ko.
"What are you doing here?" excited na tanong niya sa babae na ngayon ay nasa harap ko na. Sobrang pamilyar niya sa akin na hindi ko matandaan kung saan ko nga ba siya nakita. O baka dahil sa kapal ng makeup kaya hindi ko siya makilala? I don't know, pero alam kong nakita ko na siya.
"I'm meeting a client here tapos nakita kita. What a great place to see you again. Dadalaw sana ako sa inyo kaso nag-cancel ka 'di ba?" ani ng babae. Bigla akong nailang sa harap nila, hindi ko malaman kung tatayo ba ako o uupo? Pakiramdam ko nga hindi na nila pansin ang presence ko dito.
Napakamot si Stephen. "Yeah, we have an emergency that time kaya–"
"Lame excuses, ayaw mo lang 'yata ako makita. Busy ka 'yata sa wife mo?" asar ng babae. Natigilan na ako, alam niya? Nagtama ang tingin namin ni Stephen at nakangiti siyang hinawakan ang kamay ko.
"Uhm, by the way...you knew each other, right?" Hindi ako makapagsalita pero biglang tumango ang babae at malapad na ngumiti sa akin. So it means kilala niya ako? Paano at kailan?
"Viviore..." Nanlaki ang mata ko sa pangalang nabanggit. "This is my wife, Sashi," pakilala niya.
Halos nanlumo ako, si Viviore ito? Itong nasa harapan ko? Woah! Ang laki ng pinagbago niya! She really looks like a professional.
Nakangiting inilahad ni Viviore ang kamay niya sa akin. "It's nice to meet you again." awkward kong tinanggap ang nakalahad niyang kamay at nabigla ng bigla niya akong hapitin at bulungan.
"Finally, Stephen is not a coward anymore and it is all thanks to you..." puri niya.
Coward? Si Stephen?
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
