Fifty Three

468 18 4
                                        

Fifty Three

Bumangon ako sa aking kama habang nakasuot pa ang eye mask sa mga mata. Inaantok pa akong naglakad palabas ng kuwarto at nagtungo sa kusina ng mapatid ako.

"Ah!" daing ko.

I heard a sigh at nang tanggalin ko ang eye mask ay ang walang emosyon na mga mata agad ni Stephen ang bumungad sa akin.

Oo nga pala, hindi ko na nga pala bahay ito. Nawala sa isip ko!

Napakamot ako sa aking ulo at malapad siyang nginitian. Kailangan dapat umpisahan ang araw ng may malawak na ngiti.

"Good morning, Stephen," masiglang bati ko sa kaniya and as usual he is still in his refrigerator mode again. Psh! Kumuha agad ako ng malamig na tubig at nagsalin sa baso.

Sinulyapan ko siyang tahimik na nagbabasa sa aking likuran habang may kaharap na kape.

Umupo ako sa harap niya at ninamnam ang mukha niyang kumikinang dahil sa kagwapuhan, umagang-umaga pa lang. Pogi talaga!

I giggle at agad napawi ng tiningnan niya ako ng masama. "I thought you were working in our company?" I smiled and nodded.

"Then, why are you still here? Look, what time is it?" Nanlaki ang mata ko ng makitang alas-otso na pala ng umaga. Late na ako!

Natataranta akong tumayo ngunit bago tuluyang pumasok sa kuwarto ay kinunutan ko muna siya ng noo "Then, bakit nandito ka pa?" balik kong tanong sa kaniya.

Suminghap siya at nakakalokong tiningnan ako. "Remember, I am the owner of that company kaya papasok ako kung kailan ko gusto." Haist! Bakit ba nasa kaniya na naman ang alas!

Nagmamadali akong pumasok sa kuwarto at nag-ayos. Hindi nagtagal, lumabas na ako ng room at magpapaalam na sana sa kaniya ng mapansin kong wala na siyang bakas sa buong unit.

Nauna na kaya 'yon?

Nagmamadali akong bumaba sa tower at naglakad palabas ng mapa-atras ako dahil may biglang humintong sasakyan sa harap ko.

Pagtingin ko'y si Stephen pala.

Napangiti ako at nagbabalak na sanang buksan ang pinto ng bigla niyang ni-lock ' yon.

"Let me remind you that I witness your laziness, Ms. Sashi Bartolome, ipapabawas ko itong late mo sa HR. Bye." At mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

Naiwan akong iritable at nakabusangot habang pinagmasdan ang sasakyan niyang unti-unting nawawala sa aking paningin. Mula rito ay naririnig ko na agad ang tawa niya dahil sa ginawa niya sa akin. Hilig talagang mang-asar ng lalaking 'yon!

Ang ganda pa naman ng bati ko sa kaniya kanina tapos aasarin niya lang ako?! At iniwan pa nga!

Tinakbo ko na ang sakayan ng bus at sa kasawiang palad, napakarami pang pasahero. Nagbalak akong mag-taxi pero halos makipag-sabunutan ako sa pakikipag-unahan. Ang ending, nilakad ko na lang tuloy ang office mula sa bus stop, mas lalo akong na-late.

Damang-dama ko ang tagaktak ng pawis sa aking mukha at likod. Pagpasok ko sa opisina ay nadatnan kong walang tao sa loob. Umupo muna ako upang magpahinga sandali nang bigla na akong tawagin sa conference room. Nagme-meeting pala sila!

Pagpasok ko ay sa akin agad natuon ang atensyon ng mga empleyado. Nahihiya na lang akong umupo at masamang tiningnan si Stephen na parang ewang nagpipigil ng ngiti sa harap namin.

When I settled in my seat, nagparinig agad siya sa HR.

"HR, please make sure to give her a memo. She's 2 hours late!" walang emosyon utas niya. Sa tingin niya pa lang, halatang nang-aasar na naman.  Pinili ko na lang ignorahin ang ngiti niya at nagbukas ng notebook para makapag-simula na sa meeting.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon