Seventy Seven

483 23 3
                                        

Seventy Seven

It's weekend, ang lapad ng ngiti ko habang nararamdaman ko ang presensya ni Stephen sa tabi ko. Ngayon ko lang siya ulit nakitang mahimbing na natutulog sa halos isang buwan niyang pagiging abala sa hospital. Lagi siyang wala na sa tabi ko sa tuwing imumulat ko ang aking mga.

Pinaglaruan ko ang mukha niya at marahang hinaplos ang kaniyang mukha.

"Stop it, I'm still sleepy." Inaantok niyang usal niya ngunit hindi ko siya tinigilan. Mas lalo kong nilaro ang mukha niya at natatawang ipinapasok ang aking buhok sa butas ng kanyang ilong.

Sa sobrang tuwa ko'y siya namang pagka-irita niya at tuluyang dumilat. Walang alinlangan niyang hinawakan ng mariin ang aking dalawang kamay at sapilitan akong hinila papalapit sa kanya at masamang tiningnan.

"I said stop it!" mariing sambit niya. Mas lalo niya akong hinapit at niyakap ng mahigpit dahilan kung bakit hindi ako makagalaw. Ipinikit niya ulit ang kaniyang mga mata at sinubukan matulog.


Maktol ko siyang pinagmasdan.

"Tanghali na, gising na kasi." pangungulit ko.

Napasimangot akong walang nagawa kung hindi i-subsob ang mukha sa katawan niya. Hindi ko na nga lang muna siya i-istorbohin, sinubukan kong sabayan ulit siya sa pagtulog at hindi naman ako nahirapan. Nakatulog din ako habang yakap niya.

Nagising kaming dalawa ng marinig namin ang katok ni Mom sa labas ng pintuan. Kumalas agad ako sa yakap ni Stephen at binuksan ang pinto.

"Hindi pa kayo gising? Ala-una na." Wala ako sa sariling tumango sa sinabi niya at bumalik ulit sa kama. Humiga ulit ako at niyakap ulit ang aking asawa.

Ginising ko na rin si Stephen na mahimbing pa ring natutulog. Nakatalikod siya sa akin kaya ipinatong ko ang ulo ko sa tiyan niya at nilambing siya sa pangalawang pagkakataon.

"Kumatok na si Mom, we need to eat na raw. Patapos na ang araw pero tulog pa tayo."

"Uhm?" sagot niya.

Hindi ko na siya inistorbo, bumangon na ako at nagtungo sa banyo upang makapag-hilamos, tinali ko rin ang aking buhok.

Paglabas ko ng banyo ay hindi pa rin siya gumagalaw. Hinayaan ko na lang siya at bumaba.

Naabutan ko si Mom na nagbabasa sa sala, ngumiti agad siya ng makita ako.

"Kumain na kayo." Tumango ako at hindi na siya inistorbo. Naghanda ako ng pagkain sa mesa at balak na dalhin na lang sa kwarto ang pagkain para sabay kaming makakain ni Stephen. Kumbaga breakfast in bed?

Napangiti ako sa ideya.

Tinulungan ako ni Mom na bitbitin ang hindi ko kayang dalhin. Siya na rin ang nagbukas ng pinto habang dahan-dahan ang pasok namin sa loob.

Nagtagumpay akong hindi lumikha ng ingay habang nilalapag sa kama ang pagkain.

Hindi nagtagal ay kusa na ring bumangon si Stephen habang hindi ko maitago ang ngiti ko dahil sa itsura niya. Magkaharap kaming dalawa na nakaupo sa kama.

Sinubuan ko siya ng pagkain at kahit tinatamad pa ay wala na rin siyang nagawa kung hindi nguyain 'yon. I smiled. Tahimik kaming kumakain hanggang sa mabulabog kami ng tawag sa aking phone. Puno pa ng pagkain ang bibig ko ng sagutin ko 'yon.

"Hello?"

"Yes, May I speak to Ms. Sashi Bartolome?" Agad akong napalunok at napatayo sa kama. Sinenyasan ko lang sandali si Stephen at lumabas na muna ako ng balkonahe.

"Speaking..."

"I'm calling on behalf of Human Resource Management from XYZ broadcasting network and we came across your resume, are you still available for an interview?" Agad nanlaki ang mga mata ko at tumango.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon