Fifty Nine
Maaga ako nagising kinabukasan dahil maagang papasok si Stephen. Inaantok pa ako ng pumasok kami sa sasakyan.
"Ang aga naman 'yata natin ngayon?" tanong ko.
Tiningnan niya lang ako sandali at nag-focus sa pagmamaneho. Kinuha ko ang phone sa aking bulsa at nag-check ng mga social media sites. Dala ng antok, hindi ko inaasahang makakatulog ako buong biyahe.
Nagising ako sa marahang hawak niya sa aking balikat. "Nandito na tayo." Tinanguan ko lang siya habang tinatanggal niya ang seatbelt ko.
Nagaabang na kami sa elevator ng lingunin ko siya. Umagang-umaga pero may binabasa agad siyang papeles. Anong oras kaya siya natulog kagabi? Nakatulog akong nakasandal ang ulo sa kaniyang balikat kagabi. Mukhang naabala ko pa siya dahil paggising ko ay nakahiga na ako sa aking kama, binuhat niya pa 'yata ako kagabi.
Nagbukas na ang elevator kaya lumayo muna ako ng konti sa kaniya upang hindi mapag-kamalang sabay kaming pumasok. Habang papasok sa office ay hindi na rin ako kinausap ni Stephen, mabuti na rin dahil ayokong sabunin ng mga tingin ng empleyado kapag nakita ang closeness naming dalawa.
Paglapag ko ng gamit sa aking mesa ay sakto namang nag-datingan ang ibang mga staffs. Binati nila ako kaya binati ko lang din sila pabalik. Binuksan ko na ang aking computer ng biglang tumabi si Pen at tiningnan ako ng kakaiba.
"Halika," tawag niya.
Nagtataka kong tiningnan kung paano niya tinuro si Stephen na nakatutok agad ang mga mata sa computer.
"Nabalitaan ko sa lobby na may kasabay raw na babae si Sir pagpasok kanina? Mukhang girlfriend niya, kilala mo ba kung sino?" Nanlaki agad ang mata ko. Paano nila nalaman 'yon? Ang bilis naman ng balita?! Hindi naman siguro ako ang tinutukoy nila 'di ba?
Umiling ako at pinagpawisan ng malamig kahit naka-full naman ang aircon. "Alam mo kasi si Sir Stephen, ganyan lang 'yan pero pinagpapantasyahan 'yan ng buong building! Halos tuwing umaga ang mga receptionist sa ibaba ay nakaabang agad sa kaniya para masilayan lang siya. Alam mo naman, hindi naman kasi laging nandito 'yan." Mahabang paliwanag niya. Nalintikan na! Mukhang kukuyugin pa 'yata ako ng mga tao rito kapag nalaman nilang boyfriend ko si Stephen!
Nakasimangot akong bumalik sa aking upuan habang makahulugan niya akong tinitingnan. Pinalibutan rin ako ng ibang staffs at humalukipkip sa harap ko.
"Hindi ba kilala mo ang pamilya nila? So, dapat kilala mo rin kung sino ang girlfriend niya?" tanong nila sa akin na agad kong inilingan.
Patay na talaga! Ngumisi ako ng malapad at awkward na nag-isip ng dahilan. "Actually hindi ko close sila Stephen I mean Sir Stephen, si Tito lang talaga ang close namin kasi siya lang ang laging bumibisita sa bahay." I awkwardly laughed in front of them. "...you know, sila kasi ni Papa ang magkaibigan," palusot ko.
"Sigurado ka?" makahulugang tanong nila na tinanguan ko. Mukhang namang nakalusot dahil nagbalikan na rin sila sa kani-kanilang mga upuan. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon!
Pagsapit ng alas-diyes ay nagpatawag ulit ng meeting si Stephen. Naiilang akong pumasok sa loob habang may bitbit na notebook at hanggat maari ay iniiwasan kong magtagpo ang tingin naming dalawa.
Malapit ako sa puwesto niya nakaupo at ilang beses kong iniiwasan ang titig niya sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Sana naman walang makahalata sa mga tingin niya habang may nagdi-discuss sa unahan.
Sa pangatlong pagkakataon, hindi na ako nakatiis. Kinuha ko na ang phone ko sa aking bulsa at tinext na siya.
Ako: Be in your usual self, ayokong ipaalam sa mga tao rito ang mayroon tayo, please... with sad emoji.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Roman pour AdolescentsLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
