Seven

399 19 0
                                        

Seven

Natulala ako nang makababa kami ng sasakyan. Hinawakan ni Tita ang kamay ko at hinila papasok sa loob samantalang si Stephen ay nautusang dalhin ang gamit ko. Napalunok ako, Gosh! Akala ko, mahirap lang na tao si Stephen since napapansin kong laging white t-shirt at paulit-ulit ang suot niya! Hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang bahay na bubungad sa akin. May garden at pool, dalawang palapag ang bahay nila? Sa labas palang ay tanaw na tanaw ko na ang mga balkonahe ng bawat kwarto. At mas lalo akong namangha ng makita ko ang chandelier sa bungad palang ng bahay nila.

Pumasok na sila Tito at Stephen sa loob samantalang ako ay hindi pa 'rin tapos mamangha sa kabuuan ng buong bahay nila. Hindi nagtagal, may nagmamadaling bumaba ng hagdan. Isang batang lalaki na sa pagkakaanalisa ko'y sampung taong gulang pa lang.

"Siya na 'yan Ma?" Tanong nito kay Tita.

"Stanley halika muna dito" tawag ni Tita sa kanya. Tita smiled at me sweetly "...papakilala kita kay Ate mo." Salubong kaagad ang kilay nito ng lumapit sa amin.

Ngumiti ako ng malapad at yumuko upang mapantayan siya. "Hi, ako nga pala si–" hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita. Pinamulahan ako ng mukha dahil sa tinuran niya.

"Yeah. You're Tito's daughter, Sashi diba?" Walang galang na sambit niya na agad nakatanggap ng batok kay Tita.

"Stanley you're manners!" Nakasimangot siyang yumuko at inis na tumabi kay Stephen na ngayon ay nakaupo na sa harap namin.

"Psh! Akala ko naman maganda at sexy yung anak ni Tito. Plain lang pala..." maktol niya sa harap naming lahat. Mas lalo akong nanliit sa sarili ko.

"Stanley!" sigaw ulit ni Tita at nagbabalak na sana siyang puntahan upang pagalitan pero pinigilan ko na.

"Okay lang po." Tipid akong napangiti at napayuko na lamang. Alam ko namang sobrang plain ko, childish o kung ano-ano pang gustong itawag sa akin, aminado naman ako doon.

Umasa pa naman akong makakasundo ko ang bunso, but meeting him today feels like my hope just crumpled.

Excited akong hinila ni Tita paakyat ng hagdan. Tuwang tuwa siya habang pinapakita sa akin ang magiging kwarto ko. Nasa pinto palang kami ng maagaw agad ng signboard ang pansin ko "Sashi World.".

"Nababasa mo ba ito?" She said while smiling in front of me, tinuro niya sa akin ang signboard sa pintuan. "Pangarap ko talaga noon pa na biyayaan kami ng anak na babae, kaya pinangarap ko 'ring mag-design ng kwarto niya, mamili ng damit niya pero naglaho ang pangarap kong 'yon dahil puro lalaki ang binigay sa amin." She pouted a bit disappointed. But then her mood changed again when she lifted up to look at me. "Kaya nga nung sinabi sa aking may anak na babae si Papa mo. Hindi na kaagad ako nagdalawang isip na kunin ka at itira dit." Halatang-halata sa boses at mata ni Tita ang galak dahil sa presensya ko.

Pinihit na niya ang pintuan at laglag ang panga ko habang tinitingnan ang disenyo nito. The room is decorated in full baby pink color. Nagulat 'rin ako dahil may malaki akong picture na naka display 'roon. Wearing my uniform and smiling while I'm with Tin at that time!

Tuwang tuwang itinuro sa akin ni Tita ang picture. "Actually, noong nakaraan pa kita sinusundan, chine-check ko kung ano ba ang mas gusto mo. Inaalam ko din kung paano ka sa mga kaibigan mo at ikaw na ikaw ang pangarap kong maging anak. Napakasimple, napaka optimistic at mapagmahal sa kaibigan at pamilya." Naupo kaming dalawa ni Tita sa kama, litong-lito ako sa mga hinahanda niya and at the same time...in awe about everything.

"Nakita mo naman kung paano ang mga anak ko, ang isa napakacold samantalang ang isa napaka-mapanglait, pero natutuwa ako kasi hindi ko pinoproblema ang studies nila. They are both geniuses at their respective schools." Natigilan ako sa sinabi niya at masuri siyang pinakinggan, she continued. "Si Stephen ni minsan hindi ko siya nakitang nakihalubilo sa mga kaklase niya kaya pakiramdam ko loner siya sa school." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Si Stephen loner? "...sabagay ano namang aasahan ko sa batang 'yun. Talino lang ata maipagmamalaki nun..." Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi ni Tita. Kung alam niya lang kung gaano kapopular si Stephen sa school, baka lunukin niya ang sinasabi niya sa akin ngayon.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon