Sixty Five

447 20 3
                                        

Sixty Five

Nagising ako sa napaka-ingay na tunog ng aking phone. Hindi ko pa nagagawang imulat ang aking mga mata ng abutin ko 'yon sa mesa.

"Hello," inaantok kong bati sa kabilang linya.

"Good morning, Sashi, may gagawin o lakad ka ba this sunday?" boses ni Tita ang bumungad sa akin.

"Po? Sunday?" Bumangon na ako.

"Oo."

"Wala naman po, bakit po?" tanong ko. Kinusot ko ang mga mata ko para tuluyan ng magising.

"Ah sige, bye,  matulog ka na ulit." Huh? At pinatay na niya ang tawag.

Lito kong sinilip ang phone at inaantok na sumimangot. Tumawag lang ba si Tita para tanungin ako ng ganoon? Weird.

Sinilip ko ang oras sa aking phone at sarkastikong napa-halakhak ng makitang alas sais pa lang ng umaga! Gosh, inaantok pa ako.

Tinawagan lang 'yata ako ni Tita para maging alarm clock ko ngayong araw na 'to. Humiga ulit ako sa kama at nanlaki ang mga mata dahil may matigas na katawan ako'ng nahawakan. Pagsulyap ko ay katawan pala ni Stephen!

Oo nga pala, sa kuwarto niya nga pala kami natulog kagabi.

Napangiti ako at humarap sa kaniya. Pinagmasdan ko ang kumikinang niyang mukha habang natutulog. He's so handsome when he's awake but more immaculately handsome when he's sleeping. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakamasid lang sa kaniya. Siniksik ko ang aking sarili sa kaniyang bisig habang dinadama siya.

Hindi nagtagal ay tumunog rin ang phone niya, nagpanggap akong natutulog habang inabot niya ang kaniyang phone.

"Uhm, Mom." bati niya.

"This weekend? No, I'm free." Huling utas niya at binaba na rin ang tawag. Ano kayang meron sa weekend? Bakit dalawa kami ni Stephen ang tinanong. Something is fishy.

Naramdaman ko ang pagbangon niya sa higaan at bumulong sa akin "Alam kong gising ka na, bumangon ka na d'yan" Dumilat ako at masama siyang tiningnan. I saw how his lips formed a smile. Ano ba 'yan, I am expecting him to kiss me or even stare at me so that he can't help but to kiss me... but my imagination suddenly disappears because of his coldness. Psh! Pinanood ko siyang dire-diretsong lumabas ng kwarto.

Bumangon na rin ako at inayos ang kama niya, mabuti na lang at hindi naman ako natagusan. Dumiretso ako sa banyo, naghilamos at nagpalit sandali.

Paglabas ko'y nakita ko agad siya na nagkakape sa dining, may tasa na rin doon para sa akin na may lamang tsaa para sa cramps ko. I smiled while I drank it in front of him.

"Tinawagan ka rin ba ni Tita?" tanong ko. Tumango siya.

"Kinakabahan ako sa tawag ni Mom. Mukhang may binabalak siya." bulalas niya.

"Tulad ng?" Nagkibit-balikat lang siya at dinala ang kape sa sa couch. Binuksan niya ang tv at nakinig ng morning news.

Tinabihan ko siya nang bigla akong makatanggap ng tawag galing kay Tin. Kita ko pa ang nakakalokong titig ni Stephen sa caller ko. When he saw that it's Tin, tahimik lang niyang binalik ang mga mata sa pinapanood.

"Morning," masiglang bati ko.

Natigilan ako ng hikbi niya agad ang bumungad sa akin sa kabilang linya. Natataranta akong tumayo at nagmamadaling pumasok sa aking kuwarto. Ni hindi ko na nagawang lingunin si Stephen dahil sa pagmamadali.

"Bakit? Bakit ka umiiyak?"

"Sashi, puwede mo ba akong puntahan dito?" pagmamakaawa niya. Nag-alala akong nagbihis at tumango.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon