Seventeen
Buong maghapon akong halos hindi kinausap ni Ken simula ng malaman niya 'yon. Si Tin ay sandali lamang nagtampo samantalang si Stephen ay wala man lang pakialam sa maghapong iyon, tanging libro lang ang kaharap niya.
Napayuko ako sa aking upuan at sandaling sinulyapan ang upuan ni Ken. Hindi pa rin niya ginagalaw ang ginawa kong lunch para sa kanya. Si Stephen at Tin ay panay reklamo sa luto ko. Kung hindi daw maalat, hindi pa raw luto.
Malapit ng matapos ang klase pero hindi pa rin niya 'yon ginagalaw. Napansin ni Tin ang panay sulyap ko sa likuran kaya kinalabit niya ako.
"Hayaan mo na lang muna, nabigla lang 'yan." Pampalubag loob niya sa akin. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at nagsimula ng magligpit ng gamit. Sumulyap ako sandali kay Stephen na naka-refrigerator mode na naman habang ang mga mata ay nasa labas ng bintana.
Kinapitan ako ni Tin ng mag-dismiss, ngunit hindi roon ang punta ko. Nangungusap ang mga mata kong naupo sa harap ni Ken.
Yeah! Alam kong iwas ako ng iwas sa kanya sa tuwing naghahabol siya sa akin. Pero hindi pa rin maikakaila na magkaibigan kami at hindi ako mapalagay kong magtatampo siya sa akin.
"L-Lalabas kami ni Tin, sama ka?" Anyaya ko sa kanya ngunit dinaanan niya lang ako ng tingin.
Hindi niya pa rin ginagalaw ang lunch na ginawa ko. Napasimangot akong dahan-dahang kinuha ang baunan sa harap niya ngunit walang alinlangan niyang kinuha ulit 'yon sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Ikaw talaga gumawa nito? Hindi ang lalaking 'yan?" Sabi niya habang masama ang tingin kay Stephen. Napatango ako.
"Stupid! Why would I prepare that food for you?!" Bwelta naman ng isa.
"Nililinaw ko lang, magkasama kasi kayo sa bahay, 'di ba?!" Sarkastiko ang boses ni Ken.
Stephen hissed at tuluyan ng umalis. Nakangiti na si Ken sa harap ko habang tinabihan naman ako ni Tin.
"Tikman mo na, alam kong gutom ka." Natatawang utos ni Tin habang hinihintay ang magiging reaksyon ni Ken sa luto ko.
He excitedly opened my lunch box at tinikman 'yon. Kahit ako ay nakaabang sa magiging reaksyon niya ngunit habang ngumunguya siya, parang sarap na sarap siya rito.
Siniko ako ni Tin. "Mukhang masarap yung kay Ken, nilagyan mo ata ng maraming asin ang amin eh" Aniya, pati ako ay nagtataka rin.
"Hindi, pare-pareho ko lang–" Tinikman ni Tin ang kinakain ni Ken at halos maisuka niya 'yon.
Napaismid akong pinagmasdan siya at maging ako ay napa-ngiwi rin. Tinapik ni Tin ang balikat ni Ken at seryosong tiningnan.
"Hindi ko alam kung gutom ka lang ba talaga at natitiis mong kainin yan. O sadyang nagtitiis ka lang dahil gusto mo ang gumawa niyan." Nagtama ang mata namin ni Ken, malawak ang ngiti niya sa akin. Binalik niyang malinis ang baunan habang naka-akbay na sa akin si Tin. Tatlo kaming sabay na lumalabas ng school.
"Sashi, maipapangako mo ba sa aking walang mangyayari sa inyong dalawa habang naroon ka sa puder nila?" Pareho kaming natawa ni Tin dahil sa sinabi niya.
"Mangyayari talaga? Ken?!" Natatawang tanong ni Tin sa kanya.
"Oo! My Sashi is so beautiful kaya natatakot ako na may gawin si Stephen sa kanya na hindi ko magugustuhan." Agad pinatong ni Tin ang kamay niya sa balikat niya. I hissed at them.
"Nakita mo naman siguro kung gaano ka walang pakialam ang lalaking iyon kay Sashi, 'di ba? So h'wag kang magtaka kung maging hangin lang ang minamahal mo sa bahay nila." Napayuko ako dahil tumpak na tumpak ni Tin ang estado namin ni Stephen sa bahay. Hangin nga lang ako sa bahay nila! Kung hindi ako binubully ng dalawang magkapatid ay palagi lang akong mag-isa sa kwarto.
Binati ko agad si Tita pagdating sa bahay. Nginitian niya ako at pinaakyat sa aking kwarto upang makapag-palit ng damit pambahay. Sinunod ko ang sinabi niya at tamad na humiga sa kama. Makaraan ang ilang sandali ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Papa.
And as usual my night goes like this. Kinakamusta niya ako sa nangyari sa school. After namin mag-usap, bumaba na rin ako. Naabutan ko silang nanunuod ng tv sa sala. Napakuha ako ng inumin sa refrigerator at pinanood silang seryosong nanunuod.
Napadako ang tingin ko kay Stephen na seryosong nanunuod. First time ko yata siyang makitang walang libro at naka-focus lamang sa telebisyon. Sayang! Hindi ko na naman dala ang phone ko, kukuhanan ko sana siya ng litrato.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pansin ko ang pagmamasahe ni Tita kay Tito, si Stanley naman ay maingay na nanonood.
Sandali akong lumabas ng bahay at nagtungo sa pool area, pinagmasdan ko ang langit na napakapayapa. Nilublob ko ang aking paa sa pool at pinakiramdaman ang ugoy ng malamig na hangin.
I sigh deeply.
"Okay ka lang?" Agad akong napatango ng makita si Tita sa likod ko.
"Mag-isa ka rito. Namimiss mo ba Papa mo?" Mariin akong napa-pikit at dahan-dahang tumango. Tumabi si Tita sa tabi ko at hinagod ang likod ko.
"Normal lang yan, first time mo rin kasing mawalay sa kanya. Nakausap mo naman siya 'di ba?" Napatango ako.
Kinuha ni Tita ang kamay ko at pinagaan loob ko. "Huwag kang mag-alala, kapag nandito ka sa puder namin. Hinding hindi ko ipaparamdam sayong mag-isa. Mararamdaman mong belong ka rito sa pamilyang namin." Napangiti ako at tinitigan si Tita. Pareho kaming sumulyap sa kalangitan nang bigla-bigla siyang nagpakawala ng malalim na paghinga.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Hinahanda ko na rin kasi ang sarili ko a month from now, aalis na rin kasi si Stephen sa bahay at panigurado akong maninibago ako." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Aalis si Stephen?
"Ano pong meron? Bakit kailangan niyang umalis?" Tanong ko.
"After graduation, his Dad decided na sa ibang bansa siya mag-aral. Sayang din kasi ang talino niya kung hindi mahahasa sa ibang bansa." Natigilan ako at hindi nakapag-salita.
"Anong school po?" Tulalang tanong ko.
"Harvard University. May apartment na kaming nakuha roon at halos ayos na ang lahat, siya na lang ang kulang. Its your second grading at ilang buwan na lang matatapos na kayo. Kaya sa buwang natitira, iyon na lang ang oras namin na magiging buo."
Nalungkot ako sa sinabi ni Tita. Biglang nag-iba ang pananaw ko, I thought makakasama ko pa rin siya sa kolehiyo pero doon lang sumagi sa isip ko ang sinabi niyang mag-kaiba kami. Magkaibang-magkaiba!
Stephen is a kind of man na naka-plano na ang future samantalang ako ay nakaasa at habol lang nang habol sa kanya. Immature nga siguro ako dahil nakasentro lang ang bawat desisyon ko sa kanya. But listening to his mother right now gives me a glimpse of our reality.
My love for him is something I can't describe through words. But in reality, we were still too young...no, I am still too young para i-focus ang sarili ko sa isang tao at gawin siyang pangarap.
I suddenly asked myself, ano ba ang future para sa akin? Ano nga bang pangarap ko beside, Stephen? Ano ba ang gusto kong marating? And for sure hindi nakipagsapalaran si Papa sa ibang bansa para lang habulin ko si Stephen...because he will never made a sacrifices if he didn't have a dream for me.
Like Tin always asks me, ano nga ba ang gusto ko apart from loving the man of my dreams. What do I want to become?
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
