Twenty
Friday at malungkot akong nakayuko sa aking upuan habang walang kaga-ganang pinapalipas ang oras. Nalalapit na ang exam at mabilis na ring dumaan ang bawat araw ngunit simula nang martes hanggang ngayon ay hindi ko pa rn nasisilayan si Stephen.
May Math competition pala siyang sinalihan dahilan upang maipadala siya sa ibang lugar para sa paligsahan. Lumapit sa akin si Ken at nakangiting pinaganda ang mood ko.
"Labas tayo mamaya?" Umiling ako at tamad na suminghap.
"May bagong horror movie sa phone ko, panoorin sana natin?" Alok niya. Umakbay sa akin si Tin at napangiti sa ideya.
"Lets go, for sure next week nakatutok na tayo sa pagrereview dahil sa nalalapit na exam. At sinabi na rin sa akin ni Mr. Number 2 na next week na raw siya magsisimula sa pagtuturo sa akin." Aniya.
"Sorry guys, wala akong balak manood ngayon. Tatawag rin sa akin si Papa. Alam niyo naman, bumabagyo dito sa Pilipinas. Panay ang kamusta niya sa akin at paalala na dalhin ang payong." Tanggi ko sa kanilang dalawa.
"Sigurado ka ba?" Tumango ako.
Ngumiti ako kay Ken at wala silang nagawa kung hindi suminghap. Pinasa niya sa akin ang horror movie na tinutukoy niya para may libangan raw ako kung wala akong ginagawa.
Tamad kong hinila ang bag palabas ng klase habang nagkukwentuhan sa likuran ko. Natapos na lang ang buong linggo ng wala man lang akong gana. Matamlay ako sa tuwing hindi ko siya nakikita.
Okay sana kung nakikita ko siya sa bahay, pero wala! Ilang araw na rin siyang hindi umuuwi.
Masigla akong binati ni Tita sa bahay.
"Kamusta naging klase mo?" Nakangiting bati niya sa akin.
"Okay naman po, Tita." Sagot ko. Nakita ko si Stanley sa sala kaya ginulo ko lang ang buhok niya bago umakyat sa kuwarto.
Katulad ng nakagawian, buong oras ko na namang ka-video call si Papa. Hindi na nga yata kami nauubusan ng topic. Kung ano-ano na lang mga kinukuwento ko sa kanya. Pati ang pagka-miss ko kay Stephen ay alam na niya, isang malalim na buntong hininga lang ni Papa ang naririnig ko habang patuloy na naglalabas ng sama ng loob.
Tumigil ako sa pagsasalita ng may marinig na katok sa pintuan. Sandali kong nilapag ang phone sa kama at binuksan ang pinto.
Salubong na kilay ni Stanley ang bumungad sa akin. "Pangit, baba ka na daw. Kakain na!" Aniya at nilayasan na ako.
Pagbaba ko ay kumpleto sila liban lang kay Stephen. Nakatabi sa akin si Stanley habang ganadong-ganado sa pagkain.
"May assignment ka ngayon, Sashi?" Tanong ni Tita sa akin. Umiling ako at nagsimula ng kumain.
"May problema ba? Ang tamlay mo yata?" Tanong ni Tito sa akin. Umiling ulit ako at nahihiyang sumubo ng pagkain.
"Miss niya lang si Kuya, ilang araw niya na kasing hindi nakikita." Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Stanley na kinadahilan ng paglaki ng mga mata nila Tita
"A–Anong ibig–" hindi ko pinatapos si Tita sa pagsasalita at awkward akong humindi sa harapan nila.
"Uh...uh...wala po 'yon Tita, nagbibiro lang po Stanley." Sinipat ko si Stanley na magsasalita ulit.
"Anong nagbibiro? Nakita ko nga phone mo, punong-puno ng picture ni Kuya." Mas lalong nanlaki ang mata ko dahil sa mga isinisiwalat niya. Nahihiya akong yumuko at hindi na alam ang sasabihin. Pasimple ko na ring kinurot si Stanley at pinandidilatan ng mata.
"Totoo ba 'yon, Sashi?" Kuryusong tanong ni Tita. Napalunok ako at namula habang hindi na makatingin ng maayos kila Tita.
"Huwag niyo pong gaanong pinapansin ang sinabi ni Stanley. H–Hindi po totoo iyon." Nahihiyang sagot ko ngunit agad akong natigilan nang makita kong pumasok sa loob ng dining si Stephen. He's here? Nagtama ang mata naming dalawa and I saw how a smile form on his lips.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Fiksi RemajaLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
