Seventy Three

481 24 6
                                        

Seventy Three

Hapon ng napabalikwas ako sa higaan at nagising. Pagdilat ko, unang bumungad sa akin ang napaka-gwapong mukha ng aking asawa ko.

How can he still look exactly the same when I first met him? Ang daya!

Dahan-dahan akong bumangon upang libutin ang kabuuan ng kwarto. Una kong pinasok ang banyo at namangha sa mala five star hotel na bathtub. Hindi ko rin maiwasang hindi mamangha sa sala, all package with a note saying 'Welcome to honeymoon suite'. Pinamulahan ako ng pisngi ng mabasa ang honeymoon word.

Sunod kong pinasadahan ng tingin ang kurtinang humaharang sa amin sa ganda ng tanawin and when I open it, hindi ko maipagkakaila, it's really one of the best beach in our country. The sunset screams perfectio. I never saw a sunset like this in my whole life, liban lang sa napaka-gwapong mukha ng aking asawa tuwing umaga.

Binuksan ko ang glass window upang mas madama ang buong lugar. Pinikit ko sandali ang aking mga mata at pinakinggan ang hampas ng alon at ang kapayapaan ng buong lugar.

"Gising ka na pala." Agad ko siyang nilingon.

"Oo." Nakangiting sagot ko.

"Stephen, halika dito. Tingnan mo ang view." Tinuro ko sa kanya ang nakikita ko. Lumapit rin siya at walang reaksyon na tumatango sa mga itinuturo ko.

"Ang ganda dito. How I wish na sana dito na lang tayo."

"Stop dreaming, Sash, we were just here for our honeymoon. Alam mo naman sila Mom."

Sinimangutan ko siya. Napaka-seryoso naman ng lalaking 'to, sine-seryoso ang lahat ng sinasabi.

"Ito naman, out of the blue ko lang naman nasabi 'yon. Hindi ko naman talaga intensyon na dito tumira. Psh!" Walang emosyon niya lang akong tiningnan at pumasok na sa loob.

Muntik pa akong mapatalon dahil sa pagtawag niya ulit.

"Ayusin mo na ng gamit mo and change your clothes, were going downstair. I'm hungry." Utos niya.

Tinulungan niya akong buksan ang maleta ko ngunit para akong binuhusan ng kahihiyan ng makita ang laman nu'n! Tinadtad pala ni Mom ng mga pang-lingerie ang gamit ko! Pati mga undies ko ay inayos niya.

Napansin ko ang biglaang pag-singhap ni Stephen at tumalikod.

I awkwardly laughed in front of him.

"Ha!Ha! Si Mom may pakana nito Stephen, don't worry." palusot ko dahil totoo naman. Nakakahiya!

"Yeah, I know. Hintayin na lang kita sa labas," saad niya at walang alinlangang tumayo at nauna sa akin sa labas.

Halos masabunutan ko ang sarili ko dahil sa nakita niya. Nagmamadali kong inayos ang mga undies kong nakabilad. Tinago ko 'yon sa pinakailalim ng maleta para in-case na kumuha ako, hindi agad 'yon ang nakabilad. Nagpalit ako ng simpleng white dress at flat sandal bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Nakapamulsa siyang naglalakad habang nasa likuran niya ako. Pumasok kami sa restaurant ng hotel. Medyo walang tao kaya diretso kami sa buffet area at kumuha ng pagkain. Hinayaan ko siyang mamili ng kaniyang pagkain samantalang ng matapos ako'y naghanap agad ako ng mauupuan namin.

Nakangiti akong naglakad patungo sa walang taong table. At nang mahagip siya ng mga mata ko'y hindi pa rin pala siya tapos pumili ng pagkain?

Umupo na ako. Ilang hakbang lang ang layo niya mula sa akin kaya pinagmasdan ko siya at hinintay nang biglang kumunot ang noo ko dahil may lumapit sa kaniya at kinausap siya.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon