Ninety One
After a week, maaga ako nagising at iniwan siyang mahimbing na natutulog. Masigla kong binati si Mom na nanonood ng morning show sa sala. Kumuha lang ako ng tinapay at tinabihan siya. Hindi nagtagal, bumaba na rin si Stanley na magulo pa ang buhok. Sabay kaming nagtawanan ni Mom habang nakisali na rin si Stanley sa amin. Nang maubos ko ang aking ay kinakain kumuha ulit ako sa kusina. Napansin kong nakasunod naman sa akin si Stanley.
"Gusto mo?" Offer ko sa kanya ng tinapay na hawak ko.
Humalukipkip lang siya sa tabi ko at kakaiba akong tiningnan.
"Why? Bakit parang iba mga tingin mo?"
"W-Wala! Napapaisip pa rin kasi ako kung ano ang nagustuhan sayo ni Kuya." Inismiran ko siya. Ano na naman ba ang nasa isip niya?! Ang aga-aga inaasar agad ako ng batang ito. Psh!
"Stop asking her that kind of question, for sure sasabihin niyang kagandahan niya." walang emosyon singit ni Stephen habang nakapamulsang pumasok sa kusina at nagbukas ng fridge.
Ngumiwi ako at umiling. Tingnan mo ang magkapatid na ito, pinagtutulungan na naman ako, ugh!
"W-Wala pa naman akong sinasagot ah." bwelta ko.
Pareho silang humalukipkip sa harap ko habang naghihintay ng sagot.
"Then, what do you think it is?" si Stephen. Nakaka-pressured naman ang dalawang ito! Wala akong choice kung hindi sagutin ang tanong nila.
Nagtaas ako ng kilay at napaisip bago buo ang loob na sumagot. "It is because of my clumsiness? My determination, my hardship?" walang kasiguraduhan na sagot ko.
Biglang natawa si Stephen sa sagot ko at marahang pinitik ang aking noo. "Tsk! hindi purket, you have that kind of personality...I will fall for you." Aniya at ginulo ang aking buhok. Sunod niya ring tiningnan si Stanley at binulungan. Mukhang sa kanya niya sinabi ang sagot.
Bago tuluyang lumabas si Stephen may isang salita muna akong narinig mula sa kanya.
"Stanley, just take my advice seriously. You will never know what will happen." saad niya at lumabas na ng kusina. Mabilis kong kinalabit si Stanley at tinanong ang sinabi ng kuya niya pero inasar niya lang ako gamit ang mapang-asar niyang "meh" face. Tingnan mo talaga ang batang 'to! Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya!
Kaya hindi ako naniniwala na magiging possessive raw ang batang 'to? Saan banda? Bakit hindi ko makita! Feeling ko aasarin niya lang ang magugustuhan niya hanggang sa layasan siya noon!
Naabutan kong nasa pool area si Stephen at nagbabasa na naman ng libro. Napailing ako. Libro na naman ang kaharap niya. Malambing akong lumapit at sumandal sa kanyang likod.
"Stephen?"
"Uhm" sagot niya habang naglilipat ng pahina.
"May lakad ka ngayon?"
"Wala, bakit?"
Agad namuo ang plano sa isip ko. "Natatandaan mo ba ang promise mo sa akin noon?"
"Na?" Walang ka-inte-interes na sagot niya.
"About sa proper date natin. Di ba promise mo sa akin 'yon," maktol ko. Mukhang tuluyan na niyang binaon sa limot...pero hindi ako nakakalimot!
"What about it?"
"Pwede natin siyang gawin ngayon. If okay lang–" hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil nakakunot na ang noo niyang sinilip ako. Napasimangot na lang ako. Mukhang malabong mangyari ang date na 'yon ngayong araw.
Bigo ko siyang tinayuan at nakabusangot na humakbang nang bigla kong marinig ang kanyang malalim na paghinga at dali-daling hinawakan ang aking kamay.
"Okay, we will do it, your fantasy date," suko niya.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Fiksi RemajaLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
