Forty Five
"Sorry, Sashi, hindi ko alam na pupunta pala siya dito. Sabi kasi sa akin ng president ng section 1. Mukha naman daw walang balak si Stephen umattend." Natulala lang ako habang nag-aabang kaming tatlo ng taxi.
Naramdaman ko rin ang presensya ni Rail sa tabi ko at pareho silang nagpara ng taxi. Sandali akong sumulyap sa loob ng restaurant na inuupahan ng batch namin.
Come to think of it, bakit kailangan na umalis ako? Dahil lang ba sa nandito siya? Katulad ng sinabi ni Rail, kailangan kong kompirmahin sa sarili ko, kung meron pa rin ba talaga! If I need to pretend para lang hindi ako magmukhang tanga sa harap niya then...gagawin ko!
Pareho ko silang hinawakan at nagtatakang mukha agad ang sumalubong sa akin.
"Lets just stay, baka kapag bigla tayong mawala ay magtaka sila at baka mas mag-assume siya na may feeling pa ako sa kaniya kaya let's stay." Natigilan sila at ng maintindihan ang ibig kong sabihin ay tumango rin sila.
Inakbayan agad ako ni Rail. "Don't worry hindi na muna ako magi-girls hunting. I will be your cousin's boyfriend tonight." Aniya at kinidatan ako.
Binulungan ko siya. "Sayang kung maaga lang sana akong naabisuhan na pupunta pala siya rito. Sana kanina pa lang dinala na kita kay Vicky Belo para natuloy ang plano natin na ipa-plastic surgery ka." Ginulo niya ang buhok ko habang natatawang hinawakan ako sa aking balikat, pumasok ulit kami sa loob.
Mabuti na lang at medyo malayo ang table ng section 1 sa amin kaya kahit papaano hindi kami pinagtagpo.
Medyo naging clingy sa akin si Rail na pilit kong pinapalayo. I just awkwardly smile, halatang-halata namang nagpapanggap kami. Isiniko ko siya at pinandilatan ng mata.
"Tanggalin mo nga 'yang kamay mo sa balikat ko. Ang bigat!" reklamo ko.
"Ano ka ba! Para mas kapani-paniwala."
"Tigilan mo ko, kilala kang cousin ko ni Stephen kaya kahit maghalikan tayo sa harap niya, hindi natin maiiba ang emosyon niyan."
"Oww, okay." Napa-hands siya sa sinabi ko at nag-focus na sa pagkain.
Pinapagitnaan ako ni Tin at Rail. Kinalabit ako ni Tin at pasimpleng ininguso si Stephen.
Sandali namin siyang pinagmasdan at pinasadahan ng tingin.
"Balita ko, he has started a new company now." Ani ni Tin. Nanatili lang akong nakikinig habang pinagbubuksan ako ng beer ni Rail.
"T–Talaga?" Nauutal kong tanong.
"Oo, sabi nung No.2 sa section 1." Tumango ako. Dala ng kaba sa presensya niya ay nakakagat ko na naman ang aking kuko at ilang beses kong pinigilan ang sarili kong h'wag siyang sulyapan pero hindi ko magawa! I groaned.
Bakit napaka-guwapo niya pa rin? Bakit mas lalo siyang pumogi ngayon? Naging manly siya at naiiyak ako kasi mas bagay pala sa kanya ang naka-tuxedo at formal attire. Nagsisimula na naman mabuhay ang imagination ko. I even imagine myself fixing his neck tie every morning! Goodness Sashi, para ka na namang bata! Binabalik na naman ako sa mga panahon na sa kaniya lang umiikot ang mundo ko. My little imaginations of us living together.
Naiinis ako sa sarili ko kasi...bakit? Why I am still longing for him. Bakit sa mga oras na ito ay gusto ko siyang puntahan at lapitan para tanungin kung anong nangyari sa kaniya, sa kanila? Bakit bigla silang nawala? Bakit niya ako pinadalhan ng sulat na ganoon? At bakit ngayon lang siya nagpakita sa akin? Bakit hindi niya ako kinontak man lang? Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko, sa sobrang dami hindi ko alam na nalulunod na ako ng alak.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
