Ninety Six

458 26 5
                                        

Ninety Six

"Yes, Tin." bati ko sa kabilang linya. Pauwi na ako galing office ng nakatanggap ng tawag galing sa kanya.

"Sash, she badly needs you. Were on the way to the hospital mukhang oras na." Halos manlamig ako ng boses ni Ken ang sumalubong sa akin sa kabilang linya.

"Huh? Oh sige sige. Tatawagan ko si Stephen para maabangan kayo sa E.R. I'm on my way na rin." Natataranta kong tinawagan si Stephen at nararamdaman ko ang pag-aalala niya sa kabilang linya dahil sa tono ng boses ko. After naming mag-usap ay nagpara na agad ako ng taxi. After 10 minutes nasa hospital na agad ako at nakita ko siyang nakaabang sa entrance ng emergency. Mabilis niya akong nilapitan.

"Nandito na ba sila?" tanong ko.

"5 minutes pa," sagot niya. Nagsisimula ko na namang kagatin ang kuko ko dahil sa kaba. At dahil katabi ko siya, pilit niya ako pinakalma sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay.

Tumingin ako sa kanya ng nag-aalala. "Stephen, kinakabahan ako."

Mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak sa akin. "She will deliver it perfectly, nandito tayo." siguradong saad niya na nagpagaan ng loob ko.

Hindi nagtagal ay nakita ko na ang ambulance. Pagbukas ng pinto ay nag-aalalang si Ken agad ang bumungad sa amin.

Kumawala na rin si Stephen sa akin at inuna si Tin. "How is she?" tanong ni Stephen kay Ken.

"Okay naman daw, masakit lang daw ang balakang niya. Tingin ko active labor na." sagot niya at chineck agad ni Stephen ang pulso ni Tin na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagdaing.

Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak habang pinapanood ko siyang nahihirapan. Dinala namin siya sa delivery room, tuluyan na ring nag-off duty si Stephen upang samahan akong maghintay. Afterwards, nagkagulo na ang mga doctor dahil tuluyan ng pumutok ang panubigan niya. Tatlo kaming nasa waiting area at kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko.

Hindi ako mapalagay. Pakiramdam ko ang ang nakasalang sa loob at nanganganak. Ganito ba kahirap 'yon? Parang kinakabahan ako para kila Mommy sa oras na umabot ako sa ganito.

Nagdatingan ang mga magulang ni Tin ngunit lahat kami ay kinakabahan. Nakahawak ang kamay ko kay Stephen habang pilit pa rin niya akong pinapakalma. Nang lumalim ang gabi ay niyaya niya muna akong kumain upang mabilhan din namin sila Tita ng pagkain dahil paniguradong nagugutom na rin ang mga 'yon.

Tahimik akong umupo sa cafeteria habang hinahayaan ko siyang bumili ng pagkain. Nang umupo siya sa tabi ko ay naglapag din siya ng pagkain sa harap ko.

"Stephen, do you think nothing will happen?" kinakabahan na tanong ko.

"Ano ba ang iniisip mo, of course! Makakaya ni Tin 'yon."

"Pero paano–"

Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita bagkus ay tumabi siya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm a doctor, Sashi, believe me...nothing will happen. Magaling na doctor ang kasama niya sa loob at alam kong gagawin nila ang lahat para lang ma-deliver ng maayos ang baby at si Tin mismo kaya wala kang dapat ikabahala. Okay?" Tumango ako sa sinabi niya at kumain na rin.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa habang pinupunasan niya ang gilid ng aking labi.

"Paano kung ako naman ang maging ganito? Ang manganak? Ano sa tingin mo ang mangyayari?"

Kumunot ang noo niya. "I feel like you will curse me to death."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Grabe naman 'yong curse you to death." maktol ko.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon