Ninety Three
Pagod kong isinalampak ang aking katawan sa malambot na kama. Hindi pa umaakyat si Stephen kaya nagpahinga muna ako sandali upang makapaglinis ng katawan. Inalala ko ang mga nangyari sa maghapon at halos walang mapaglagyan ang saya ng puso ko dahil sa wakas I already experience a normal date with him.
Kahit puro siya reklamo maghapon ay wala na rin naman siyang nagawa kung hindi sakyan ang gusto ko at bonus pa dahil nakita ko pa ang favorite actor ko.
After 10 minutes, tumayo na ako at nag-linis ng katawan. Binilhan din namin sila Mom ng pasalubong bago umuwi. Alam kong nanunuod pa ng balita si Stephen habang kinukulit ni Stanley.
Matapos kong mag-half bath, nakatanggap agad ako ng tawag mula kay Papa.
"Uhm, Pa." ni-loudspeaker ko ang phone at nagbihis.
"Kailan mo dadalawin si Mama mo?" Natigil ako sa ginagawa at napalingon sa kanya. Patay! Nakalimutan ko nga pala siyang samahan noong death anniversary ni Mama.
"Baka next week, Pa, busy lang ako sa office," dahilan ko. Halos kagatin ko ang labi ko dahil sa pagsisinungaling sa kanya. I sighed, kaya hindi ko siya nasamahan noon ay dahil nagkakalabuan kami ni Stephen at bigla ring nawala sa isip ko si Mama.
Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "Bahala ka, just make sure na dadalawin mo siya. Miss na miss ka na no'n." napangiti ako at tumango. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Papa dahil tinatawag na rin siya ni Tita Jovy para kumain. I just said goodbye and goodnight to him before ending our call.
Saktong pagpatay ng tawag ay siya namang pagpasok ni Stephen sa loob ng kwarto.
"Papa?" tanong niya, tumango agad ako.
"Bakit daw?" tanong niya habang naghahanda na rin para makapaglinis.
"Kailan ko daw dadalawin si Mama."
Hindi siya nagsalita at pumasok na lang sa loob ng banyo. Napahinga ako ng malalim at nagsuklay ng buhok. Lumabas ako sa balkonahe upang magpatuyo. Pinagmasdan ko rin ang nagkikislapang mga bituin sa itaas.
I smile genuinely while looking at the stars.
'Ma, pasensya na but you know naman na mahal na mahal kita. Hahanap ako ng paraan para madalaw ka. I love you, huwag ka ng magtampo.' I said silently to her while looking at the stars.
Almost 7 hours din ang byahe para lang madalaw si Mom sa puntod niya kaya kailangan kong maglaan ng halos isang araw o dalawa.
Hindi nagtagal naramdaman ko na siya sa tabi ko.
Mahina niyang pinitik ang aking noo at pinatungan ng maliit na towel sa aking ulo.
"Patuyuin mo muna ang buhok mo bago ka matulog." Tipid akong ngumiti bago ko napansing may bitbit pala siyang libro, mukhang magbabasa na naman.
Umupo siya sa upuan habang masuri ang tingin sa akin. "Tell me, ano na naman ba ang gumugulo sa isip mo? I already kept my promise." aniya habang sinisimulan ng buklatin ang librong hawak.
Pumangalumbaba akong tumingin sa kanya at napa-isip. Paano kaya kung–hindi ko matuloy na iniisip at napailing na lang, malabo! Malabong-malabo na masasamahan niya ako, ni date nga namin ngayon halos hirap siyang isingit, iyon pa kayang halos dalawang araw.
Napahinga ako ng malalim, papasama nalang ako kay Rail.
Tahimik kaming dalawa sa balkonahe, ako na nakatanaw lang sa paligid at siya naman na nagbabasa. Patuloy ko lang na sinusuklayan ang aking buhok para matuyo nang madako ang paningin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Fiksi RemajaLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
