Eighty
"How's your interview?" tanong niya sa akin ng makasakay kami ng sasakyan.
Masigla ang mga tinging pinupukol ko sa kanya at inipon ng excitement. Kinuha ko sa aking bag ang mga list of requirements at ipinakita 'yon sa kanya.
"I passed!" excited na sigaw ko. He smiled weakly. Inaasahan kong matutuwa siya sa balita ko ngunit tiningnan niya lang ako sandali bago tumango.
"Good." Tugon niya at tuluyan na niyang pina-andar ang sasakyan. Napakunot noo akong pinagmasdan siya habang nagmamaneho. Hindi ba siya natutuwa dahil sa wakas may trabaho na ulit ako, o sadyang ganito lang talaga mag-react si Stephen?
"Okay ka lang ba?" basag ko ng katahimikan naming dalawa.
"Huh?"
"Sabi ko, okay ka lang ba?" pagod niya lang akong tinanguan at hindi na ulit nagsalita.
Ano ba naman 'yan, akala ko pa naman magiging masaya sa magandang balita ko pero habang pinagmamasdan ko siya ngayon ay parang may bumabagabag sa kanya.
Pagdating namin sa bahay, masigla ko agad binalita kila Mom ang magandang balita at para kaming ewan na tumatalon sa tuwa.
Umakyat na rin sa kwarto si Stephen at iniwan akong nakikipagkwentuhan kay Mom sa kusina, tinulungan ko na rin siya sa paghahanda ng hapunan. Makalipas ang halos isang oras ay pina-akyat na muna ako sa kuwarto upang makagpalit ng damit.
Pagpasok ko naabutan ko agad siya na animoy may inaaral sa study table. Nakakalat din ang mga medicine book at notebook.
Magtatanong sana ako ngunit mukhang ayaw niyang magpa-istorbo. Kaya tahimik na lang akong kumuha ng pambahay sa closet at nagbihis. Dahan-dahan din ang hakbang ko palabas ng kuwarto ng bigla kong nakasalubong si Stanley na mukhang may itatanong pa sa Kuya niya dahil sa hawak na libro.
"Sssshhhh." I said to stop him.
"Why? Is he sleeping? Already?" Hindi makapaniwala na tanong niya.
"May ginagawa siya, ano ba ang assignment mo?" Sinubukan kong tingnan ang librong hawak niya at halos mahilo ako.
"Huwag na, baka duguin pa ang utak mo. Si Kuya lang makakatulong sa akin rito," aniya at nagpupumilit ulit pumasok sa loob ng kwarto ngunit maagap ko ulit siyang pinigilan.
"May inaaral siya, huwag mo na munang istorbohin. Genius ka naman, kaya mo ng mag-isa 'yan." nakangiting sambit ko na nagpakamot na lang sa kanyang ulo at bigong bumalik sa kwarto.
Bumaba ulit ako upang makipag-kwentuhan kay Mom, ilang minuto rin ang nakalipas ng umakyat ako upang tawagin na siya para sa pagkain.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob at tumayo sa tabi niya. Idinampi ko ang aking kamay sa balikat niya at hinagod 'yon.
"Lets eat, mamaya mo na lang ituloy yan." malambing kong tawag. Nagtama ang tingin namin at malungkot ang emosyon niyang tinitigan ako.
"May problema ba?" wala sa sariling tanong ko. Inilingan niya lang ako bago tumayo.
Kanina sa hospital ng nakita ko siya mukhang okay naman ang araw niya ngunit simula nung kinuha niya ang gamit niya sa locker room. Doon na nag-iba ang timpla ng mukha niya.
Tahimik kami sa hapagkainan, ilang beses na rin akong tinatanong nila Mom dahil sa walang ganang pagkain ni Stephen ngunit kahit ako'y hindi ko rin alam. Nauna siyang umakyat sa kwarto kaya mabilis akong tinanong ni Mom.
"Anong nangyari? Nag-away ba kayo?" tanong niya, agad din nabaling sa akin ang tingin nila Dad at Stanley.
"Hindi po. Kanina pa siya ganyan, simula ng binalita ko na natanggap ako." malungkot kong sagot.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
