Twenty Seven

357 23 6
                                        

Twenty Seven


Inaantok akong humahakbang sa pintuan ng kuwarto, sino ba naman 'yang kumakatok na yan. Naiiyak akong nagmamaktol habang binubuksan ng pinto.

"Hoy! Tanghali na, nagugutom na ako." Boses agad ni Stanley ang bumungad sa akin.

Tiningnan ko lang siya at sinaraduhan ulit ng pinto.

Sabado ngayon at dahil sa may exam na kami sa Monday, puyat na puyat na naman ako kakaaral. Naging buntot ko si Stephen para i-check ang pagrereview ko.

Oo, aaminin ko gustong-gusto ko siya pero ito na yata ang pinaka-ayaw kong katangian niya.

Kagabi ay nagpaalam si Tita sa akin, ako na raw muna ang bahala kay Stanley dahil may event silang pupuntahan kasama si Stephen. Kaya ang ending, maiiwan lamang ako sa asungot na bubwit na 'to.

Nagbabalak na sana akong bumalik ulit sa pagkakahiga nang mas lalong lumakas ang katok niya sa pinto ko

"Hoy! Nagugutom na nga sabi ako!" Maktol niya sa akin. Tuluyan na akong nilisan ng antok kaya inis na inis ko siyang pinag-buksan ng pinto at nakipag-titigan sa kanya.

"Edi kumain ka!"

"Paano kakain? Walang pagkain!" Sagot niya.

"Wala na ako doon." Sagot ko. Iritable siyang sumandal sa pader at humalukipkip.

"Sige ka, sasabihin kita kay Kuya. Na ang nag-iisa niyang kapatid ay ginugutom mo lang." Agad akong ngumiti sa harap niya at malambing na hinawakan ang ulo niya.

"Ikaw naman, hindi mabiro. Syempre pagluluto kita, ano bang gusto mo?" Paglalambing ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan ng maigi ang mukha ko. "Maghilamos ka muna, puno ng muta ang mata mo." Asar niya sa akin kaya napatakbo ako ng banyo at tiningnan ang mukha ko.

Napasimangot ako! Wala naman ah, ganda ko nga eh. Natatawa na lang ako sa pamumuri ko sa aking sarili at lumabas ng kwarto. Itinali ko ang aking buhok at bumaba. Naabutan ko siyang tumatawa habang nanunuod ng cartoons sa sala.

Dumiretso ako sa kusina at nagbukas ng refrigerator. Uhm. Ano bang pwedeng kainin dito? May nakita akong hotdog at egg kaya inilabas ko 'yon.

Nagsaing muna ako 'tsaka niluto ang itlog at hotdog pero nakalimutan kong hindi nga pala ako marunong magluto nito.

Ano ba uunahin ko? Mantika o hotdog? Kinuha ko pa ang cellphone sa aking bulsa at nag-research. Napangiti ako ng makitang mantika naman pala uunahin. Naghintay pa ako ng ilang minuto atsaka nilagay ang hotdog pero hindi ako makalapit dahil tumatalsik ang mantika.

Tinamaan ako kanina at halos ngumawa ako sa sakit.

"Anong ginagawa mo? Nakikipag-away ka ba sa niluluto mo?!" Bulyaw sa akin ni Stanley ng makita ang ayos ko. Ginawa ko na kasing sandata ang sandok na hawak ko.

Naiiyak akong tumingin sa kanya. "Huwag kang lumapit, ayokong masaktan ka." Sabi ko.

Unti-unti kong hinakbang ang paa ko upang patayin 'yon pero natalsik na naman ang mantika at napaatras ako.

"Napaka-hina mo naman!" Bulyaw niya at kinuha apron na nakasabit at ginawang pangharang sa kamay upang mapatay ang apoy.

Napangiti ako sa ginawa niya at pumalakpak.

"Isa kang matapang na nilalang, Stanley. Konti lang nakakagawa noon." Manghang sabi ko sa kanya.

Inismiran niya ako at ngumiti. "Sisiw lang." Pagmamayabang niya.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon