Fifty Five
It's been 3 days since huli kong nakita si Tin at Stephen. Paglabas ko ng office ay malakas na ulan agad ang sumalubong sa akin. Nagpara ako ng taxi at nagdesisyon na mag-malling muna at kailangan kong bumili ng libro for pregnancy.
Nasa taxi na ako ng nakatanggap ng tawag galing kay Papa.
"Hello Pa," bati ko sa kaniya.
"Napanood ko sa balitang malakas ang ulan ngayon, may kasama ka ba d'yan sa bahay? Kaya mo bang mag-isa?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
Napalunok ako at hindi nakasagot agad. "Opo, Pa."
"Nakauwi na ba si Stephen?" tanong
"Opo." pagsisinungaling ko. Ayoko ng pag-alalahanin pa siya dahil lang sa trauma ko tuwing kumukulog at kidlat. Mukhang kaya ko namang mag-isa ngayong gabi.
"Okay sige. Kumain ka na ba?" dugtong niyang tanong.
"Kakain na lang ako sa labas pa, dadaan naman po ako ng Mall at may bibilhin."
"Sige. Huwag masyadong kumain madalas sa labas at hindi healthy ang mga sini-serve nila." pangaral niya pa sa akin bago niya binaba ang tawag.
Tipid akong napangiti sa pangaral niya bago pinagmasdan ang walang humpay na pagbuhos ng ulan. Ang tagal pa bago ko makita si Stephen, apat na araw pa ang hihintayin ko. Miss ko na siya!
Nagbayad ako sa driver at tumakbong pumasok sa loob ng Mall. Diretso ang hakbang ko patungong book store at hinanap ang kailangan ko. After ko magbayad ay diretso na rin ako sa food court upang kumain at makauwi ng maaga.
Umupo ako sa walang taong table at doon mag-isang kumain nang biglang nagdilim ang mata ko dahil sa biglang pag-upo ng isang pamilyar na lalaki sa harap ko.
"Bakit mag-isa ka?" Kinuyom ko ang kamay ko at nagpigil ng inis.
"Obvious ba?!" pagtataray ko sa kaniya.
"Ang tagal nating hindi nagkita ah. Kumusta ka?" Nakangiting tanong niya. Nawalan ako ng ganang tingnan siya at iniisip ang ginawa niya kay Tin ngunit wala akong magawa dahil nangako ako kay Tin na hindi muna ipagsasabi kahit kanino ang lahat.
"Fine!" sagot ko.
"Nagkikita pa kayo ni Tin? Hindi na siya pumunta sa restaurant, I wonder kung may nangyari ba na masama sa kanya." Napaismid ako at hindi malaman kung ano ang tamang reaksyon sa tanong niya.
Mariin na lang akong napapikit at uminom na lang ng tubig. Wala akong paalam na umalis sa harap niya. Hindi ko matingnan ng maayos si Ken kaya kahit nakakabastos ang ginawa ko ay mas mainam na 'yon dahil baka madulas pa ako ng wala sa oras dahil sa inis.
I book a grab na maghahatid sa akin sa condo.
Medyo tumitila na rin ang ulan, ipinahinga ko sandali ang aking sarili at komportable na umupo sa backseat.
Pababa na ako ng nakatanggap naman ng tawag mula kay Josh.
"Uhm?" tamad kong sagot sa kanya habang inaabot na ang bayad sa driver. Lumabas na ako ng sasakyan at nagpasalamat. Niyakap ko ang librong binili ko at naglakad papasok ng condominium.
"Sashi," tawag niya sa akin sa kabilang linya.
"B–Bakit?"
"Actually kinausap ako ni Boss..." huminga siya ng malalim bago nagsalita. "He wants you back." Napahinto ako sa paghakbang dahil sa sinabi niya.
"They also said na they are willing to give a broadcast apology if you come here again." nangapa ako ng salita dahil sa sinabi niya.
"T–Tapos?"
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
