Fourteen

385 23 6
                                        

Fourteen

I got a perfect score in Math na kinagulat ni Tin habang pasang-awa naman siya. Palihim akong napangiti habang pinasasalamatan ang katabi ko pero tiningnan niya lang ako at bumalik ulit sa pagbabasa.

"Paano nangyari?!" Kuryusong tanong ni Tin

Ngumisi ako at pinalapit siya sa akin. Lumapit din naman siya kaya nakakaloko ko siyang binulungan ng "sekreto" at agaran akong nakatanggap ng hampas mula sa kanya. Sumuko na siya sa pangungulit at umayos ng upo dahil papasok na ang susunod na teacher.

Ganito pala ang pakiramdam na maging katabi ang genius na si Stephen...para ka lang hangin, you never existed.

Ilang beses ko siyang sinusulyapan at palihim na tinititigan ngunit sa libro lang naka-focus ang atensyon niya at ang mas nakaka-believe, he never listen to our discussion pero sa tuwing tatawagin siya para recitation ay mapapanganga ka na lang. Woah! In terms of IQ, sigurado akong 500 na ang kanya.

Sinubukan kong makinig sa lecture at kahit pala nasa tabi ko na ang crush ko ay wala paring makakatalo sa inaantok kong mga mata during lesson. Nakapangalumbaba ako at pinipilit na makinig sa guro pero wala! Wala talagang epekto.

Tumikhim si Stephen sa tabi ko dahilan kung bakit nawala ang antok ko. Paglingon ko sa kaniya, masama na niya akong pinagmamasdan habang nakasara na ang librong binabasa.

"Focus!" He said in a cold expression again.

Ngumuso ako at maktol na sinunod ang gusto niya. I focus at makaraan ang ilang oras bigla na ring tumunog ang bell hudyat ng breaktime. Napa-unat ako at tamad na sumubsob sa upuan, naglabasan na rin ang ibang estudyante upang pumunta ng canteen.

Kinalabit ako ni Tin. "Tara na, kain na tayo." Inaantok ko lamang siyang tiningnan at nagbalak na sana'ng tumayo nang biglang hilain ni Ken ang upuan sa unahan at nakangiting humarap sa akin.



May nilapag siyang pagkain sa harapan ko.

Nagkatinginan kami ni Tin habang naiilang naman akong sumulyap kay Stephen na nakatitig sa lunch box na nilapag sa harapan ko.

"P-Para saan yan?" Nauutal kong tanong kay Ken.

"Sinabi ko naman sayo, naghanda ako ng lunch mo. Huwag na kayo bumaba, dito na kayo kumain." Nakangiting saad niya.

Lumapit sa amin si Tin. Pinanood ko kung paano siya naglahad ng kamay kay Ken samantalang clueless ko lamang silang tiningnan. Ilang sandali, may inabot din siyang lunch box para rito.

"Alam ko na mangyayari 'to, kaya tatlo talaga ang hinanda ko." Nagmamalaking usal ni Ken at nilabas na rin ang para kanya. Napangiti kami habang binubuksan ang pagkaing hinanda niya para sa amin.

Habang nasa kasagsagan kami ng pagka-mangha sa pagkakaayos nito ay siya namang pagtikhim ng lalaki sa tabi ko. Hindi ko napansin nasa tabi ko nga pala siya!

I smile widely at agad in-offer ang pagkain ko sa kaniya, kumontra pa si Ken sa ginawa ko ngunit mas lalo kaming natigilan ng walang sali-salita niyang kinuha ang lunch box ko at kinain.

"Sigurado ka bang walang lason ito?" Tanong ni Stephen, napanganga kaming tatlo. Kinuha niya rin ang hawak kong kutsara at kumain. Hindi ko inaasahang kakainin niya 'yon kaya nagulat ako.

"Pinagpuyatan kong gawin 'yan para kay Sashi, hindi para sayo!" Inis na sabi ni Ken ngunit tiningnan lang siya ni Stephen at kumain ulit.

"Nakakainis..." Iritableng usal ni Ken. Nabalik ako sa reyalidad at agad tinapik ang kamay ni Ken upang pakalmahin siya.



"Treat nalang kita mamaya." Nakangiting sabi ko. Nagdiwang si Ken at walang alinlangan binigay sa akin ang baon niya.

Mabilis akong tumanggi sa alok niya. "H-Hindi na! Binigyan mo na ako."

Love in Kiss Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon