Thirteen
Sashi Bartolome POV
Kinaumagahan, nauna akong pumasok sa kanya. Nauna ako dahil nakakahiyang magpakita, iniwan ko lang kasi ang Math book niya sa labas ng kanyang kuwarto with a note of "Salamat sa pagpa-pakopya with smiley face".
Nagdahilan na lang akong may gagawin sa school kaya ako maaga. Naniwala naman siya kaya matiwasay akong pumasok sa school.
Kahit papaano ay naging familiar na rin ako sa daan, hindi naman ako ganoon kabobo para hindi matandaan ang simpleng daan na tinahak naming dalawa. Pagkasakay ko sa bus, napuno agad 'yon kaya mabilis akong nakarating sa school.
Lunes na lunes pero inaantok ako. Late na ako nakatulog kagabi dahil sa pangongopya ng assignments niya.
Dire-diretso ang hakbang ko patungong classroom na mukhang ako pa lang ang tao. Ang aga ko nga! Nilapag ko lang sandali ang aking bag sa mesa at nagdesisyon na umidlip muna.
Umingay na ang paligid dahilan kung bakit ako napaayos ng upo. Una kong hinanap si Tin na ngayon ay seryosong seryoso sa pagsusulat. Humihikab pa akong sinilip ang ginagawa niya.
"Assignment?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, ikaw gusto mo? Kopya ka na rin dito." Agad na may pumormang ngiti sa labi ko at umiling sa kanya.
"Hindi na! May assignment na ako." Nakakalokang sambi ko. Napatigil siya sa pagsusulat at inibahan ako ng tingin.
"Kumopya ka na, sigurado akong mali-mali rin naman ang sagot mo. At least dito, kapag mali lahat magkasama tayong babagsak. At kung may tama naman, damay damay din tayong papasa." Napangiti ako sa sinabi niya.
"No! Alam kong tama yung akin." Napahinga na lamang siya ng malalim at hinayaan ako.
"Bahala ka." Paano mama-mali yung akin kung galing sa genius na si Stephen ang sagot ko.
Tumunog na ang bell na hudyat na kailangan na naming bumaba sa field para sa flag ceremony. Every monday ang flag ceremony sa school at gustuhin ko mang hindi umattend. Wala kaming magawa dahil may nagche-check ng attendance ng bawat klase at kapag nahuli kang lumiban ay isang buong araw kang pasusulatin ng apology letter.
Naranasan ko na iyon once at ayoko ng maulit pa. Buong araw akong nasa guidance without seeing my Stephen for a day, hindi ko kaya 'yun! Nakakapit ako kay Tin habang nasa likod namin si Ken na kanina pa ako pinagpapantasyahan.
"Look at Ken, ikaw na naman nasa isip niyan." Sandali ko siyang sinulyapan.
"May assignment na kaya 'yun?" Nag-aalalang tanong ko.
"Concern ka na ba sa kanya? huwag mo sabihing titigilan mo na si Ste–"
"Hindi! Naalala ko lang na pinagalitan din siya noong nakaraan dahil wala siyang assignment." Tugon ko. Nagkibit balikat si Tin at walang pakialam akong tiningnan.
Halos mapuno na ang field ng dumating kami. Ang ayoko lang kapag flag ceremony, hindi ko man lang magawang masilayan si Stephen. Paano kasi, walong section ang pagitan naming dalawa. Ibig sabihin karayom na siya sa paningin ko kung masilayan ko man siya mula rito sa pwesto ko.
Hindi ko pa naman siya nakita ngayong umaga dahil maaga ako pumasok. Nakaramdam ako ng pagsisisi, sana pala sinabayan ko na lang siya kahit na nangopya ako ng assignments niya.
Nagfocus kaming lahat sa pag-awit ng pambansang awit. Noong matapos na ang seremonya, dumating rin ang Principal. Pinaunang pabalikin ang mga lower batch sa amin at tanging 4th year lang ang naiwan sa field.
"Hello, good morning!" Masiglang bati ng principal.
"Good morning rin po."
"Noong nakaraang linggo, inisa-isa ko ang bawat classroom dahil sa nalalapit na pagsusulit pang-division. I also inform each one of you kung sino ang makakapareha niyo throughout the whole process of the review." Lutang ang isip ko, ito ba 'yong magiging partner ko si Stephen?
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Novela JuvenilLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
