Ninety Five
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto dahil sa meeting namin sa mga journalist na i-interbyuhin. Late na ako nagising kaya siguradong sasabunin na naman ako nung boss namin. Sa kusina ay naabutan kong nagkakape si Stephen. Lumapit lang ako sa kanya at kinuha ang kapeng iniinom niya.
"You're late, again?" walang emosyong bungad niya habang nakangiti kong inilapag sa harap niya ang kapeng inagaw ko.
"Oo, tinanghali ulit ako ng gising." Nag-goodmorning ako sa harap ni Mom at Dad samantalang batok naman kay Stanley.
Nagmamadali kong hinalikan sa pisngi si Stephen at nagpaalam.
"Teka, Sashi, hindi ka na ba kakain dito?" tanong ni Mom.
"Hindi na Mom, mapapatay na ako ng boss ko kapag kumain pa ako" sagot ko at tuluyan ng lumabas ng bahay. Paglabas ko ng gate ay saktong dating ng grab na binook ko kaya madali lang akong nakarating sa aking paroroonan.
Nagmadali aking tumakbo sa Hotel na meet up place namin ni Sir kasama ang mga journalists. Nang matanaw ko sila ay kitang kita ko agad ang inis na mukha ni Sir Felix sa entrance pa lang, oops my bad. Masa-sabunutan talaga ako!
Nasa akin pa naman ang mga papers, teka– speaking of papers, nasaan na pala 'yon? Naku, patay na talaga! Malilintikan na ako at mukhang naiwan ko pa sa bahay kakamadali.
Lumapit muna ako kay Sir habang halata na ang iritang mood niya at hinila ako papalayo sa mga bisita.
"My god, Sashi!" Hindi ko mai-angat ang tingin dahil sa galit niya. Kalaunan ay nagpakawala na lang siya ng malalim na paghinga at inilahad ang kamay na wari'y may kinukuha sa akin. Agad kong nakagat ang kuko ko at kinakabahan na tumingin sa kanya.
Mukhang nakuha niya ang gusto kong sabihin dahil mas lalong tumindi ang galit
"Don't tell me...naiwan mo ang mga papeles na kailangan natin for these meeting?" Tuluyan ng tumiklop ang bibig ko at nahihiyang umiwas ng tingin.
"Sorry Sir, gagawan ko na po agad ng paraan," sagot ko at natataranta na kinuha sa aking bulsa ang phone at tinawagan ang aking asawa.
Please, Stephen...ikaw ang pag-asa ko.
Ni hindi ko magawang lingunin si Boss dahil umuusok na ang ilong niya sa kapalpakan ko.
Nakakailang ring pa lang nang narinig ko na ang boses ni Stephen sa kabilang linya.
"Yes?" cold na bati niya.
"Stephen, may nakita ka bang envelop d'yan sa study table natin?" nagmamadaling tanong ko. Hindi na ako mapalagay.
"Don't tell me...papapuntahin mo ko diyan para lang ihatid to?" Ang bilis talagang manghula! I love it!
"P'wede ba? Please, urgent lang." sagot ko. Ilang segundo bago siya sumagot at narinig ko agad ang mariin niyang paghinga sa kabilang linya.
"Where are you?"
Umusbong ang ngiti ko dahil sa tanong niya. "I'm in the Acacia Hotel,"
"Okay, wait me there in 15 minutes." At pinatay na niya.
Mabilis akong lumapit kay Sir Felix dala ang magandang balita. Nakangiti pa akong lumapit ngunit busangot na mukha lang ang sinukli niya. hmp...sungit.
"Next time if this will happen again, gigilitan na talaga kita sa leeg, Sashi." napayuko na lang ako at hindi nagawang tumingin sa kanya.
Ininguso niya sa akin ang mga journalist sa lobby na naghihintay sa amin.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Fiksyen RemajaLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
