Twenty Eight
"Stephen!" Nakasimangot kong tawag sa kanya. Tamad na tamad na ako sa mga pinapabasa niya.
"P–P'wede bang mag-refresh muna tayo bukas? Pahinga muna tayo,katatapos lang ng madugong third periodical exam pero nagrerebyu pa rin ako." Reklamo ko sa kaniya.
Napalunok ako dahil sa walang emosyong tingin niya.
"Sige." Tipid niyang sagot na nagpaliwanag ng mukha ko.
"Plan?" Dugtong na tanong niya at naupo sa harap ko. Wala pa rin emosyon.
"M-May gusto akong panoorin sa sine bukas." Nag-aalangan kong sabi. "P–P'wede bang s–samahan mo ko?" Utal-utal na sabi ko. Humalukipkip siya at tinitigan lang ako. Mukhang nagiisip.
"O-Okay." Halos magdiwang ang tenga ko dahil sa pagayon niya. Nakangiti akong pinagmasdan siyang tumayo na at binuklat ang mga libro sa harap.
Parang date itong mangyayari sa amin bukas. Kinikilig na ako!
Natapos ang buong araw na halos liparin ng excitement ang isip ko para sa mangyayari bukas. Kumuha ako ng notebook at sinulat ang naisip kong itinerary.
Ito dapat ang mangyari bukas.
11:00 o'clock our meetup. So ibig sabihin kailangan kong mauna sa kanya ng isang oras sa Mall para kunyari date. At maghihintay siya ng sampung minuto or 20? Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa iniisip ko.
11:30 am, bibili na kami ng ticket at popcorn. Kahit nakapili na ako ng papanoorin, kailangan kong magpanggap na hindi pa para sa paningin ng cashier ay mag-jowa kami.
1:30 am Kakain kami ng lunch, tapos magsusubuan. Gosh!
2 o'clock,mag-shopping tapos magsusukat ako ng damit at sasabihin niyang "You look so beautiful" with a his sweet smile.
Narinig kong may biglang kumatok pero isinawalang bahala ko lang 'yon at nagpatuloy sa mga plano.
"Did you really think I can play to all of your plans tomorrow?" Natigil ako sa pagsusulat dahil nasa harap ko na pala siya at nakatutok ang mga mata niya sa plano na ginagawa ko.
"H–Hindi. Nag-imagine lang ako." Tinago ko agad sa kanya ang papel at napasimangot. Nasira na tuloy imagination ko.
Bigla niya akong pinitik sa noo dahilan kung bakit inis ko siyang binalingan. Napa-atras ako ng bahagya siyang lumapit sa akin. "Just make sure na ipapasa mo ang college entrance exam sa U.S. Then I can promise you na gagawin ko ang nakasulat sa itinerary mo." He said in serious voice at ngumiti ng tipid. Tumayo siya ng tuwid at humakbang palabas ng aking kuwarto.
"Bumaba ka na, let's eat." Utos niya bago sinarado ang pinto.
Nakasimangot kong nilapag ang sinusulat ko at sumunod na rin sa kanya upang kumain.
Alam na nila Tita ang plano ni Stephen at todo suporta sila sa plano namin. Maigi na raw iyon at kahit papaano ay may makakasama si Stephen sa foreign country na 'yon. Pero si Papa, hindi ko pa rin masabi sa kanya ang binabalak ko. Balak kong sabihin kapag lumabas na ang result ko sa third periodical exam o third grading grades.
Pagkatapos kong kumain ay nagmamadali akong nagligpit upang makaakyat agad sa kuwarto. Kailangan kong maghanap ng susuotin para bukas.
Nilabas ko ang mga damit at sinukat 'yon sa harap ng salamin, hindi nagtagal ay may narinig akong katok. Nakahalukipkip agad na Stephen ang bumungad sa akin.
Sinarado ko ng bahagya ang pinto upang hindi niya makita ang gulo ng kuwarto ko..
Wala siyang emosyong tiningnan ako at pinitik ang noo. "Make sure to read all the books I prepared for you. Tatanungin kita ulit diyan bukas. And dont be late tomorrow! Tigilan mo 'yang 10 minutes na paghihintayin ako. I hate waiting!" Tumango agad ako sa sinabi niya at malapad na ngumiti.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Fiksi RemajaLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
