Eighty Five
Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong masama sa kanya, but since that day hindi na niya ako kinikibo. Para kaming nagsimula sa umpisa na kung saan hindi niya ako kilala. 'Yong pakiramdam na hinahabol mo ulit ang crush mo pero dinadaanan ka lang.
Magkatabi nga kami matulog pero hindi na niya ako nililingon. Napansin na ni Mom ang pag-iwas niya at sa tuwing tinatanong niya ako about doon—wala akong maisagot.
Monday at nagising akong wala na siya sa tabi ko. Umaga pa lang pero mabigat na ang dibdib ko. I closed my eyes heavily, hindi ko man lang siya nasilayan at hindi man lang niya ako ginising.
Hindi ko na alam, napakaiyakin ko nga 'yata talaga dahil pagmulat pa lang ng mata ko'y tumutulo na agad ang luha ko.
Naghanap ako ng kahit notes mula sa kanya, kahit simpleng good morning lang sana pero–wala. Wala akong ganang nag-ayos para sa pagpasok at tinago ang bigat ng nararamdaman.
Pagbaba ko'y nakangiti agad akong binati ni Mommy.
"Kamusta tulog mo?" masayang bati niya sa akin.
"Okay naman po." walang buhay kong sagot. Sumubo ako ng isang tinapay at nagpaalam na rin. Nakasalubong ko rin si Stanley na dinaanan ko lang.
Mag-isa akong naglakad palabas ng village na malalim ang iniisip. Ilang beses kong sinilip ang aking phone at nagbabakasakali na tatawag o text man lang pero wala akong natanggap.
Balisa ako sa maghapong pagtatrabaho. Pinilit kong tanggalin pansamantala si Stephen para lang makapag-focus.
Breaktime ng mas pinili kong magpahangin na lang sa rooftop habang isang in-can na coffee ang pumupuno ng aking sikmura.
Hinayaan kong sayawin ng malakas na hangin ang aking buhok habang hindi ko na mabilang ang buntong hininga na ginagawa ko.
"What are you doing here?" Napalingon ako sa likuran at nakita ko ang naninigarilyo kong boss. May bandage pa rin ang paa niya.
"Nagpapahangin lang, Sir." Ika-ika siyang lumapit at umupo sa dulong bahagi ng bench na inuukupa ko.
"Ikaw...hindi mo man lang sinabi sa akin na si Stephen pala ang asawa mo." Natawa ako sa sinabi niya. "Akala ko pa naman hindi mo na-reach ang goal mo, 'yon naman pala nagtagumpay kang makuha siya." natatawang sambit niya. Pati ako ay napangiti na rin.
"So hows the feeling? Nakalutang ka ba sa hangin dahil naging asawa mo ang ultimate crush mo noon?" Tipid akong ngumiti sa sinabi niya.
"Kilala naman natin si Stephen, napaka-maldito lang talaga ng personality niya." pauna ko.
Sumeryoso ang ngiti niya at lumukot ang mukha para sa akin. "Napansin ko nga ang trato niya sayo noong saturday. Ganoon pa rin pala siya makitungo kahit mag-asawa na kayo." dismayadong usal niya sa tabi ko.
"Hindi naman...may mga pagkakataon lang talaga na kapag may mga hindi kami pagkakaunawaan. Naiintindihan ko rin naman."
"Kaya ba nandito ka mag-isa sa rooftop is because iniintindi mo siya?" Hindi ako nakapagsalita.
"Marriage is not about this, Sashi. Hindi ka dapat nagmumukmok lang mag-isa dapat pareho kayong nag-uusap. Hindi yung mag-isa mo lang pinapasan lahat." Alam ko naman 'yon.
Hinayaan ko lang siyang mag-salita. Kung alam niya lang kung gaano kataas ang ego ni Stephen baka kahit magdamag akong hindi umuwi ay hinding hindi ako susuyuin ng lalaking 'yon.
"I guess Stephen is just so stupid when it comes to love kahit na napakataas ng IQ niya." sambit niya at hinayaan na lang akong mag-isang magmukmok.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
