Nine
Napasubsob ako sa aking upuan at nakasimangot na kinuha ang libro, notebook at ballpen. Hindi nagtagal, dumating si Tin at umupo sa harap ko.
"Anong nangyari sayo?" Bungad niyang tanong sa akin.
"W-Wala." maktol ko.
"Bakit ganiyan ang mukha mo? I bet, hindi mo na naman ba nakita crush mo?" Kung alam niya lang!
Napailing ako. "Malapit na kasi umalis si Papa. Nalulungkot ako."
Huminga siya ng malalim at kasabay noon ay ang pagdating ng aming guro. Nagsimula ang discussion pero nakamasid lang ako sa blackboard habang napakaraming iniisip.
Breaktime ng hilain ako ni Tin palabas ng classroom, narinig namin ang sigaw ni Ken pero hindi namin ito pinansin.
Nakakapit ako sa kamay niya at ganun din siya sa akin. Hindi nagtagal, sunod-sunod na notification ang narinig ko sa aking cellphone, todo pigil agad sa akin si Tin sa binabalak ko.
"Please, kailangan ko lang ng energizer." Pagpapacute ko sa kaniya.
"At nasa canteen naman siya, dalian lang natin para maabutan natin siyang kumain doon, please." Wala nang nagawa si Tin kung hindi magpahila sa akin.
Pareho kaming hingal na hingal ng makarating sa canteen, hinanap siya ng mata ko. When I found him, simple ko siyang sinulyapan ng tingin.
Ba't ganun, nakita ko naman siyang kumain kanina pero bakit napapangiti pa rin ako? Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Sa sobrang pagka-occupied sa presensya niya, si Tin na ang kumuha ng pagkain at humila sa akin sa wala halos bakanteng upuan. Puno ang table, siniko niya ako at ininguso sa akin ang crush ko.
"I dare you, lapitan mo nga at tanungin kong pwedeng maki-table?" Bulong niya na mabilis kong tinanggihan.
Baka patayin na ako ng lalaking 'yan. Isa pa naman sa rules niya ang huwag siyang kausapin sa school tapos lalapitan ko? Baka palayasin na ako sa bahay nila, kaya no!
"Huwag na diyan! For sure di rin tayo papayagan niyan." Sabi ko.
"Nakikita mo naman diba? Wala na tayong makitang bakanteng table maliban sa upuan niya."
"P-Pero–" hindi ko natapos ang sasabihin dahil bigla niya akong tinulak roon, halos ma-subsob ako sa kinakain ni Stephen.
Tumahimik ang paligid at na-focus sa amin ang tingin ng lahat. Napalunok ako at sinalubong ang cold niyang expression.
I awkwardly smile in front of him. "Uh-Uhm, uhm w-wala kasi kaming maupuan, okay lang bang–" hindi ko natapos ang sasabihin dahil may pwersang nagpaupo sa akin sa upuan niya, paglingon ko'y si Ken ito. Nanlaki ang mata ko.
"Hindi naman siya ang may-ari ng school kaya umupo ka." Matapang na usal niya na nagpatigil sa akin. Kinuha niya rin ang dalang pagkain ni Tin at pwersahan kaming inupo sa table ni Stephen.
Nararamdaman ko ang inis sa mga tingin niya sa amin, pero kalaunan kumain ulit siya. Inilapag ni Ken ang mga pagkain sa harap ko. Naningkit ang mata kong makitang may ginawa na naman siyang lunch box para sa akin.
"Gawa mo na naman 'yan?" Tanong ni Tin sa harap namin, napansin kong biglang natigilan si Stephen at tiningnan kami.
"Of course, pababayaan ko ba naman ang prinsesa ko?" Nagmamalaking sabi nito. Biglang nagtama ang mga mata namin ni Stephen, umiwas ako ng tingin at sumimangot.
"Ken, hindi mo naman kailangan–" Hindi ko natapos ang sasabihin dahil sa biglaang pagtayo ni Stephen sa harap namin, wala siyang imik habang bitbit ang pinagkainan niya. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at malungkot na sumubo ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
