Eighty Seven
Halos mapadaing ako sa higaan habang hinihilot ang ulo ko. Kailangan ko ng tubig. Unti-unti kong minulat ang mata ko at kinapa si Stephen ngunit nabigo ako, wala na naman siya sa tabi ko.
Pagbaba ko sa kusina ay may nag-abot agad sa akin ng tubig. Pag-angat ko tingin ay ang walang emosyong na mukha agad Stephen ang bumungad sa akin.
Aalis na sana siya sa harap ko ng maagap kong hinawakan ang kamay niya. "P-Paano pala ako nakauwi kagabi? May nagha–" hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita at hinawi na lang ang kamay ko habang naglakad palayo.
Mariin akong napapikit. I felt ignored and in pain, kahit masakit ang aking ulo ay mas nangibabaw ang sakit ng ginawa niya sa akin.
"Sashi, kumain ka na." Naluluha akong humarap sa kakapasok lang na si Mom at malungkot ko na lang siyang inilingan at patakbong pumunta sa kwarto. Dire-diretso ang pasok ko sa banyo at doon nagkulong. Pinagana ko ang shower at walang humpay na umiyak sa bathtub habang nagpalapa sa tubig. Na-blangko ang isip ko, hindi ko na kayang intindihin pa ang ginagawa niya.
May nagawa na naman ba akong mali? Bakit pakiramdam ko lahat na lang ng gagawin ko mali para sa kanya. Niyakap ko ang aking sarili habang patuloy na bumubuhos ang aking luha. Unti-unti ng napuno ng tubig ang bathtub. Sandali kong pinatay ang shower at tahimik na lang na umiiyak habang nakalublob ang katawan sa malamig na tubig.
Namamanhid na ako sa sakit ng pinaparanas niya sa akin.
Akala ko magiging masaya na ang buhay ko dahil sa wakas ang matagal kong inaasam na lalaki ang naging asawa ko pero bakit parang pinaparamdam niya sa akin araw-araw na mali ako o mali siya dahil kami ang nagkatuluyan!
Ako ba ang may problema?
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa aking sarili at makaraan ng halos isang oras ay biglang naging desidido ang loob ko.
I tried my best to approach him kahit sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko. Kahit paulit-ulit akong nagmumukhang tanga sa harap niya ay binabalewala ko 'yon. Now, bahala ka na! Isipin mo na ang gusto mong isipin, bahala na ako sa buhay ko!
Tumayo ako sa bathtub at tiningnan ang aking sarili sa salamin.
Sashi, let's be brave. Itataas ko na ang pride ko. Kung ito ang gusto niya, I will now give that to him.
I took a bath to ease my headache, sinubukan kong tanggalin ang sakit ng nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagligo at umaasa na mapapagaan nito ang lahat pero...hindi!
Paglabas ko ay nadatnan ko siyang nasa labas ng banyo at nakahalukipkip. Halatang hinihintay ako. Galit ang puso ko sa kanya dahil sa mga trato niya pero nanabik din akong makuha ang mga eksplenasyon niya.
No! Sashi! Iwasan natin siya, I want him to feel that I am his wife. I need explanation sa lahat ng tinatrato niya sa akin. Ngayon, kung hindi niya iyon kayang ibigay, magiging matigas din ako.
Galit ang mga mata kong tiningnan siya at umalis sa harap niya. Kinuha ko ang phone at tinext si Tin. Nagbihis ako habang pinapanood niya lang ang bawat kilos ko. I felt how he looked and watched me and stayed silent. Ang hirap mong basahin, Stephen! Pagod na ako, pagod na pagod na!
I took my backpack on the cabinet at sinilid roon ang iba kong gamit. Pinakita ko sa kaniyang kaya ko rin siyang iwan at hindi ko na kaya ang lahat. Napalunok ako habang bitbit ang bag at dinampot ang cellphone. Nag-ipon na ako ng lakas ng loob na ihakbang ang aking paa palabas ng bigla niya akong hawakan sa aking braso.
"Stay!" Mala-awtoridad na usal niya. Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at itinago ang nanginginig kong boses. "Why would I?" matapang na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Ficção AdolescenteLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
