Ninety
Hours went by at habang busy si Stephen sa trabaho ako naman ay abala sa pagtitig sa kanya. Ilang beses kong gustong hilain ang nurse na nasa tabi niya. Bigla tuloy ako nanlumo! Kung ang kinuha ko ba na kurso noon ay nursing may possibility kayang makakasama ko siya sa trabaho katulad ng nurse na iyon?
Mas masaya siguro kung palagi kaming sabay papasok, sabay mag-aasikaso ng pasyente at naka-alalay lang ako sa ginagawa. Malamang hinding hindi ako tatamarin sa pagtatrabaho kung lagi kong nasusulyapan ang asawa ko at lagi kong nakikita ang ayos niya. Huminga ako ng malalim. Kung alam ko lang sana noon na Medicine ang kukunin niya malamang magnu-nursing ako!
"What's with that face?" Agad akong na pabalik sa ulirat ng may marinig na boses. Pagtingin ko si Sir Felix pala, dala niya ang gamit ko.
Napalunok ako at hindi malaman kung paano ko siya kakausapin, bigla kong naalala na pinagseselosan nga pala siya ni Stephen.
"S-Sir ikaw po pala 'yan." naiilang kong bati.
Nilapag niya sa harap ko ang aking bag at umupo sa upuan.
"Kamusta na pala pakiramdam mo?" tanong niya.
Napalunok ako at sumulyap kay Stephen, mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ang nakakunot niyang noo.
"Okay naman po. Madi-discharge na ako mamaya konti pero baka sumabay na lang ako kay Stephen kaya nandito pa ako." sagot ko.
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ng bigla akong magyaya na magpapahangin sa labas. Umayon din naman siya kaya halos mangkasunod kaming umupo sa may garden ng hospital.
"Sir," Napalunok ako at mariing napapikit. Nakaabang na siya sa sasabihin ko.
"K-Kasi–" hindi ko na na dugtungan pa ang sasabihin dahil pinutol na niya ako.
"Is it about Stephen?" Agaran akong napalingon sa kanya. Paano niya nalaman?
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at tipid na ngumiti habang nakatingin sa paligid. "Stephen already told me that he's jealous of me kaya nanlalamig siya sayo, tama diba?" dahan-dahan akong napatango sa sinabi niya at nalungkot.
Mapait siyang ngumiti. "Who would have thought na mapapa-selos ko pala ang isang Stephen Chen. Honestly when we were in high school, I already told you that I am nobody, right?" Tumango ako.
"I always smile when I see you. I felt so happy whenever I heard news about you following, Stephen. I really admire your determination, your dreams and goal at kahit lahat ng ito naka-sentro kay Stephen, I know na hinding hindi ako magiging parte noon kaya doon pa lang tumigil na ako." He paused and gently looked at me.
"But then I saw you again, I met you again at aaminin ko...my admiration towards you when we were high school came back again ngunit agad ring gumuho ng malaman ko na may asawa ka na. You can take it as a confession pero ito talaga ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Gusto ko na sanang balewalain ang katotohanang may asawa ka na para lang mapasakin ka." He paused a bit and swallowed hard habang tahimik lang akong nakikinig sa kaniya.
"Pero ng malaman kong si Stephen pala ang naging asawa mo, bigla na naman akong gumuho. And from then, I know na hinding hindi ako mananalo. I know how much you love Stephen kaya alam kong kahit paulit-ulit kang umiyak dahil nasasaktan ka na sa relasyon niyo, you will never ever let go of his hand kaya noon palang...I know, I lost already at kahit anong gawin ko, hinding-hindi mo ako makikita para maging worth it para sa 'yo." Namutla ako sa mga pinagsasabi niya.
Humarap siya sa akin at malapad na ngumiti. "Don't take this confession of mine seriously, sinasabi ko lang ito for you to be aware of my feelings to you then and now. Alam kong I will never win against that genius Stephen that you adore so much, but I am still willing to be your friend that you can lean on, your boss in a professional way."
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
