One
I still can't forget the first time I fell in love with him. That was the best slow motion of my life.
First day of school at sobrang lakas ng ulan. Sandali akong sumilong sa isang boutique at kinuha sa aking bag ang payong. Nagpatila ako sa ulan at tamang-tama ay padaan siya, pansin ko kaagad ang presensya niya dahil sa height, agaw pansin din ang kagwapuhan nito. Hindi mawala ang titig ko sa lalaking 'yun, ang sarap niyang panoorin but he did something that really caught my attention.
He gave up his umbrella to a grandmother na madadaanan niya. At doon kusang nabuo ang determinasyon kong mahalin siya.
At alam kong sa kabila ng kanyang pagka-emotionless sa ibang tao at pagiging cold ay nakatago ang isang mabuting tao.
At sa tuwing naaalala ko ang mga ala-alang iyon, patuloy paring kumakabog ang aking dibdib. That day also was the best memory of my life. Ang akala kong huling pagkakataon kong masilayan siya ay isang maling akala lang pala.
Labis kong ikinatuwa ng makita kang pumasok sa section-1 at doon palang alam kong magiging malaya at exciting ang high school life ko dahil sa kanya.
~*~
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tamad na tamad na tanong sa akin ni Tin habang nakasubsob na siya sa aking mesa.
"Maya-maya na! Samahan mo muna akong sulyapan siya sa Library."
Nakita ko ang pag-irap niya sa akin. "Hindi ka pa ba nadadala? Ikaw na buong topic sa school dahil sa live mong love letter confession tapos sisilipin mo pa siya doon?!"
"Hindi. At hindi naman niya kasalanan 'yun." Mabigat ang kanyang paghinga ng bumaling sa akin. She look at me like I am ridiculous human being.
"Bahala ka sa buhay mo nga..." pagsusuko niya. Sumilip ako sa may bintana at palihim siyang inaabangan. Anong oras kaya siya da-daan sa school field upang pumunta ng Library?
Hindi na ako makapaghintay na panoorin siya habang nagbabasa ng libro. Naiisip ko palang ang magiging itsura niya ay napapangiti na kaagad ako. Bumalik ako sa pagkakaupo at tinitigan ang picture niya sa aking wallpaper, nakapangalumbaba akong panay ang ngiti habang nakatitig sa kanyang picture..
Hindi nagtagal ay dumating si Ken bitbit ang banner na ginawa niya.
Kaagad niya akong hinawakan sa aking balikat at sapilitang tiningin sa kanya. "Sashi totoo ba?!" Hindi makapaniwala na tanong niya. Nagkatitigan kami ni Tin at nagpatulong ako sa kanya.
"A-Ang alin?"
"Totoo ba na binasted ka ng lalaking 'yun?" Nag-iwas kaagad ako ng tingin at mas lalo kong pinandidilatan ng mata si Tin para tulungan akong makawala sa pagkakahawak niya sa aking balikat.
"Ou, Totoo!" Biglang singit ni Tin at agad niyang kinalas ang kamay ni Ken sa akin.
"Pero bakit?" Bigla itong tumalikod at nagdrama sa amin. "Di hamak naman na mas gwapo ako doon, mas ma-abilidad, kayang-kaya kitang buhayin..." dahan-dahan kong kinuha ang aking bag gayun din si Tin at naglakad paalis sa classroom. Samantalang si Ken at patuloy pa din sa pag-sasalita.
Bawat nadaraanan namin ay pinagtatawanan ako, nagtago ako sa likod ni Tin upang umiwas sa tingin nila. Pagkalabas namin ng building ay tamang-tama din ang paglapad ng ngiti ko dahil papunta na siya ng library.
Agaran kong hinila si Tin para sundan siya, pansin ko din ang ibang mga babaeng nakasunod sa kanya. Pagkarating namin sa library, nilayasan na ako ni Tin at naupo na siya sa isang tabi samantalang ako ay nagpapanggap na kumukuha ng libro para malapitan siya ng malapitan..
Paano ba nabuo ang lalaking ito? Why he's so perfect. Hindi ko mapigilan ang ngiti ng maupo siya sa harap ko at may hawak na libro.
Kahit ata magdamag ko siyang titigan ay hindi ako mananawa. Sa tuwing napapatingin siya sa pwesto ko ay nagkukunyari kaagad ako, bigla kong napansin ang love letter kong nakalabas na sa aking bag.
Malungkot akong napahinga ng malalim. Kailan mo kaya mababasa ito? Mababasa mo pa kaya ito?
Biglang nawala ang pagpa-pantasya ko ng kalabitin ako ni Tin na salubong na ang kilay.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong niya.
"Bakit?" Clueless kong tanong. Pareho kami napatigil sa bulungan dahil biglang may nagbagsak ng libro sa mesa at masama ang tingin sa amin.
Natigilan ako dahil nakatigin siya sa akin, sa amin. Kaagad niyang ininguso sa amin ang malaking sign na "Silence Please". Matapos nun ay ibinalik niya na ulit ang atensyon sa binabasa. Samantalang wala ng mapaglagyan ang ngiti sa labi ko.
"Ano namang ngini-ngiti mo diyan?" Bulong ni Tin sa akin.
"Di mo ba nakitang tumitig siya sa akin?." Nakangiting bulong ko sa kanya.
"Nakatitig? Parang sa natatandaan ko irita ang mukha niya habang nakatingin sayo kanina." Panira niya ng mood ko. Pero kahit na, minsan ko lang makita ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Tara na kasi! Hindi mo ba natatandaang birthday mo ngayon. Kanina pa tayo hinihintay ng Papa mo." Taranta akong napatayo at mukhang naagaw ko na naman ang atensyon niya.
Masama na ang tinging pinupukol niya at ilang sandali, lumipat siya ng pwesto. Napasimangot ako.
"Tara na kasi!" pagmamadali sa akin ni Tin. Sinulyapan ko ulit ang pwesto niya at nakasimangot na sinukbit ang bag at umalis.
Tamad na tamad ang aking hakbang palabas ng School ng natigilan ako! Nanlaki ang mata kong tumingin kay Tin.
"B-Bakit?" nagtataka ng tanong niya.
"Yung love letter ko, naiwan ko ata sa libro..."
"Tingnan mo muna sa bag mo" tinulungan niya akong halughugin ang bag ko pero wala.
"Kailangan kong makita 'yun. Kahiya- hiya kapag makita o mabasa ng ibang tao yun." Pareho kaming tumakbo pabalik ng Library at hinanap ang librong ginamit ko pero wala na ito. Nasaan na iyon? Luminga-linga rin ako pero wala na rin si Stephen dito, sayang di ko man lang siya nakita ulit.
Nagkatinginan kami ni Tin at nakikita ko na naman ang sungay niya habang nakatingin sa akin.
"Si Stephen na naman ba yang iniisip mo? Yung love letter mo hindi ka ba nahihiya kapag may nakabasa 'nun? Ikaw na naman ang topic bukas." galit na bigkas niya sa akin. Napahinga na lamang ako ng malalim at hinanap ang dapat namin hanapin pero wala, walang kaming makita.
Sana na lang ay may ginintuang puso ang nakakuha 'nun at hindi niya sasabihin kahit kanino ang nakasulat doon.
Third Person POV
"Yes Mom!" sagot niya sa walang humpay na pagtunog ng kanyang cellphone
"Where are you? Bantayan mo muna ang kapatid mo dito. Aalis kami ng Dad mo."
"Okay, I'll be there." at pinatay na ang tawag.
Tumayo ito at inayos ang inupuan niya, nanliit din ang kanyang mga mata ng may libro siyang nakita sa kabilang table.
'Hindi man lang marunong magbalik ang mga 'yun.'
Bitbit niya ang libro at ang librong nadampot niya at isa-isang binalik ito sa kung saan ito kabilang na pangkat nang may nahulog na sulat sa loob nito. Clueless niyang dinampot ito at tiningnan, pero biglang may ngiting namuo sa kanyang labi ng makitang sa kanya nakapangalan ang letter.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
JugendliteraturLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
