Thirty Three
Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang kabuuan ng aking kwarto, kasama ang kwarto niya habang hinihila ang maleta. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa mga alaala na babaunin ko sa bawat sulok na bahay na ito.
Nakakalungkot lang dahil wala sila Tita habang namamaalam ako. Napakabigat ng dibdib ko habang marahang sinasarado ang pintuan ng bahay nila.
Nakaabang na sa 'kin sa labas ang taxi at Railey, pinsan ko.
"Are we ready to go?" Tipid ko na lang siyang nginitian.
Kasabay ng huling pagsulyap ko sa kanilang tahanan ay ang pagdaan ng eroplano sa himpapawid.
Malungkot kong tinitigan 'yon habang unti-unti ng nawawala sa aking paningin.
Have a safe trip, Stephen.
Kinuha ni Railey ang maletang hawak ko at nilagay sa compartment ng taxi, sumakay na rin ako at pilit na pinipigilan ang mga luhang pumatak.
The first day I came here was still fresh in my memory na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Ang mga alaala na hindi ko inaasahang makukuha ko sa bahay na 'to. Ang refrigerator niyang expression, it's all in my memory and I wonder kung kailan ko pa kaya makikita ang emosyon niyang 'yon.
Habang papalayo ang sasakyan namin sa bahay nila parang may naiwan akong nagpapabigat sa aking puso.
Tulala ako at tahimik akong bumaba ng taxi. Nagbayad si Railey kay manong at ibinaba na ang mga gamit ko. Pinasadahan ko ng tingin ang bahay nila at tipid na napangiti. Hindi man 'to kabongga katulad ng bahay nila Stephen pero nararamdaman kong magiging maayos ako dito.
Hinila niya ang maleta ko papasok doon. Maayos ang buong bahay, malinis at naka-organize ang lahat ng gamit. Lima ang kuwarto ng bahay, it's a one storey house, napakalawak rin sa loob. Itinuro ni Railey sakin ang magiging kuwarto ko. Tipid ko lang siyang nginitian at pumasok sa loob.
He must be lonely here alone. Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang niya.
Pinasok niya na rin ang mga gamit ko sa aking kwarto.
"Thank you." I said.
"Sure, basta kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin." Sabi niya at isinarado na ang pinto. Natulala ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bago kong kuwarto.
Okay Sashi, you just need a little girly decoration para magmukhang sa ' yo 'to. I said in my mind.
Hindi nagtagal ay nakatanggap ako ng tawag kay Tita.
"Nakaalis ka na?" Tanong niya sa akin.
"Opo, nandito na ako. Kayo po?" balik kong tanong.
"Pauwi na kami, nakaalis na rin si Stephen." Balita niya sa akin.
"S–Sige po, ingat kayo."
Katahimikan ang bumalot sa kabilang linya at mukhang may gustong sabihin si Tita sa akin. "Sashi, kanina mukhang ine-expect ka ni Stephen na darating. He looks so puzzled habang panay ang sulyap sa kawalan. Maybe text him para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. He still doesn't know anything." Natigilan ako sa mga sinabi ni Tita at marahang pinatay ang tawag.
Napasandal ako sa pader habang hindi mapalagay na nakatingin sa cellphone. Kung itetext ko siya, ano naman ang sasabihin ko sa kaniya? Ingat at I'm sorry. I don't know!
Ang bigat ng loob ko at naglakas loob na mag-send ng apat na kataga.
Have a safe flight.
Hindi ko alam kung kailan pa niya mababasa ang text 'yon at bahala na.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Fiksi RemajaLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
