Twenty Two

393 19 5
                                        

Twenty Two

I hate Mondays. Tinamad akong bumaba sa hagdan habang hindi maitago ang inaantok ko'ng mga mata. Hindi ko napansin kung anong oras na ako nakatulog kagabi.

Umupo ako sa aking upuan at ang mga mata agad ni Stephen ang sumalubong sa akin and as usual, he's in his refrigerator mode again. Kumain lang siya ng tinapay na may strawberry jam na palagi niyang kinakain samantalang ako ay nag-focus sa breakfast ko.

Malungkot akong nag-pakawala ng malalim na paghinga. Dalawang linggo ko na nga lang pala siyang makakasama at makakatabi sa klase.

Sabay kaming pumasok sa school pero naka distansya ako sa kanya. Pinagmasdan ko siyang naglalakad at nauuna sa akin.

Hindi nagtagal may nararamdaman akong umakbay sa akin at paglingon ko'y si Tin pala. Napasimangot ako, hindi ko pa rin nakalimutan ang hindi niya pagsipot sa lakad namin.

"Nagtatampo ka pa rin ba?" Lambing niya.

"Oo." Maktol ko, panandalian siyang huminto at may nilahad sa harap ko. Agad sumilay ang ngiti ko ng makitang puro chocolates ang mga 'yon.

"Ayan ha, para di ka na magtampo." Panunuyo niya. Wala pang ilang sandali ay nawala na agad ang tampo ko.

After namin mag-flag ceremony ay dumiretso na kami sa loob ng classroom. Nagpakawala ng malalim na paghinga si Tin. "Ngayon na nga pala ang start ng tutorial sa akin ng Number 2 na iyon." Aniya.

"Number 2?" Tanong ko.

"Yong nasa likuran ni Stephen, 'yong katabi ko. Matalino rin pala 'yon kaso nga lang, kahit anong pakikipag-compete ang gawin niya sa prinsipe mo, hindi niya malampasan. Siya rin ang sumabat sa atin noong flag ceremony." Bigla kong naalala, siya nga pala 'yon. Nasa hallway na kami ng makita namin si Ken na nakangiting nakaabang sa pintuan ng classroom.

"Good morning, Sashi..." masiglang bati niya sa akin.

"Ako ba, 'di mo nakita? Bakit si Sashi lang binati mo?" Nakataas ang kilay na usal ni Tin sa kanya.

"Crush ba kita? Bat naman kita babatiin?!" Napaismid na lang si Tin at dire-diretso ang pasok sa loob ng classroom. Nginitian ko lang si Ken at humakbang sa upuan namin ni Stephen. Finally, he's here!

"Good Morning." Bati ko ulit.

"Binati mo na ako kanina sa bahay, remember?" Emotionless niyang sabi.

"Sa bahay 'yun, school naman 'to." Inirapan niya lang ako at dumating na rin ang unang guro. And as usual inaantok na naman ako, pero ilang beses akong sinabihan at binubulungan ni Stephen ng 'focus' kaya buong klase akong nakinig.

Breaktime at inabutan agad ako ni Tin ng lunch, ito ipinangako niyang lunch sa akin noong hindi niya ako sinipot. I smirked. Umalis si Stephen upang bumili ng pagkain.

Kaming dalawa lang ang naiwan sa klase.

"Malapit na pala ang exam at after nito 3rd grading na." saad niya.

"Napakabilis! Parang kailan lang ay mga first year lang tayo, tapos ngayon...graduating na. Nga pala saan mo balak mag aral ng college?" Tanong niya sa akin. Malungkot akong napayuko at hindi nakasagot.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"Hindi mo naman siguro susundan si Stephen mo sa Harvard 'di ba?!" Mapang-asar na sabi niya.

"Para namang makakapasok ako roon at hindi naman kami ganoon ka yaman para ma-afford ang paaralang 'yon."

Sinabi ko na kay Tin ang pag-aaral ni Stephen sa Harvard noong araw na sinabi sa akin ni Tita.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon