Ninety Eight
Sa bilis ng araw hindi ko na namamalayang isang buwan na naman ang dumaan. Hawak ko ang phone habang namimili ng grocery. Nang mabili ko ang lahat ng inutos ni Mom ay nagbayad na agad ako sa cashier. Tahimik akong naghihintay ng may lumapit sa aking lalaki.
Napakunot noo ako sa pag-approach niya. "Hi." nakangiting bati niya sa akin.
"H-Hello?" nauutal na tanong ko.
"Ma'am 5,546 po lahat," sabi ng cashier sa akin. Ngumiti ako at inabot ang payment sa kanya.
"Are you free for coffee?" tanong ulit ng lalaki.
Natawa ako sa sinabi niya at tinaas ang aking palasingsingan upang ipaalam na 'I am married'. Nakita kong natawa ang cashier at napakamot din naman ng ulo ang lalaki, pati ako ay hindi na rin maitago ang ngiti.
Binigay na sa akin ng bagger ang pinamili ko. Nauna na akong maglakad palayo sa grocery ng habulin ulit ako ng lalaki.
"Miss, excuse me." habol niya.
"Yes? May kailangan pa po kayo?"
"No need to say po, I just want to give you my calling card in case lang na may mangyari."
Hindi ko nakuha ang sinabi niya at natameme na lang. Nabigla na lang ako ng inabot niya sa akin ang calling card niya at nang kinuha ko 'yon tsaka naman siya tumakbo palayo.
Nagtataka ko siyang nilingon habang nawawala na siya sa paningin ko. Tiningnan ko ang calling card niya at mukhang sa magandang kumpanya siya nagtatrabaho, naka-indicate rin na sales manager siya. Inilingan ko na lang at naglakad na patungong parking lot. Naghihintay rin sa akin si Stephen sa basement.
Pagkita ko ng sasakyan ay pumasok agad ako, inilagay ko sa backseat ang mga pinamili at kinabit na rin ang seatbelt.
"Nabili mo ba lahat?" tanong niya sa akin.
Tumango ako at may binigay na calling card sa kanya.
"What is this?"
"Calling card."
"I know. I mean for what?"
May namuong ideya sa isip ko, pagselosin ko kaya siya. Agad tumaas ang kaliwang kilay ko sa aking iniisip.
"Kanina kasi habang nagbabayad ako, may nag-hi sa akin at gusto akong yayaing mag-kape." kwento ko sa kanya.
"And what did you say?" walang emosyong tanong niya habang pinaglalaruan lang sa kamay ang calling card na binigay ko.
"Of course hindi ako pumayag, ipinakita ko pa nga sa kanya ang wedding ring ko."
"Good." aniya at pinagana na ang engine ng sasakyan nang magkwento ulit ako.
"And I thought doon na matatapos ang conversation namin pero hinabol niya ulit ako and guess what? He even gave me that calling card and said na baka-incase lang daw." Natawa ako ng makita kong ikinuyom niya ang kanyang kamay at itinapon sa bintana ang calling card na binigay ko.
"Next time if someone approaches you again, just say that no matter what happens, we will never be apart. Huwag na silang maghangad pa!" Hindi ko na napigilan ang pagtawa dahil sa pinapakita.
Very territorial, huh, my husband.
Nakarating kami sa bahay ng mainit pa rin ang ulo niya at napansin nila Mom iyon kaya napapangiti na lang ako. Hindi nagtagal ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Ken.
Lumayo muna ako kay Mom at sinagot ang tawag.
"Sash..." ramdam ko ang kaba niya sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
JugendliteraturLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
