Fifty Seven
Nagising ako sa alingawngaw ng aking phone at inaantok na sinagot ang tawag.
"Uhm."
"Sashi, we're coming there at kasama ko si Stanley." Napabalikawas ako ng bangon dahil at tumingin sa oras. Alas-onse nang umaga?!
"S–Sige po Tita, ingat po kayo." Tinanggal ko agad ang eye mask at lumabas ng kuwarto. Patay, late na ako sa office!
Nadatnan kong nakaupo lang si Stephen sa may dining at seryosong may ginagawa sa laptop niya.
"Stephen, pupunta raw sila Tita. Late na late na ako!" aligagang usal ko sa harap niya habang kumukuha ng tubig. Sandali niya lang akong sinulyapan at natutok ulit ang mga mata sa laptop. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagtungo agad sa banyo at mabilis naligo.
Nakapang-office na ako ng lumabas ng kuwarto habang kakaiba na niya akong minata.
"Hindi ka pa papasok?" nagtataka na tanong ko.
Suminghap siya at umiling. "Why would I go to the office if it's Saturday." Walang emosyong sabi niya na kinalaki ng mga mata ko. Sabado ba ngayon?!
"Hindi mo man lang sinabi sa akin." maktol ko sa harap niya at bumusangot. "Nawala angantok ko, akala ko late na ako, tapos nakaligo pa ako ng wala sa oras."
"You didn't ask me, tinanong mo lang ako kung 'di ako papasok." masama ko siyang tiningnan, 'tsaka bumalik sa kwarto at nagbihis ulit ng pambahay. Simpleng faded short at black shirt lang ang sinuot ko.
Paglabas ko ay hinila ko agad ang upuan sa harap niya at seryoso siyang tiningnan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang naalala ang nangyari kagabi. Well, I am his official girlfriend now. Ano kaya ang magbabago? Magiging sweet na kaya siya sa akin? Makikita ko na ba madalas ang ngiti niya?
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.Tumayo ako sa inuupuan upang silipin ang ginagawa niya sa kaniyang laptop.
"You're blocking my view, kailangan ko pa itong ma-send sa investor this morning." Masungit na sabi niya at hinawi ang ulo ko.
Akala ko naman magiging malambing na siya sa akin pero hindi pala. Late na ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari. Also, I am expecting na magiging sweet siya this morning pero mali ang akala ko. Kahit good morning kiss, wala!
"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya.
"Not yet. Hintayin na lang natin sila Mom, for sure may mga dalang pagkain 'yon." aniya. Tumango na lang ako at iniwan muna siyang mag-isa at hindi inistorbo.
Nakasimangot akong umupo sa couch at dismayadong tiningnan siya. Wala ba kaming date ngayon? It's my first day of being his girlfriend! Wala man lang ba 'yong katulad sa mga napapanood ko?
Huminga ako ng malalim. Naku, panigurado ng kahit hiritan ko siya about sa first date namin bilang mag-boyfriend ay pahirapan sa kanya kaya mananahimik na lang ako. For sure, kung nag-aaral ako gagamitin niyang motivation ang date para magpursige ako. But now, I wonder what his blackmail would be to make me stop my demands. Napaisip tuloy ako bigla.
Napukaw ng tunog ng phone ang aking iniisip kaya pumasok muna ako ng kuwarto at kinuha 'yon. Mabilis kong sinagot ang tawag ng makita ang pangalan ni Josh as caller.
"Uhm, Josh?" sagot ko habang lumalabas ulit ng kuwarto. Agad napatingin si Stephen sa akin kaya inilihis ko lang ang tingin ko sa kaniya at umupo ulit sa couch.
"Pwede na ba namin makuha ang sagot mo?" tanong niya sa kabilang linya.
Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Fiksi RemajaLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
