Thirty Eight
Sashi POV
Kumatok ako sa kuwarto niya kahit nababalutan ng kaba ang dibdib. Nagpalit na rin ako ng komportableng damit. Pagbukas niya ng pinto ay may dala na agad siyang unan at kumot.
"You can sleep on my bed, sa couch na lang ako." Sabi niya. Bigla akong nahiya at mukhang na-evict ko pa siya sa kuwarto niya.
"Pero hindi ba malamig sa couch? Nagyeyelo pa naman sa labas." Tanong ko.
"It's okay." Tipid niyang sagot na mabilis kong pinigilan.
"P–Pero baka kasi sipunin ka. Mahirap magkasakit ngayon."
Tiningnan niya lang ako at walang emosyong pumasok ulit sa loob ng kwarto at humiga sa kaniyang kama. Bigla akong namula sa ginawa niya.
"S–Sige sa kama ka na lang, d–dito na lang ako sa sahig." Nag-aalangan kong sabi ngunit bigla niya akong hinila dahilan upang mahiga sa tabi niya.
"Sabi mo malamig, then dalawa tayong hihiga rito."
Nanlaki ang mata ko, hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. Bilang na bilang ang paghinga ko dahil sa lapit naming dalawa. Bigla siyang gumalaw sa tabi ko at umayos ng higa. May dalawang unan rin siyang iniharang sa pagitan naming dalawa na mas lalong nagpapula ng mukha ko.
Hindi ba dapat ako ang may karapatang gumawa niyan? Bakit parang siya pa ang babae sa aming dalawa?!
Sa bagay naman kasi Sashi, kapag kasama mo naman talaga siya eh nawawala ka sa sarili mo.
Napalunok ako at umayos na rin ng higa at naiilang na tumingin sa kaniya.
Ipinatong niya sa akin ang makapal na kumot at humiga ulit, lumihis siya ng tingin kaya malaya kong pinagmamasdan ang kaniyang likuran.
"Sashi." Pukaw niya ng katahimikan naming dalawa.
"Uhm."
"I know, I've been so cruel to you these past 2 years." Palihim akong sumimangot at tumango.
"Dala lang 'yon ng sobrang galit at inis ko. And I will understand if you choose to let go of me." Nakita ko ang malungkot niyang paghinga habang nagsasalita.
"But please just remember na hindi lahat ng sinasabi ko ay totoo. Sometimes out of jealousy, anger, may mga nasasabi lang akong hindi na akma at tama...lalo na sa 'yo" Dugtong niya.
Bigla siyang gumalaw at humarap sa akin. Nagtagpo ang mga mata namin.
"Like what I told you 2 years ago, that time you said that you will not be joining me here and on my birthday. I'm sorry, I didn't mean to hurt you, hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko." Tumango ako at tahimik na pinagmasdan siya.
"P'wede rin ba akong humingi ng tawad sayo?" Kumunot ang noo niya sa panimula ko.
"About what?"
Hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata kaya umayos ako ng higa at nag-ipon ng lakas ng loob para sa susunod na sabihin at ang totoong pakay ko rito.
"The real reason kung bakit hindi ko nagawang sumama sayo...noon" Bigla siyang umupo kaya umupo na rin ako. Naramdaman ko ang riin ng titig niya sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang nagsalita.
"It's because of my Papa." Pauna ko.
"He had an accident during that time and I had no choice but to give you up for him. At–" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil sa atake niyang tanong.
"Kamusta na si Tito?" Malapad akong ngumiti at nagsalita.
"He's fine now. Medyo naging malala nga lang ang tama ng paa niya dahil sa aksidente kaya hindi na siya makakalakad pa." Nakita ko ang pamumutla ng mukha niya dahil sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
