Sixty Eight
Hindi pa rin tumatak sa isip ko ang nangyaring proposal. Ilang araw na ang nakalipas pero parang nasa alapaap pa rin ako.
Tiningnan ko siyang seryosong nagmamaneho sa tabi ko at dahil weekend ngayon, kailangan namin pumunta sa bahay nila. Wala pa akong sinasabihan kahit isa sa mga kaibigan ko o si Papa dahil gusto kong ibalita 'yon ng personal.
Nasa tapat ng kami ng bahay ng mag-salubong ang kilay ko dahil sa pamilyar na mga sasakyang nakapaarada sa labas.
Nangislap ang mga mata kong ngumiti ng malapad ng tuluyan na niyang hininto ang sasakyan. Nakasunod ako sa kaniya habang pumapasok sa loob ng bulwagan ngunit pagbukas pa lang ng pinto ay nagulat kami dahil may mga cofetting nag-laglagan.
"Congratulations!"
I gasped when I looked at Tin and Cory with Rick and Josh. Nasa gilid din si Papa, Tita Jovy, Rail sila Tita at Stanley.
Una akong nagbigay galang sa kaniyang mga magulang habang ginulo ko naman ang buhok ni Stanley at mapang-asar na tiningnan. Tuwang-tuwa kong binati sila Tin na masaya para sa akin. And then lastly, I went to my Papa who's talking to Stephen.
Ang lawak niyang dinipa ng kaniyang kamay upang salubungin ako ng yakap. He smiled so genuinely and whispered. "Nagtagumpay ka, anak. Nakuha mo na si Stephen." I laughed.
"Thank you, Pa dahil sinuportahan mo ako." He smiled and tapped my hand.
"Anything for your happiness, Sashi."
Napuno ng tawanan ang buong hapon at umikot lahat ang usapan sa aming dalawa ni Stephen. Binabalikan nila ang pagpupursige kong habulin siya noong nag-aaral kami. At ang pagpunta ko sa U.S, lahat ng about sa nangyari sa amin ay binalikan nilang lahat. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil ko ang center of attraction o mapa-patanong na lang minsan sa katangahan kong habulin siya. But still, I am always thankful for what happened and my decisions. Wala akong pinagsisisihan sa lahat.
Halata sa mga mata niya ang pagkairita. Sabagay, ano nga ba naman ang aasahan naming reaksyon niya kundi ang cold na mga tingin at poker face. Isang malaking himala na lang kung pati siya ay tumatawa na rin kasama nila.
Sandali akong nagpaalam upang magbanyo at paglabas ko'y nakaabang na Tita agad ang sumalubong sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay ko at hinila paakyat sa aking kwarto.
Bigla akong napangiti ng masilayan ko ulit 'yon. Hindi ko maitago ang tuwa sa harap niya. I miss this room.
"Sa wakas nagbunga rin talaga ang pagpupursige natin kay Stephen." naluluha akong tumango sa harap niya.
"Kailan niyo balak magpakasal?" Napakamot ako sa aking ulo at hindi sumagot.
Naglakad si Tita sa closet room at binuksan yon. Halos malaglag ang panga ko ng makita kung ano ang nakasabit sa closet. It's a wedding gown!
"T-Tita," naiiyak kong tawag sa kaniya habang hindi makapaniwala. Naluluha siyang nilapitan ako at marahang kinuha ang aking kamay.
"Alam ko na noong una ka palang ipinakilala sa amin ng Papa mo. Alam kong ikaw na ang magbibigay sigla sa bahay namin. At mas natuwa ako ng malamang may gusto ka sa anak ko."
Tuluyang namuo ang luha ko dahil sa sinabi niya.
"Sa personality mo alam kong mapapalambot mo si Stephen. I always see Stephen as a lonely person, kaya niyang mamuhay mag-isa. Although, matalino pero alam kong nahihirapan siyang makihalubilo sa iba. That's why he always have that cold emotion in him, pero noong dumating ka at hinabol mo siya." Tita smiled so warmly while her eyes were sparkling.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Novela JuvenilLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
