Fifty Eight
Inaantok pa ako ng sapilitan akong binangon ni Stephen sa aking kama. Dahan-dahan niyang tinanggal ang eye mask kong nakakabit pa sa aking mga mata dahilan upang tuluyan na rin akong nagising.
"B–Bakit?" tamad kong tanong sa kaniya.
"Maghanda ka na, aalis tayo." Agad lumukso ang katawang lupa ko sa sinabi niya. Magdi-date ba kami?
"Saan tayo?" excited kong tanong.
"Malalaman mo rin, maligo kana. I'll wait for you," utos niya at umalis ng aking kwarto.
Mabilis akong bumangon at naghanda. Inabot ako ng halos isang oras sa pag-aayos at pakiramdam ko, papatayin na ako ni Stephen sa tagal kong kumilos. Paglabas ko ng kuwarto ay hindi nga ako nagkamali! Matatalim na ang tingin niya sa akin ng makita ako. I smiled beautifully in front of him while ramping my dress. I'm all set for our date!
Isang simpleng white dress ang suot ko at nakalugay rin ang aking buho. Kailangan maging formal sa unang date kaya natagalan ako kakahanap ng susuotin.
"Sampu ba katawan mo at napakatagal mong mag-ayos?" bulyaw niya sa akin.
"Naghanap pa kasi ako ng susuotin...psh...you will never understand girls," nakangiting sabi ko kaya wala na rin siyang nagawa kung hindi ang huminga ng malalim.
Una siyang naglalakad sa akin, inalisa ko ang suot niya habang malaya siyang pinagmamasdan sa aking harapan. Isang simpleng blue polo shirt at pants lang ang suot niya pero lumilitaw pa rin ang kakisigan at kagwapuhan. Gusto kong hawakan ang kamay niya pero baka magalit siya kaya tahimik na lang akong nakasunod.
Walang tao ang elevator ng pumasok kami ngunit sa bawat palapag na tumitigil 'yon ay napupuno rin kami sa loob. Napaatras si Stephen sa likod niya dahilan upang maipit ako sa likuran.
"Are you okay?" tanong niya sa akin kaya tumango lang ako ngunit bigla akong natigilan ng unti-unti niyang hinawakan ang kamay ko habang ang mga mata ay nakatitig lang sa buong elevator.
I smiled widely when he finally intertwined our hands. Sinulyapan ko siya at walang emosyon lang siyang nakatayo sa harapan ko habang mahigpit ang hawak sa akin. Para na akong mamatay sa kilig sa tabi niya pero parang wala lang sa kaniya ang mga nangyayari.
Magkahawak kamay kaming naglalakad patungong sasakyan habang hindi ako makapaniwala na malaya ko ng mahahawakan ang kamay niya. It's a dream come true, Sashi!
"Why are you smiling?" tanong niya sa akin.
Umiling ako at nakangiti siyang tiningnan. "W–Wala! I just love what is happening right now to us," tugon ko.
Kumalas na siya sa pagkakahawak sa kamay ko at walang emosyon na pumasok sa driver seat. Sumunod rin ako at ikinabit ang seatbelt sa katawan.
"So, saan ang date natin ngayon?" excited na tanong ko ngunit kumunot lang ang noo niya.
"Date?"
"Oo, hindi ba tayo magdi-date?" nagtatakang tanong ko.
"Nope, were going to your house. I need to tell Tito personally that we are in a relationship." Natameme ako sa sinabi niya. Ano ba 'yan! Sa bahay lang pala ang punta namin, e 'di sana nag-simpleng short at shirt lang ako. Ang tagal ko pa naman naghanap ng damit! Haist!
"Doon tayo maghapon?" Pahabol ko pang tanong at walang alinlangan naman siyang tumango.
"Ano ba 'yan, wala man lang tayong official date na dalawa?" Malungkot kong tanong. Nagmumukmok ako habang nasa biyahe. It's our second day together at wala pa rin akong nakukuha kahit date man lang.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Fiksi RemajaLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
