Twelve

374 19 2
                                        

Twelve

Isa-isa kong binuksan ang mga libro upang basahin ngunit parang pinagsakluban ang utak ko at wala talagang pumapasok. Suminghap akong yumuko sa study table.

Why is it so hard to study? Tamad akong bumalik sa kama at humiga. Kung matalino lang sana ako katulad ni Stephen, malamang kanina ko pa tapos 'yan, kaso hindi. Pagbalik-baliktarin man natin ang libro, basahin ko man lahat yan, hindi ko pa rin maintindihan.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at dismayado na pinikit ang mata.

Sino kaya teacher ni Stephen sa Math? Teacher niya kaya 'yung teacher ko? May namuong plano na naman sa isip ko.

Bahala na! Sabihan niya na ako ng mga masasakit na salita about sa kabobohan ko, basta may assignment lang akong mahita. Okay na ako, tatanggapin ko na!

Lakas loob akong tumayo at kinuha ang libro ko sa Math. Sinilip ko pa ang kuwarto niya at mukhang gising pa siya dahil may naririnig pa akong ingay sa loob.

Tatlong beses akong huminga ng malalim at lakas loob na kumatok.

Isang katok. Wala.

Dalawa, wala pa rin.

Napasimangot ako, mukhang wala rin akong balak pagbuksan ng lalaking 'yon. Lunok pride na nga ginawa ko.

And lastly, tatlong katok at agad sumilay ang ngiti ko ng makita siyang tamad na tamad na binuksan ako ng pinto. Ang gwapo niya! Napaka-gulo ng buhok at may eyeglass ring suot. Oh my god! Kung dala ko lang sana ang cellphone ko, kahit magalit siya kukuhaan ko talaga siya ng litrato at habang buhay na tititigan ang itsura niya ngayon.

"What?" Sikmat niyang tanong sa akin, inaantok na. Natulala ako sa angking kapogian niya at nakalimutang may kailangan nga pala ako sa kanya.

Napalunok ako at kinapalan ang mukha. "Teacher mo rin ba si Mam Reyes sa Math?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko at walang modong sinarado ang pinto.

Napapikit ako sa lakas ng lagabog 'nun. Kung hindi ka lang pogi kanina, naku!



Okay Sashi, let's start again.

I cleared my throat again at kumatok ulit. Handang-handa na sa mga pagalit niya, basta kailangan ko lang talaga matapos ang assignment ko.

"I thought you don't want my help. Just get lost." Seryosong usal niya at mas malakas na isinarado ang pinto. Nagulat pa ako!

Sabi ko nga diba, wala naman talaga akong mahihita. Nakasimangot akong bumalik sa aking kwarto at iritableng naupo sa study table.

Ginulo ko ang buhok sa sobrang frustration dahil kahit anong halughog ko ng sagot ay wala talaga! Sinubukan ko ring tawagan si Tin at isa rin siyang namomroblema, mas lalo naman si Ken na wala namang alam gawin kung hindi humabol ng humabol sa akin.

Sumulyap ako ko sa orasan at halos maghahating gabi na pero nasa instruction pa din ako. Anong gagawin ko?!

Iginala ko ang mga mata sa loob ng kwarto at nag-isip na mag-jogging na lang muna sa labas. May malapit naman na park sa village, kailangan ko lang ng peace of mind. Naka-tiptoe akong lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan.

Naupo ako sandali sa may sapatusan at nagpalit ng rubber shoes.

"Where are you going?!" Halos tumalon ang puso ko sa gulat dahil sa nagsalita sa likod ko. Paglingon ko'y isang Stephen na may hawak ng tubig ang bumulaga sa akin.

"Magjo-jogging lang sa labas." Sagot ko.

Kakaiba niya akong tinitigan at sumulyap sa orasan. "Stupid." Aniya at pumasok na ulit sa kusina.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon