Epilogue

742 31 9
                                        

Epilogue

"Dad! Daddy!" Agad lumapit si Stephen kay Savanna dahil sa tawag niya.

Lumingon ako sa kanila at tiningnan ang ginagawa nilang dalawa. Hinubaran ni Stephen si Savanna at hinahanda sa pagligo sa pool. She's now wearing her swimsuit. Nakikipaglaro na rin si Stanley sa kanila.

"Stephen, huwag masyado sa malalim." sigaw ko habang nilapag ang pagkain ngunit tiningnan niya lang ako ng walang emosyon at ipinagpatuloy ang ginagawa. He looked at me rudely na wari'y sinasabing 'alam ko Sash ang ginagawa ko'.

Ngumiwi ako. Hindi na talaga mababago ang emosyon niyang ganyan, trademark niya na talaga.

Siniko ako ni Mom. "Samahan mo na sila doon." bulong niya sa akin.

"Hindi na Mom, kailangan ko pang maglinis ng kwarto ni Savanna. For sure, nagkalat na naman ang mga laruan niya doon." Natawa at tumango na lang siya bago pumasok sa loob ng bahay. Dahan-dahan kong binigay ang salbabida ni Savanna kay Stephen,  para mapapanatag ang loob ko.

Yes, It's been another five years since I gave birth to our first child, Savanna. And now, I am happy to say that we are pregnant again with our second child. This time, it's a boy!

Hindi ko mapigilang mapangiti habang araw-araw na iniisip kung ano ang magandang ipangalan sa kanya. I keep on researching beautiful names on the internet for that.

I remember one time, Stephen caught me searching it, natatawa niya pa akong inilingan.

"Baka Pedro or Juan ang bagsak ng pangalan mo niyan ah..." asar niya sa akin. Nakatanggap agad siya ng masamang tingin.

"Anong Pedro at Juan? Umalis ka na nga!" taboy ko sa kanya. Natawa siya sa akin at hinalikan ako sa noo bago humiga at natulog.

"That's enough, Savanna is now sleeping, it's time for my two babies to sleep...come here." he said sweetly.

Napukaw ang iniisip ko ng marinig ko ang boses ni Savanna.

"Mom, join us!" sigaw sa akin ni Savanna habang nakikipaglaro sa pool.

"No need, baby. Maglilinis pa ako sa kwarto mo. Sige ka...gusto mo bang matulog ng puro germs ang paligid?" Agad kong nakita ang nandidiri niyang mukha at nag-poker-face sa akin. I hissed. Tingnan mo 'to, manang-mana talaga sa pinagmanahan!

Sinasabi ko na nga ba at mamamana talaga ni Savanna ang ugali ni Stephen. Maldita rin at higit sa lahat ang hilig niya ring magbigay ng cold na emotion. Ughh!

Iniisip ko kung paano na lang kung pati itong nasa sinapupunan ko ay ganiyan din tulad nila. Paano na lang ako makipag-deal sa kanilang tatlo. Ano palamigan na lang kami ng tingin araw-araw? Haist!

Umupo ako sa bench sandali at pinanood silang naglalaro. Ilang beses nagtatama ang tingin namin ni Stephen at ilang beses niya rin akong niyayang daluhan sila pero ilang beses din akong tumatanggi.

Stanley is a big boy now. He looked like the teenage version of Stephen. Kapag gusto kong bumalik sa dati, siya ang kinukulit ko. Kahit ugali ay namana rin niya sa kapatid—except about something. I sense something on him. Tingin ko sa akin siya nagmana sa aspetong 'yon. I smirked.

5 years passed and yet my love for him didn't even waver a bit. I love how he takes care of us every single day. I love how he always assures me. Kahit busy sa trabaho, he always made sure that he went home the earliest possible when he finished his duties.

Stephen changed a lot, I guess being a family man suits him the best. And I loved this version of him so much. Wala pa rin siyang kaibigan aside from my friends, because for him...sapat na raw sa kanya ang presensya ko.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon