Eighteen
Everything went fast at hindi ko namalayan na isang linggo na akong naninirahan sa bahay nila. Sabado ngayon at wala kaming pasok kaya hindi ko rin inobliga ang sarili kong magising ng maaga.
Tamad akong bumangon dahil sa malakas na katok na nanggaling sa pinto. Inaantok kong binuksan ang pinto habang nakasuot pa ang eye mask sa aking mata.
"Bumaba ka na, tanghali na." Malamig na boses ni Stephen ang unang bumungad sa akin. Inaantok lang akong tumango at sinaraduhan siya ng pinto. Inaantok pa talaga ako. Bumalik ako sa paghiga at natulog ulit.
Paggising ko ay halos mapabalikwas ako ng masulyapan ko ang oras. Alas-dose na?!
Dali-dali akong nagtungo sa banyo at naghilamos. Pagbaba ko'y naabutan ko si Tita na nanonood ng noon time show sa sala.
"Gising ka na pala, kumain ka na! Mukhang late ka nakatulog kagabi ah." Masigla ko lamang siyang binati at nagtungo sa kusina upang maghain ng makakain.
Sinundan niya ako sa kusina at nakangiti akong tinitingnan. Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin.
"B-Bakit po?" Clueless kong tanong.
"May lakad ka ba?" Umiling agad ako at sumubo ng pagkain.
"Wala po, Tita." Direktang sagot ko.
"Mag-mall tayo, may nakita kasi akong magandang item kanina sa tv. Gusto ko sanang bilhin." Alok niya sa akin. Pumayag agad ako na sobrang kinatuwa niya. Wala naman akong gagawin maghapon, kaya sasamahan ko na lang siya.
"T-Talaga? Sasamahan mo ako?" Hindi makapaniwala na tanong niya.
"Opo."
Natawa ako ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi. "Sige, maghahanda na ako. God! Excited na ako..." Excited niyang saad na nagpangiti lalo sa akin. Nang makaakyat si Tita, ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain
Ginala ko ang aking mga mata sa paligid, bakit parang wala ang dalawang magkapatid ngayon? Saan kaya nagpunta ang mga 'yon?
Matapos kong kumain ay niligpit ko lang ang pinagkainan atsaka umupo muna sandali sa may sala. Hindi nagtagal ay may narinig na akong ingay sa pintuan, mukhang nandito na sila Stephen.
Hindi ko pinahalatang nakaabang ang mata ko sa kanila. Hindi ko kasi siya nakita kanina dahil sa traydor kong mga mata.
Naunang pumasok si Stanley na nakapang-basketball na damit at sapatos. Naglaro ba sila? Sunod namang pumasok si Stephen na may hawak na bola at walang kahirap-hirap na pinaglalaruan 'yon.
Nanigas ang mga mata ko sa ayos at tindig niya. He's wearing an all blue basketball attire na nagpapalawak ng ngiti ko. Bigla kong pinagsisihan kung bakit tinanghali ako ng gising! Sana pala nang ginising niya ako kanina ay bumangon agad ako para napanood ko ang paglalaro nila. Nakakainis!
Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Naramdaman ko ang pag-upo ni Stanley sa tabi ko habang inabutan ako ng towel.
"Pangit, punasan mo nga likod ko." Para akong asong sumunod sa kanyang amo at nakatitig lang kay Stephen.
Sinasamaan niya ako ng tingin dahil ibang parte na ng katawan niya ang napupunasan ko. Ngumiti lamang ako at binalik ulit ng tingin kay Stephen ngunit bigla na siyang nawala. I pouted, mukhang umakyat na ng kwarto iyon.
Sayang, hindi ko na naman siya nakuhanan. Bakit ba sa tuwing napakagwapo niya sa paningin ko'y laging wala akong dalang phone!
Bumaba si Tita ng nakaayos na.
"Saan kayo punta, Mom?" Tanong ni Stanley.
"Sa Mall, sama ka?!" Alok ni Tita na agad namang tinanguan ng bata sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
