Seventy One
Tahimik akong umupo sa balkonahe habang pinagmamasdan ang nagkikislapang mga bituin sa kalangitan. Medyo lumalalim na ang gabi pero wala pa rin si Stephen. Hindi ba parang pinapagod niya ang sarili niya kung first day niya ngayon sa trabaho?
I pouted.
Kanina after namin kumain, pinauwi na rin niya agad ako.
Nakakalungkot, I am expecting him na ipapakilala niya ako sa mga nurses na naroon pero...hindi. Paano nila malalaman na may asawa na siya. Psh!
Hindi nagtagal ay nakita ko ng may bumusina na sa labas ng bahay, pagsilip ko'y kotse na niya. Napangiti ako. Finally he's here and safe.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at sinalubong siya sa bukana. Ang lapad ng ngiti ko ng magtama ang tingin naming dalawa.
Lumapit agad ako at excited na kinuha ang mga dala niya. "Welcome home." masiglang bati ko na agad namang siningkitan ni Stanley.
He looks at me seriously.
"Parang ang tagal nawala ni Kuya! You are really acting like a wife now huh." Nakahalukipkip na usal ni Stanley sa likod ko. Inirapan ko siya, lagi talagang kontra sa pantasya ko ang batang 'to!
"Bakit ba, eh sa wife niya naman talaga ako ah," naghahamong sagot ko at malambing na binalik ang tingin kay Stephen pero tiningnan niya lang ako at nagtungo agad sa kusina upang batiin sila Mom. Psh! Hindi ko na 'yata talaga matutunaw ang yelong emosyon niya.
Umupo siya sa dining habang pinagsilbihan siya ng pagkain. Since late na siya dumating, tapos ng kumain sila Mom at Dad gayundin si Stanley. Kami na lang ang hindi. Dalawang plato ang hinanda ko at umupo sa harap niya.
"Hindi ka pa kumakain?" gulat niyang tanong habang nakatingin sa plato ko. Tumango ako.
"How can I eat if wala ka pa? And you might be lonely eating alone, kaya kahit gabihin ka ng uwi...sasabayan pa rin kita," masiglang sabi ko. Biglang sumingit si Mom na nasa tabi ko at nakangiting tiningnan si Stephen.
"Wow! Ang sweet naman ng newly wed couple namin." Inirapan lang si Mom ni Stephen at walang emosyon na sumubo ng pagkain.
Napangiwi ako at natawa na lang kaming dalawa ni Mom bago ko siya sinabayan sa pagkain. After namin kumain, ako na ang nagligpit ng pinagkainan. Samantalang si Stephen ay umakyat na agad sa itaas.
Ako ang huling natapos kaya dinoble check ko ang mga pinto bago tuluyang umakyat. Nasa kanya-kanya na rin silang kwarto.
Pagbukas ko ng pinto ay mukhang nakapaglinis na si Stephen dahil naka-bathrobe na siya habang may binabasa.
Sinarado ko na ang pinto at tahimik na nagtungo sa banyo. Mukhang seryoso siya sa ginagawa niya kaya hindi ko muna siya kukulitin ng ilang oras.
Naka-pajama na akong lumabas ng banyo at tumabi sa kanya. Sinilip ko rin ang librong binabasa niya and it's all about medicine. Psh! Wala akong maintindihan.
Biglang nagtama ang tingin namin at tipid siyang ngumiti ng makita niya akong nakakunot noo sa binabasa niya.
"Don't read it, for sure hindi 'yan tinatanggap ng utak mo." Asar niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin at sumimangot, nakapangalumbaba akong humarap sa kaniya. Eh 'di ikaw na talaga ang matalino.
"Hows your first day? Base sa nakita ko ko kanina, artistahin ka na naman!" I said sarcastically. Hindi siya nagsalita, nakatitig lang ang mga mata niya sa binabas at nilipat niya lang ang pahina ng binabasa niya.
"Nothing new." he said coldly. Mas lalo akong sumimango.
"S-Sinabi mong may asawa ka na?" excited kong tanong at nagbabakasali. Tiningnan niya ako ng kakaiba at umiling.
"No one is asking me that so how can I tell that to them." walang pusong sagot niya.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Novela JuvenilLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
