Twenty Five
Like what I expected , I just spend my weekend reviewing again and again. Halos masuka ko na ang mga test paper na ginagawa ni Stephen para lang ma-review ako.
Inaantok akong naglalakad papasok sa school habang siya naman ay nauuna sa akin. Anong oras na akong nakatulog kagabi dahil sa kanya. Hindi niya ako tinantanan kagabi kapag hindi ko nakukuha ang mga sagot.
Sa sobrang antok ng mga mata ko ay hindi ko napansin tumigil pala siya sa paglalakad at nabangga ako sa likod niya.
"Sorry." Sabi ko. Nasa tapat na kami ng school.
Cold niya akong sinipat attumikhim. "Goodluck on your exam. Don't disappoint me." Sabi niya at tuluyang naglakad palayo sa akin.
Bigla akong nabuhayan at nawala ang antok dahil sa sinabi niya. I smile.
"Thank you also Stephen, don't worry, makakapasa ako." Sigaw ko sa kanya at sandaling ngumiti sa akin.
Ganado akong pumasok ng loob ng classroom at halos focus ang mga kaklase ko sa pagrerebyu. Naupo ako sa dati kong upuan at sandaling lumingon kay Tin.
Napako ang tingin ko sa reviewer niya at napangiti. Alam na alam ko ang sagot diyan. Ito siguro ang dahilan ni Stephen kung bakit hindi niya ako tinantanan nitong weekend, para malaman ko ang mga sagot.
Nagbabalak na akong samahan si Tin sa binabasa niya nang bigla akong makatanggap ng text galing kay Stephen.
Stephen: Take a rest. I'm afraid na baka hindi ka makapag-exam dahil nakatulog ka. You still have 30 minutes so, iyuko mo muna ang ulo mo at ipahinga sa mesa.
I bit my lower lips habang paulit-ulit na binasa ang text niya.
After 30 minutes, pinalabas kaming lahat ng guro at pinalinya sa labas, mukhang aayusin ang upuan namin.
Kinalabit ako ni Tin. "Kinakabahan ako." Sabi niya.
"Ako rin." Sabi ko.
Isa-isa ng tinawag ang pangalan namin, sa unahan ako naka-puwesto. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko si Tin at pareho naming binigyan ng lakas ng loob ang bawat isa at nag-start na sa exam.
Pagkakita ko palang ng test paper ay namuo na agad ang ngiti ko. Halos pareho 'to sa pinasagutan sa akin ni Stephen kagabi? Paano niya nalaman na lalabas sa exam lahat ng 'yon? Nakakapag-teleport ba siya at nakakapunta sa future?
Tahimik at payapa kaming sumasagot. Nang matapos ako ay sandali ko munang dinoble check ang lahat. Unti-unti na ring nauubos ang laman ng klase.
Ito na yata ang pinaka-seryosong exam na sinagutan ng buong section namin. After ko mag-exam ay hinintay ko lang sandali si Tin sa labas ng classroom at sandali munang nagmuni-muni. Tamad kong pinagmasdan ang tahimik na field ng school at gayon na lamang ang ngiti ko nang makita si Stephen na nagbabasa at nakaupo sa may bench ng field,
Nagbabalak sana akong tawagin siya ngunit agad napakunot ang noo ko ng may tumabi sa kanya at binigyan siya ng maiinom. Pinagmasdan ko silang dalawa, bago sa paningin ko ang babaeng kasama niya.
At ang mas lalong nag-salubong ang ngiti ko makitang ngumiti siya habang 'yon.
It felt so hollow. Hindi ko alam na kaya palang ngumiti ni Stephen ng ganyan sa ibang babae.
Tinapik ni Tin ang aking balikat ngunit hindi gumalaw. Hindi mawala ang titig ko sa dalawang tao sa harap ko.
"Sino ba ang tinitingnan mo? Hindi kana gumaga–" Hindi nakapagsalita si Tin habang nakatitig na rin sa tinitingnan ko.
"Biruin mo, kaya pa lang makipag-kwentuhan ni Stephen sa iba." Wala sa sariling sambit niya. Malungkot akong napalunok at nakamasid lang sa kawalan. Bigla akong nawalan ng gana sa lahat.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
TienerfictieLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
