Eight
Late ako nagising kinaumagahan dahil late na rin ako natapos sa pag-aayos at namamahay din ako. First time kong matulog sa ibang bahay kaya hindi pa ako sanay.
Tapos na ako maligo at bino-blower na lang ang basang-basa kong buhok. Inayos ko rin ang pagkaka-ayos ng iilang bangs sa aking noo at 'tsaka mataas na itinali ang aking buhok.
Palabas na ako ng kwarto ng nakatanggap ng tawag kay Papa.
"Uhm, Pa." Sagot ko.
"Gumising ka na, baka late ka na naman. Bumaba ka na rin at baka hinihintay ka na nila sa umagahan." Malungkot akong napatango at umayon.
Ang bigat ng dibdib ko habang sinasara ang pinto ng kwarto. Naiisip ko palang na ibang tao ang makakasalo ko sa pagkain ay nakakalungkot. Sanay akong nagde-daydream sa harap ni Papa habang sinusubuan niya ng pagkain. Sanay akong siya ang nauuna na bumabati sa akin tuwing umaga.
Nakayuko ako habang bumaba ng hagdan, nakasukbit na sa aking balikat ang aking bag.
Biglang may kumalabit sa aking likod at tamad ko itong nilingon.Ganun na lamang ang pagkabuhay ng dugo ko ng makita kong basang-basa pa ang buhok ni Stephen habang naniningkit ang mata niyang nakamata sa akin. Naka-uniform na rin ito at bitbit ang bag niya.
Napalunok ako sa ayos niya.
Masungit ang mga mata niya habang sinasabing tumabi ako, kaya sinunod ko ang gusto niya, binigyan ko siya ng espasyo.
Mabibilis ang hakbang niyang nagtungo sa kusina samantalang ako'y nagpakawala ng malalim na paghinga.
Buo na sana ang araw ko dahil nakita ko siya sa ganitong oras na alam kong hindi pa nakikita ng iba, pero nakaka-lugmok lang dahil umagang-umaga nagsusungit na naman.
"Stephen, tinawag mo na ba si Sashi? Sabay kayong papasok at hindi niya alam ang daan." Rinig kong sabi ni Tita sa kanya.
Wala akong narinig na sagot niya. Kaya minabuti ko na lang na bumaba at magpakita sa kanila.
"Stephen, narinig mo ba ako?" ulit ni Tita.
"She have a foot Mom, kaya niyang pumasok mag-isa." Natigilan ako sa paghakbang at nag-aalangan.
"Stephen!" Galit na bulyaw ni Tita kaya kahit kinakabahan at naiilang ay sinikap kong batiin sila ng nakangiti.
"Good Morning po." Pansin ko agad ang pagtikhim ni Tito. Samantalang si Tita ay nakangiti kaagad na lumapit sa akin. Sinulayapan din ako ni Stephen, pero mabilis niya lamang hinawi ang tingin niya.
Kahit naiilang ay hindi ko pinahalatang nahihiya ako. Pinatabi ako ni Tita sa tabi ni Stephen at pinalipat niya naman sa tabi niya si Stanley.
"Kain ka na Sashi, may pasok pa kayo..." nakangiting sambit ni Tito at nilagyan ako ng pagkain sa plato.
Ngumiti ako at nagpasalamat, ganun din ang ginawa ni Tita, kung ano-anong pagkain ang inilapag niya sa pinggan ko.
"Salamat po." Naiilang kong sagot.
"Hindi ka siguro sanay na hindi Papa mo ang nasa harap mo ngayon. Hayaan mo sa una lang ito, panigurado masasanay ka rin sa amin." Masayang pahayag ni Tita.
Ngumiti ako at nahihiyang kumain.
Hindi ko maiwasang hindi sulyapan ang katabi ko, pinanood ko siyang kumakain ng breakfast niya at tumango-tango.
So ang isang genius Stephen Chen pala ay toasted bread at strawberry jam ang umagahan, may kape rin sa table niya.
Mas masaya sana kung...
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
