Two
Nakarating kami sa bahay na malalim ang iniisip ko. Sapilitan kong itinuon ang aking atensyon kila Papa na naghahanda sa munting salo-salo. Nakita ko 'rin ang malawak na ngiti ni Ken sa pintuan pa lang ng bahay namin. Kinalabit ko agad si Tin.
"Nandito talaga siya?" Tanong ko at tahimik siyang sinipat.
"Ou! Alam mo naman ang lalaking 'yan basta pagdating sayo, bigla-bigla na lang sumusulpot." I sighed. Wala na akong nagawa kung hindi ang ngumiti na lang at naiilang na pumasok sa loob.
Sa pinto palang, kina-kantahan na nila ako habang nagsasabog ng confetti. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko sila. They look so happy while celebrating my birthday pero may kung ano sa sistema ko ang malungkot.
Napakaraming niluto ni Papa para sa amin, si Ken ay hindi mapakali dahil sa bitbit niyang cake. While Tin is preparing her gift for me. Mas perfect pa sana ito kung tinanggap ng crush ko ang love letter ko kanina. My 16 years old celebration will be memorable. I pouted thinking about what happened earlier.
Hindi ko pinahalata sa kanila ang nasa isip ko, bagkus kahit tatatlo lang kami hindi naging hadlang ito upang masaya naming i-celebrate ang aking kaarawan.
"Pa!" Parehong naningkit ang mata namin ni Tin ng biglang tawagin ni Ken si Papa.
"Sino? Ako?" Tanong ni Papa sa sarili niya at tumingin sa amin. Kaagad kong hinampas ang braso ni Ken para awatin siya sa binabalak niya ngunit ayaw niyang magpa-awat. I groaned.
"Alam kong masyado pang maaga pero ngayon pa lang ay hini-hingi ko na po ang kamay ng iyong anak at tatawagin na rin kitang Papa." Napaawang ang labi ni Papa sa sinasabi niya samantalang ako ay patuloy na umiling-iling sa tuwing nagtatagpo ang tingin namin ni Papa. Seriously this guy!
Si Tin ay tinulungan ako na signalan si Papa.
"Masyado pang bata ang anak ko, wala pa akong balak na ipamigay siya kahit kanino." Desididong sambit ni Papa na nag tango-tango sa akin.
"Pero Pa!" Kumapit si Ken kaagad kay Papa. Pinigilan ko si Ken at napasinghap na lang sa ginagawa niya. Napakalakas talaga ng loob niya! Ako ang nahihiya para sa kaniya.
"Huwag mo nga ako matawag-tawag na Papa. Hindi naman kita anak." Anang niya at tumikhim. Pareho kaming natawa ni Tin dahil sa ginawang pangungulit ni Ken sa aking ama.
Hinila ako ni Papa patungong kusina at bumulong. "Hindi mo naman siguro kasintahan ang weirdong 'yon?" Tanong niya, naninigurado.
"Hindi Pa! Maganda lang talaga ang anak mo kaya may mga nababaliw." biro ko sa kaniya at kumindat.
"Malamang! Kanino ka pa ba naman magmamana? Of course sa akin!." Puri niya sa kaniyang lahi. Napasinghap na lamang ako at bumalik na ulit sa hapag-kainan. Sinabayan ko si Tin na mag-isang kumakain ng cake, si Ken ay nasa kusina at mukhang nagpapalakas kay Papa. I even saw him following my Papa whenever he would go.
Bigla akong napasandal sa upuan at nagpakawala ng malalim na paghinga ng mawala sa kanila ang atensyon ko.
"Ano na naman ang iniisip mo? Huwag mong sabihing yung love letter parin?" Wala sa loob niyang bigkas.
Napasimangot ako at unti-unting tumango. "Paano kaya kung tinanggap niya yung letter ko? Tingin mo magre-reply siya? Susulat din ba siya?"
Mariin akong tiningnan ni Tin at inilapat ang hintuturo sa aking noo upang maibalik ako sa reyalidad. "Huwag kang mangarap! Sa dami-daming nagkakagusto diyan sa crush mo, tingin mo mag-aaksaya pa ng oras iyon para magbasa ng letter mo?" Napasimangot akong napasubsob sa mesa.
"Pero kasi, napakatagal kong pinagpuyatan 'yun kagabi tapos nakakalungkot lang kung hindi niya mabasa." Maktol ko sa harapan niya.
Biglang nagpakawala ng malalim na paghinga si Tin at umiling-iling sa akin.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
