Seventy Eight

427 21 3
                                        

Seventy Eight

Maghapon kaming nagkulong ni Stephen matapos ang aksidenteng nangyari sa pool. Hindi na rin na tuloy ang pagbisita ni Viviore dahil sa biglaang lakad.

Sinulyapan ko ng tingin si Stephen na may hawak na namang medical books at nagbabasa sa balkonahe. Upang mawala ang pagka-bagot, kinuha ko muna ang laptop at nag-research ng mga possible na itatanong sa interview sa akin this Monday. Inalam ko rin ang history ng company.

Hindi nagtagal ay nakita kong papalapit na sa akin si Stephen, mukhang tapos na siya magbasa. Nilagay niya ang librong binabasa sa table at umupo sa kama katabi ko. Sinilip niya ang ginagawa ko.

"What are you doing?" walang emosyon na tanong niya.

"Nagre-research lang ako ng mga pu-pwedeng isagot sa Interview."

"Ah." aniya at tumango. Nagbabalak na sana siyang humiga ngunit maagap ko siyang pinigilan at hinila ulit paupo.

Lumapad ang ngiti ko at inabot sa kanya ang printed kong resume.

"What?" tamad na tanong niya.

"I-review mo ako, kunware ikaw ang mag-interview sa akin, please."

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at kinunutan ako ng noo. "Inaantok ako, at basic lang naman usually ang mga dapat isagot sa mga ganyan." tinatamad niyang tugon.

Hihiga na sana ulit siya pero pinigilan ko ulit. "Sige na, please...check mo lang kung may pag-asa ba ang mga isasagot ko, please, please, Stephen."

He look at me seriously at wala na ring nagawa kung hindi kunin ang resume ko at tamad na tiningnan.

"So, Ms. Sashi Bartolome, you are applying for an Editor position in this company. Now, please tell me about yourself." panimula niya.

Napalunok ako at handa ng sumagot sa harap niya "I'm Sashi Bartolome, I graduated in XXX University with the Bachelor of Mass—" pinutol ni Stephen ang sinasabi ko.

"Ano tingin mo sa Interview? First day of class? You should be direct to the point. Iyang degree mo nakita na nila sa resume mo, again!" Inismiran ko siya.

"I'm Sashi Bartolome..." umiling-iling na si Stephen at mukhang susukuan na ako. Walang imik siyang nahiga at nagtalukbong na ng kumot.

"Suko na ako! For sure hindi ka rin makakapasa sa interview mo, huwag ka ng mag-abala pa." sabi niya. Bigla akong napasimangot.

Napaka-negative naman nitong asawa ko, nakabusangot akong tumayo sa kama at hindi siya inistorbo. Mag-isa akong nag-research sa balkonahe ng bigla akong sitsitan ni Stanley na nasa kabila.

"Oh! Kanina ka pa d'yan?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman." may sinisilip siya sa loob ng aming kwarto at alam ko na agad kung sino. Kakaiba ko siyang tiningnan. "Sinisilip mo ba kuya mo?" Napaiwas siya ng tingin at malungkot na umupo.

Inabot ko ang buhok niya at ginulo. Inis niya akong sinamaan ng tingin

"Ano ba?!" maktol niya habang lumalayo sa akin.

"Sa pagkakatanda ko, ako ang nahulog sa pool kanina at nag-aagaw buhay 'di ba? Kaya dapat sa akin ka nako-konsensya, bakit parang mas nag-aalala ka pa sa kuya mo kaysa sa akin?" tampo ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin at piniling manahimik.

Naupo na rin ako sa upuan at hinintay siyang magsalita. Narinig ko pa ang malalim niyang buntong hininga.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan," pauna niya. "Huli kong nakitang ganoon sa akin si kuya ay noong muntik ko ng masira ang lumang phone niya, after that ilang weeks hindi niya ako pinansin. Kaya natatakot akong maulit 'yon."

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon