Seventy Two

458 19 5
                                        

Seventy Two

Finally my honeymoon is here. Maaga ko ginising si Stephen dahil maaga ang flight namin ngayon. We decided to go to the best tourist spot in the country and that is...Boracay.

Walang mapaglagyan ang ngiti ko habang nag-aabang na kami ng taxi sa labas ng bahay. Sila Dad ay nakamasid sa amin samantalang si Mom ay palihim pa akong binulungan. "Our apo Sashi, aasahan namin 'yan." utas niya at kumindat pa sa akin. Namula ako sa mga kalokohan ni Mom at hindi nagtagal dumating na rin ang taxi na magdadala sa amin sa airport.

Hinayaan kong ipasok ni Stephen ang mga maletang dala sa compartment habang nakangiting nagpaalam sa kanilang lahat. Una akong pumasok sa loob ng sasakyan at sumunod rin siya. Tahimik siyang umupo sa tabi ko.

Palabas na kami ng village ng mapansin kong tumunog ang phone niya, sandali niya lang tiningnan ito at tumikhim na bago ako sinulyapan.

"Uhm? Yes, Pa" Naagaw agad niya ang atensyon ko. Si Papa ba ang tumawag sa kaniya? Psh! Hindi man lang ako tinawagan n'un.

"Yes po, nasa taxi at on the way na po kaming airport," sagot niya.

"Opo. She's with me, do you want to talk with her?" Naghintay akong ibigay sa akin ni Stephen ang phone ngunit binaba niya lang ito. Napasimangot akong tiningnan siya.

"Ang daya! Hindi mo man lang pinaka-usap sa akin ang aking ama."

Stephen lean on me to mocked me. "He said, baka raw maistorbo ka pa niya sa imagination mo. Ingat ka na lang daw." Nagmaktol akong sumandal sa sasakyan at umidlip sa tabi niya.

Hindi nagtagal, dumating na rin kami sa airport. Hinila ni Stephen ang aming maleta habang nasa akin naman ang mahahalagang gamit. We check in at doon na lang nagpapalipas ng oras. May ilang minuto pa kami bago ang flight kaya nagyaya muna akong kumain. Umayon din naman siya kaya naghanap kami ng makakainan.

Sa food chain kami bumagsak, since nagmamadali na rin at baka tawagin na kami...mas convenient dito. Hinayaan ko siyang um-order habang tahimik akong naghanap ng mauupuan. Kalaunan ay nasa harap ko na siya, bitbit ang pagkaing.



Burger at fries lang ang binili niya sa amin na sinamahan niya pa ng in-can soft drinks para sa akin. Dahil pudpod ang daliri ko kakakagat, siya na mismo ang nagbukas ng inumin ko para sa akin.

I smiled when I saw how attentive he is. I don't know pero kahit sa simpleng bagay na ginagawa niya ay pinapakabog niya ng sobra ang puso ko. Siguro dahil, hindi naman kasi ganito ang pagkakilala ko sa kaniya. He's always been that cold Stephen I fall in love.

I drink my soft drinks first bago sinubo ang burger ngunit natigilan ako ng walang emosyon niyang idinampi ang daliri sa gilid ng aking labi upang punasan ang naiwang sauce.

"T-Thanks." malambing kong sabi habang namumuo ang ngiti.

Tinitigan niya lang ako ng masama at sumenyas na kumain ako.

Dumating na nga ang oras na hinihintay ko. Tinatawag na nga ang flight naming dalawa. Nakapulupot ako sa kanya habang papasok kami sa Airplane. Bigla ko na naman nararamdaman ang takot na unti-unting umusbong sa tuwing mag-isa akong nasa himpapawid. Mas lalong humigpit ang kapit ko sa kanya ng umupo kami at napansin niya ang takot ko.



"Afraid?" tipid niyang tanong na nagpatango sa akin. Nakadama ako ng kaba at pamumutla. Hindi naman ito ang kauna-unahang sumakay ako ng airplane pero hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako.

Mas lalong humigpit ang kapit niya sa akin at dahan-dahan akong pinasandal sa kaniyang balikat "I'm here." bulong niya at hinalikan ako sa ulo. I feel at ease at marahang tinitigan siya.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon