Eighty One

414 20 3
                                        

Eighty One

Ilang araw na halos nakikita ko ang pagpupuyat ni Stephen para lang maligtas ang batang babaeng 'yon. He studies her illness seriously.

Napakalaki na ng eyebags sa mata niya sa tuwing gigising. Gusto ko sana siyang kausapin about this, but I know he loves doing this kaya pinapatatag ko na lang ang loob niya araw-araw.

Magkasama kami sa loob ng sasakyan, hawak ko na rin ang envelop sa kamay ko. Its friday, at ito ang binigay sa aking deadline ng company para maipasa ko lahat ng requirements ko.

"Stephen," tawag ko sa pansin niya.

"Uhm."

"After ko ipasa ang requirements, is it okay if punta ako sa hospital niyo?" Walang emosyon na naman ang nakita ko sa mukha niya.

"For?"

"I got curious kung sino ang batang sinasabi mo." Tipid siyang ngumiti sa akin bago tumango.

"Okay. Sabay na rin tayo mag-lunch." Napangiti ako at masiglang nagpaalam sa kanya.

Bago makababa ng sasakyan ay may pahabol pa siya. "If you meet her, don't say that I am your husband. She's really fond of me baka ma-stress 'yon." Tumango ako at ngumiti.

"Pati bata kaagaw ko pa rin sayo." I murmured at lumabas na ng sasakyan. Pinanood ko lang na maglaho ang kotse niya at tuluyan na ring pumasok sa loob ng network.

Inabot ng halos dalawang oras ang paghihintay ko sa HR dahil may meeting pa raw. After niyang ma-scan ang set of requirements na dala ko nag-discuss na rin siya sa akin ng job offer. At wala naman akong masabi sa offer nila kaya I sign it ng walang pag-aalinlangan.

Matapos noon ay pinauwi na ako. Sa monday na ang start ng job ko sa bagong kompanya. And based on the environment mukhang maganda naman.

Nagpara ako ng taxi papuntang hospital. Pagdating ay tinext ko agad si Stephen para sabihing nandito na ako. Naghintay ako sa lobby ng reply niya pero wala akong nakuha kaya nagdesisyon na akong hanapin siya.

Una kong pinuntahan ang Emergency Room pero wala siya. Napanguso akong luminga sa ibang parte ng hospital pero hindi ko talaga siya mahagilap.

"Sashi?" Napalingon ako sa likuran dahil pamilyar na boses babae ang nagsalita.

Pagtingin ko si Tin pala at kasama niya si Ken.

"Hoy, nandito pala kayo!" excited na sambit ko. Tiningnan ko ang tiyan ni Tin na medyo bumubukol na. Napangiti ako.

"Yeah, check up." tipid niyang sagot. Pinaningkitan ko ng tingin si Ken na ngayon ay naiilang na tinitingnan ako.

"How's your feeling? Magiging Daddy kana!" Biglang namuo ang ngiti niya at nagkatinginan sila ni Tin.

"Tingnan mo kayo din naman pala magkakatuluyan," asar ko. Pareho silang namula sa sinabi ko.

"Nga pala bakit ka nandito? Bisitahin mo si Stephen?" Pag-iiba ni Tin ng usapan.

"Ah oo, nasa area lang din kasi ako at katatapos ko lang magpasa ng requirements."

"You mean, nakapasa ka?"

Tumango ako at ngumiti. "Talaga? Then good! Gusto mo pumunta sa bahay mamaya? I'm bored!" anyaya niya sa akin. Nakita ko ang pagsiko sa kanya ni Ken na nagpangiti naman sa akin.

"You need to rest," bulong ni Ken. Pinandilatan naman din siya ng tingin ni Tin at naiilang na tumingin sa akin.

"Oo nga naman Tin, kailangan mong magpahinga, makinig ka naman sa boyfriend mo," panunukso ko. Agad akong hinila ni Tin palayo doon at kinurot.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon