Thirty Six

413 23 5
                                        

Thirty Six

2nd year college when I made a decision to follow him in the U.S. Gusto kong sabihin ang totoong reason ko kung bakit hindi ako nakasama sa kaniya. Halos isang taon na rin akong hindi mapalagay simula ng huli naming pag-uusap.

After I talked to him on his birthday, nawalan ulit ako ng communication sa kaniya. That day became a year, wala akong lakas ng loob na tanungin ang mga magulang niya sa kalagayan niya. Kung kamusta na ba siya? Maayos ba ang lagay niya?

Nag-aayos na ako ng gamit ng biglang kumatok si Rail. Sumandal siya sa hamba ng pinto at nakangiti akong tiningnan.

"Excited?" tanong niya na tinanguan ko.



"2 years mo siyang hindi nakita and now you're going there?" panunukso niya.

Lumapit siya sa akin at humiga sa aking kama.



"How are you feeling?" tanong niya.



"Sinagot na kita kanina."



"Excited? Malamang! Excited ka talaga, pupuntahan mo ba naman ang iyong man of your dreams." Hinayaan ko lang siyang magsalita sa tabi ko habang patuloy na nag-iimpake.

"Ano nga? Sagutin mo ang tanong ko." pangungulit niya. Napatigil ako sa ginagawa at humiga rin sa kama, pareho kaming nakatingin sa kisame habang magkatabi.

"Kinakabahan ako honestly, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin o paano ko uumpisahan ang lahat. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako? Magagalit kaya siya? Ipagtutulakan niya kaya ako?" Huminga ako ng malalim "I really don't know, basta ang alam ko lang ay kailangan kong mag-take ng risk at namimiss ko na siya...sobra"

"Alam ko, halata naman sayo." Sinamaan ko siya ng tingin at bumangon upang ipagpatuloy ang pag-iimpake.

Pumasok rin sa loob ng kwarto si Papa at may inabot sa akin, kapirasong papel na mapa ang nakalagay. Naka-indicate roon ang pinaka-address ni Stephen. Niyakap ko ng mahigpit si Papa at nagpasalamat.

"As long as masaya ka," Simpleng salita na sinabi niya na nagpaluha sa akin.

On the way na kami sa airport. Tumawag na rin sa akin si Tita para sabihin ang daan patungo sa apartment ni Stephen. Binalaan ko silang lahat na huwag muna ipagsabi at nagbabalak akong surpresahin siya. Pumayag naman sila sa plano ko.

Mahigpit kong niyakap si Papa at ngumiti. "Ingat ka doon, tatawag ka kapag nagkita na kayo." Bilin niya.

Sinunod kong tiningnan si Rail na nakadipa sa harap ko, niyakap ko siya siya at nagbilin. "Ikaw na muna bahala sa Papa ko."

"Sure, para namang ang tagal mong mawawala. Isang linggo ka lang naman doon." Asar niya sa akin.

"Kahit na! Matagal na 'yon." Sabat ko.

Humigpit lalo ang yakap niya sa akin. "Siguraduhin mong magiging maayos kayo ng prince charming mo ah." Tumango ako.

"Pero 'yong kinukulit ko talaga sayo, baka pwede naman?"

"Ayoko nga! Mamaya may maka-misundertand pa ng gagawin mo." Kumawala na ako ng yakap sa kaniya at sinipat siya.

"Dali na, 'tsaka hindi naman mamasamain ng mga tao 'yon kasi magpinsan tayo. Dali na kasi, gusto ko lang talagang tantananan ako noong babaeng iyon." Hinalikan ko ulit si Papa sa pisngi at malapad na ngumiti sa kanya.

"Una na ako, Pa" paalam ko.

"Sige." Sinamaan ko ng tingin si Rail na nakabusangot na ang mukha.

Isang linggo na yata niya akong kinukulit na pumayag na gawing in a relationship ang status namin sa facebook dahil ayaw siyang tantanan ng admirers niya. Isang linggo ko na ring paulit-ulit na naririnig ang mga pangungulit niya.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon