Five
Lumipas ang ilang araw na para bang walang nangyari, unti-unti ng humuhupa ang nangyari sa aming dalawa ni Stephen, and speaking of Stephen ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Nakipag-compete pala siya sa ibang school. Hindi ko man lang nabasa ang update na 'yun dahil sa natabunan ito ng litrato naming dalawa.
Napahinga ako ng malalim at nakasimangot na tumingin sa field.
I miss him.
Tumabi din sa akin si Tin at inakbayan ako.
"Ilang araw na tayong tahimik ah. Mabuti naman at wala ang prince charming mo." Pang-aasar niya pa sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpakawala ulit ng malalim na buntong hininga.
"Siya na nga lang ang bumubuhay sa school life ko, palagi pa siyang wala." Drama ko
"Bumubuhay talaga?" Asar niya sa akin.
"Alam mo namang wala akong talino para isubsob ang sarili sa pag-aaral. Kaya nung makilala ko siya, alam ko sa sarili kong magiging maganda ang buong high school life ko dahil sa kanya." Tin sighed and tap my shoulder.
Pareho kami natahimik at bigla ulit siyang nagsalita.
"Nga pala, about kay Tito tuloy na ba talaga siya?" Isa pa ito, sa tuwing naiisip kong aalis si Papa ay nalulungkot talaga ako.
Napatango ako sa sinabi niya. "Ou, nagsisimula na nga rin kaming mag-impake ng gamit dahil baka next week ay ipakilala na ako sa kaibigan ni Papa para kahit papaano ay hindi na ako mailang sa kanila." Sambit ko.
"Sa amin ka na lang kaya tumira?" Alok niya na nagpangiti sa akin.
"Hindi pwede, nakakahiya, and besides base sa kwento ni Papa mukhang mabait naman ang kaibigan niyang 'yun. At gustong gusto daw ako nuong asawa kaya susubukan ko muna at kapag hindi ko kinaya, 'tsaka tayo mag-usap." Wala na ring nagawa si Tin kung hindi ang umayon sa sinabi ko.
Bumalik na rin kami sa aming upuan dahil dumating na ang guro. Habang nagtuturo ito ay palihim ko lamang sinusulyapan ang aking phone at nagbabakasakaling may update sa kanya pero wala, wala akong nakita.
Ilang araw ko ng paulit-ulit na tinitingnan ang mga litrato niya at wala na akong makitang bago.
Napasubsob ako sa aking mesa at tahimik na nakinig. Binuklat ko rin ang aking libro at sa bawat pahinang nakikita kong may pangalang Stephen, binibilugan ko ito at nilalagyan ng heart shape para lang lumipas na mabilis ang oras.
Hindi nagtagal may pumasok na panauhin sa loob ng klase at mabilis kaming tumayo upang bumati..
"Good Afternoon Principal." Bati namin, sineyasan niya lang kami na maupo na agad naming sinunod.
"Alam kong alam niyo na ang nalalapit na ang 2nd Grading natin at base sa Deped Evaluation, kailangan nating itaas ang percentage average ng buong school. Kaya nais ko lang ipaalam sa inyo na mas pagigihan pa natin ang pag-aaral para sa buong lungsod, tayo ang manguna." Tumikhim ito at seryoso kaming tinitigan.
"May naka-plano na kaming mga lesson o paraan para matulungan ang section na ito na mas umangat. Nais lang namin humingi ng extra effort sa inyong lahat dahil kung hihilain niyo pababa ang buong school-pare-pareho lang tayo mahihirapan." Anunsyo nito, halatang dismayado.
Napatango kami at sinang ayunan siya, nagpaalam rin kaagad sa amin ang Principal. Bumalik na din sa pagtuturo ang aming guro.
Kinalabit ako ni Tin. "Yung announcement ng principal, para bang pinapalabas niya na tayo lang ang may kasalanan? Dahil ba hindi tayo nag-aaral?" Iritang sambit nito.
"Hindi naman siguro, baka sinasabi niya lang na mas mag-aral at mag-effort tayo?" Tugon ko. Sumapit ang breaktime at hinila ako ni Tin patungong field, inabutan niya ako ng ice cream drumstick at payapang naupo sa may damuhan at nagmamasid sa paligid.
"Hindi pa nga tayo kumakain ng kanin, Ice cream kaagad ang binabanatan natin."
"Hayaan mo na! Kain na lang tayo mamaya sa labas, pag-uwian." Aniya na nagpatango sa akin. Bigla siyang naupo sa likuran ko at inilugay ang aking buhok. Sinuklayan niya rin ang ilan kong bangs na nakatakip sa aking noo at itinali ng maayos ang aking buhok.
Natutuwa talaga ako sa tuwing inaayos ni Tin ang buhok ko.
"Ano na palang balak mo sa college? Narinig ko kasing naguusap yung mga kaklase natin about sa school na gusto nilang pasukin." Bigla akong natahimik at nagisip..
"Hindi ko pa alam. Depende?"
"Depende? O depende kay?" Napayuko ako sa harap ni Tin.
"Hindi ko alam, gusto ko sana sa susunod kong papasukan ay nandyan pa rin siya para may tinitingnan pa din ako."
"Alam mo Sashi, Si Stephen yung tipong dapat pinag-aaral sa mga prestigious na kolehiyo dahil sa talino niya. Kaya kung susundan mo parin siya doon, malamang sa malamang entrance exam palang lagpak ka na!" Napasimangot ako sa sinabi niya.
"Pero mag-aaral naman ako. Isubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral para makapasok sa kolehiyong gusto niya." Bigla niya akong binatukan.
"Mag-aaral ka? Ikaw talaga? Sa Math pa nga lang ni hindi tayo makaalis sa question 1. Tapos mag-aaral ka?"
"Anong gagawin ko?! Gusto ko parin siyang makita."
"Bakit hindi mo kayang subukan i-sentro ang sarili mo sa iba. Tatanungin kita,ano ba ang pangarap mo?"
"Pangarap ko?" Napadako ang paningin ko sa langit at nag-isip.
Well, nakikita ko naman ang sarili kong maging isang guro at nakangiting nagtuturo. Tapos may biglang tatawag sa akin at magpapadala ng flower at may nakasulat na "Enjoy your day" from Stephen.
Bigla kong hinawi ang naiisip ko.
I also see myself as a successful woman, naka-coat, nakasalamin, naka-corporate attire habang nakaupo sa swivel chair nang biglang may papasok sa aking opisina at mag-aabot ng mga papeles at nang mapadako ang tingin ko sa taong pumasok, isang malapad na ngiti ang makikita ko kay Stephen.
Napailing-iling agad ako.
Nakikita ko rin ang sarili kong nagtatrabaho sa Hospital, ako ang nurse samantalang si Stephen ang Doctor.
Biglang nawala ang ngiti ko ng mapatingin kay Tin. "Pangarap ko?" Ulit ko ng tanong niya.
"Sa totoo lang, palagi kong tinatanong ang sarili ko about diyan. Pero sa tuwing naiisip ko kung ano ang makikita ko sa hinaharap, laging naroon si Stephen. Para bang para sa akin I exist only for him, If gusto niyang maging business man, I am willing to be his secretary, Piloto then I can be his stewardess. Basta lahat ng gusto niya gusto ko nanduon ako sa lahat, inaalalayan ko siya, tinutulungan."
Suminghap si Tin sa sinabi ko "Alam mo Sashi, kapag ikaw hindi mo makakatuluyan iyang man of your dreams, papatayin talaga kita!" banta niya sa akin. Ngumisi ako at misteryoso siyang tiningnan.
"Bakit naman?" Inakbayan niya ako at malambing na ngumiti.
"Dahil sa halos araw-araw kong panunuod sa mga paghahabol mo, minsan naisip ko naring sana makita lahat ni Stephen yang effort at pagmamahal mo. For him you are willing to sacrifice everything at 'yon ang maganda sa pagmamahal mo. It's so pure and lovable kaya kahit against ako minsan sa mga gusto mo para makita siya. Just always remember na afterwards tanggap ko naman lahat na heto ka at ganito ako, we're different. Kaya kung naniniwala kang magbubunga lahat ng effort na ginagawa mo then do it, huwag kang sumuko."
"How sweet naman..." kaagad ko siyang niyakap at kasabay din nuon ay ang pagtunog ng bell kaya tumakbo na kami pabalik ng klase.Habang tumatakbo kami pabalik ng classroom, natigilan ako ng may Nahagip ang mata ko sa gate ng school. He's in uniform habang nagbabasa ng libro.
Oh my god! He's back, My Stephen is back!
Ang lapad kaagad ng ngiti ko habang pinagmasdan siya. Biglang naging active ang notification sa phone ko dahil sa kanya. I feel like I am alive again.
"Nakangiti ka na, buhay ka na naman ba? Nandiyan na siya 'e." Napatango ako sa sinabi ni Tin at hindi mapigilang mangiti habang tinitigan siyang tuluyang maglaho sa aking paningin.
"Let's go." Nakangiting sambit ko at ganadong bumalik sa klase.
Mapakla na lamang ngumisi si Tin at nagpatianod sa paghila ko sa kanya. Palibhasa kasi hindi niya maintindihan ang feeling ng may nagugustuhan.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
