Fifty
Inayos ko ang suot ni Papa habang nakaupo siya sa wheelchair. Napa-approve rin ako ng makita kong naka-dress na si Tita Jovy. Sandali kong sinulyapan si Rail na tahimik lang na nanonood sa sala.
"Sure ka talaga? Hindi ka sasama?" tanong ko.Tumango langsiya.
Paglabas namin ng bahay, nag-aabang na pala ang taxi driver. Naka-alalay si Rail kay Papa habang sinasakay namin siya sa sasakyan.
Weekend at excited na akong makita ulit sila Tita. Magta-takipsilim nang umalis kami ng bahay kaya palubog na rin ang araw sa dinadaanan namin. Katabi ako ni manong habang si Tita at Papa ay nasa back seat.
Unti-unting nagiging pamilyar ang daang tinatahak namin at mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Makaraan ng ilang sandali, ay tuluyan ng huminto ang sasakyan sa minsan ng naging tahanan ko. Marahan kong inalisa ang pagbabago sa kanilang bahay at nagtanggal ng seatbelt, hindi nagtagal ay pinagtulungan naming ibaba si Papa bago nagbayad.
Umalis na ang taxi sa tabi namin. Nagkatinginan muna kaming tatlo bago ako lakas-loob na pinindot ang pamilyar na doorbell.
Nakaka-dalawang pindot pa lang ako ng pagbuksan na kami agad ng gate at nagagalak na mga ngiti agad ni Tita ang sumalubong sa amin.
"Sashi!" halos buong baryo ang nakarinig sa sigaw niya upang salubungin ako. Ang lawak ng ngiti ko at mahigpit siyang niyakap.
"Tita!" Unti-unting namuo ang mga luha ko. I miss her so much.
Nang kumawala siya sa akin ay napansin ko agad ang luha sa mga mata niya.
"Tita naman..." paglalambing ko.
"Wala ito, natutuwa lang ako kasi nakita na ulit kita."
Mas lalo niyang hindi napigilan ang kaniyang luha ng binati at niyakap si Papa lalo na ng makadaupang-palad si Tita Jovy.
Napuno ng kuwentuhan ang bawat hakbang namin papasok ng bahay habang pinagmamasdan ko ulit ang kabuuan ng kanilang mansion. It's still the same old house na tinuluyan ko noon, the warmth feeling was still here, the nostalgic feeling I felt when I look around at every corner. Hindi halatang iniwan nila ng panandalian noon.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay halos lumapad ang ngiti ko ng makita si Stanley na napakalaki na. May namuong luha sa mata ko habang pinagmamasdan siya. How old is he now? I know that he's in High School.
Bakit ba ang po-pogi ng mga anak nila Tita, napaka-gwapo na ni Stanley! Gosh!
"Hoy! Pangit!" Tawag niya sa akin, mabilis kong idinipa ang aking kamay ko upang yakapin siya.
"Oh my god Stanley, bakit ang laki mo na?!" Natutuwang bati ko ngunit irap lang ang nakuha ko muna sa kaniya.
"Ikaw, bakit ang stupid mo pa rin?" Asar niya at agad na nakatanggap ng batok mula sa akin.
Ang nagbago lang siguro kay Stanley simula ng huli ko siyang makita ay ang well develop niyang features na kahit papaano ay lumilitaw na ang panibagong Stephen. Matangkad na din pero sa ugali, no! Siya pa rin yung number 1 na bully ko.
Walang mapaglagyan ang tuwa ko habang napupuno ng kuwentuhan ang kabuuan ng bahay. Si Tita ganoon pa rin, madaldal at makulit samantalang si Tito at Papa ay patuloy na nagre-reminisce ng kanilang pagkakaibigan. Si Tita Jovy ay kausap si Tita.
Iginala ko ang paningin sa buong paligid, umaasang makikita si Stephen. Bakit parang wala akong makitang bakas niya sa bahay nila?
Napansin ni Stanley ang paglinga ko kaya awkward na lang akong ngumiti sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
